Chapter Thirty-Four

2K 78 0
                                    

Third Person's POV

KASALUKUYANG kinakausap ngayon ni lucinda ang apo.

" 'La hindi ko'yun babae a—" pinutol niya ang sasabihin ng apo.

"Alam ko kilala ko siya.." saad niya na nagpalaki ng mata ni mavis.

'Kilala ni lola yun?' tanong nito sa isipan

Napakamot ng batok si mavis, "Kilala niyo 'yun 'la? Ba't ambaho ng hininga?" Tanong nito. Hindi makapaniwalang binalingan niya ang apo.

"MAVIS!" Gulat na saway niya dito.

"Joke lang lola!" Agad nitong bawi.

Napabuntung-hininga si lucinda sa kapilyuhan ng apo.

"Dito siya tumutuloy.." panimula niya, napaawang ang labi ni mavis.

"Talaga lola? Hindi naman tayo nauubusan ng toothpaste 'diba? Ba't ambaho ng hininga niya?" Nakangiwing saad niya, napalingon siya sa lola niya na masamang nakatingin sa kaniya kaya napalunok siya.

'Totoo naman 'di ba?'

Hindi na pinansin ni lucinda ang apo, "Dinala siya ni agosto rito, natagpuan niya itong walang malay noon habang pauwi siya.." pagkekwento na ni lucinda, napaseryoso si mavis.

"Malala ang lagay niya noon, may tama ng bala sa bewang at balikat, maraming pasa at sugat, may malaking sugat rin siya sa ulo na hula namin ay mukhang tumama sa kung saang matalas na bato. Swerte nga't may pulso pa siya noon kaya agad na napagamot. Isang taon siyang comatose at ngayon lang nagising.." dugtong ni lucinda na kinasinghap ni mavis.

Sa isip niya ay kaya pala mabaho ang hininga. Pero nakaramdam siya ng awa sa babae.

"Edi wala po siyang naalala lola?" Tanong niya at malungkot na napatango ang matanda.

Nang matapos ang pag-uusap ay umakyat na sila sa taas at nadatnan nila ang dalaga na nakaupo sa kama at nakatulala.

Lumapit si lucinda rito at hinawakan ang kamay kaya napatingin ito sa kaniya. Ngumiti ng marahan ang dalaga sa matanda dahil magaan ang loob niya dito.

Napalingon siya sa lalaking nakatayo sa gilid niya, tinaasan niya ito ng kilay.

Napangiwi si mavis sa inasta ng dalaga sa kaniya.

"Salamat po." Ang dalaga na ang unang nagsalita saka matamis na ngumiti sa matanda. Napaawang ang labi ni lucinda hindi niya inaasahan ang bungad ng dalaga sa kanya.

Yun talaga ang unang sinabi ng dalaga  dahil kanina niya nakita ang mga peklat sa bewang at balikat niya. Nung napakamot rin siya sa ulo ay nakapa niyang benda pa iyon kaya marahil ay naaksidente siya.

"Hija.." tawag ng matanda sa kanya kaya nilingon niya ito, "—Anong pakiramdam mo?" Tanong nito sa kaniya at nakita niya ang pag-aala sa mukha nito.

"Ayos lang po ako ahh.." nangangapa siya dahil hindi niya alam ang pangalan nito.

Ngumiti si lucinda. "Lucinda...tawagin mo nalang akong Nay lucy.." ani nya kaya napatango ang dalaga.

"N-Nay lucy.." tawag niya rito, nag-aalangan siya sa sasabihin niya pero hindi siya mapakali.. "A-Ano pong pangalan ko? Kilala niyo ba ako?." Tanong niya.

Natigilan ang matanda maging si mavis sa tanong nito, sa huli naisipan niyang ikwento rito dahil wala namang dahilan para hindi sabihin dito.

Napaawang ang labi ng dalaga ng malaman ang sinapit niya, napalunok siya para alisin ang bikig sa lalamunan niya. Hindi niya maalala kung bakit ganon ang sinapit niya pero parang ayaw na niya alalahanin pa ngunit may parang manipis na telang humahatak sa kaniya para alalahanin ito. Hindi lang nya mawari kung ano 'yun.

A contract with Ms. ChildishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon