JOURNEY 22

20 2 4
                                    

Chapter 22

Lovers

"Vans..." pangalan niya lang ang nabanggit ko dahil hindi ko na naman alam ang isasagot ko sa sinabi niya sa akin.

Sa sobrang lakas ng tambol ng puso ko, hindi ko na magawang magsalita.

"And I want to ask you something, Riz...." nahilamos niya ang palad niya sa mukha at sinalubong muli ang mga mata ko.

"The reason why you are thinking now to stay here, kasi.... may nararamdaman ka rin kay Vann? Is t-that it? Narizzalyn?" Nahihirapan niyang itinanong sa akin. At bakit parang nagtutubig na ang mata niya?

Seeing him like that makes my heart ache. Kumikirot ito, please Vans. I don't want to cry right now in front of you.

"N-no, no. S-sinabi ko lang naman iyon dahil nalilito pa ako but hindi pa naman ako nagdedesisyon na mag stay dito. At hindi dahil kay V-vann iyon," sunod sunod akong umiling sakanya.

Totoo, hindi dahil may nararamdaman ako kay Vann, naisip ko lang iyon dahil gustong gusto ko talaga ang personality ni Narizz. I am hoping that my ideal self turns into a real one kaya ko iyon nasabi.

Bakit naiiyak na talaga ako?!

Tumango siya sa akin at dahan dahang lumapit. Nagulat nalang ako at biglang namilog ang mata ko nang kinabig niya ako para yakapin.

Sumubsob ako sa dibdib niya. At.... narinig ko ang malakas na tambol din ng puso niya.

"I'm sorry... I am just s-scared Narizzalyn," mahinang bulong niya dahilan para tumulo na ang luha sa mga mata ko. Mabilis ko itong pinunasan at kinalma ang sarili.

Ghad! Why do I feel like this?

After ilang minuto na nakayakap siya, kumalas na rin siya at ibang mukha na ang bumungad sa akin. Nakangiti na siya sa akin.

"I'll promise that your every decisions will be my decisions too," he assured me at napatango nalang ako nang wala sa sarili sakanya.

"Thank you so much Vans..." Nagpakawala ako ng tipid na ngiti sa labi, his words is melting me and I don't know why.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon naging tahimik sa pagitan naming dalawa habang naglalakad lakad kami sa garden pa rin ng school hanggang sa may naisip akong gawin nang makita ko ang bilog na lamesa na gawa sa bato na may nakapalibot na upuan doon.

"Vans, you can draw right? Can you draw Narizz portrait? I want to see her face," I said out of the blue.

Since kasi nang makapunta yata ako dito sa loob ng story, hindi ko pa nakikita ang mukha ni Narizz.

I'm curious, because many people here says that she is beautiful.

He gladly nodded at me at siya na ang humila sa akin papunta sa pwesto na nakita ko kanina at inupo ako doon. Kinuha niya ang sketch book niya sa bag at tumingin pa sa akin.

"Don't move, just pose like this for the mean time, okay?" Sabi niya at inilagay ang isang kamay sa pisngi habang nakatukod ang siko sa lamesa. Tumango naman ako at ginaya iyon. "And just look at my eyes." Dagdag niya pa at itinuro ang mga mata niya na ikinangiti ko nalang.

Ilang segundo lang ang lumipas, nagsimula na siyang iguhit ang mukha ko.

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. The way he moves, it is precise and perfect. His hold on the pencil was gentle, at ang pabalik balik na tingin niya sa akin mula sa kanyang papel ay nakakapanghina. My heart is drumming so fast.

Ilang oras siguro ang lumipas bago siya natapos.

"It's done," he pursed his lips.

Umayos ako ng upo at hinintay na ibigay niya sa akin ang sketch book. Pagkakita ko palang sa mukha ni Narizz, natulala na ako.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon