DUMAAN na ang ilang linggo, ngayon ay aalis na sina Pzalm at Jethro. Excited na excited si Pzalm, hindi pa rin niya alam kung saan sila pupunta.
"Ready ka na ba? Today, we'll go on a roadtrip!" excited na sabi ni Jethro.
"Saan? Pwede mo nang sabihin sa akin, please?" hiling ni Pzalm.
"Sa Quezon province. We will experience south this time. Dati kasi, north tayo pumunta, e."
Nanlaki naman ang mata ni Pzalm dahil sa sobrang excitement. Matagal na kasi siyang hindi nakakapunta sa Quezon, alam niya na tahimik ang mga lugar doon.
"Edi, wala tayong signal pagdating doon?" tanong ni Pzalm.
"Yeah, kaya ko nga pinadala ang camera mo. In case na kulang pa 'yong phone, pwede mo pang picture-an ang paligid doon. For more memories," nakangiting sabi ni Jethro.
"Pinaghandaan mo talaga 'to ano? Ang bait at ang galing mo talaga!" Pzalm pinched his cheek at natawa sila pareho.
"Oo naman, gusto ko maging masaya ka ngayon. Well, alam ko namang busy tayo at excited sa kasal na paparating. Iba pa rin ang magkaroon ng time tayong ganito. Di ba?" sabi naman ni Jethro habang nagda-drive.
"Well, true naman. Sige na, let's go and have fun!" masayang sabi ni Pzalm.
Nagdala rin si Pzalm ng bread with palaman, juice and fresh fruits. Ayaw naman kasi niyang mag-drive thru pa sila. Mas masaya kung ganoon ang baon nilang pagkain ngayon.
Habang hinahanda 'yon ni Pzalm ay nagro-roll din ang video sa camera niya. She wants to document it all and make a video blog about it.
"Oh, bakit may video? Sabi ko, picture lang ah! Nakakahiya, huwag mo 'yang ipopost sa social media ah," may inis sa boses ni Jethro pero tinawanan lang naman 'yon ni PZalm.
"Okay, hindi ko ipo-post. Basta, hayaan mo lang nai-video ko. Gusto ko lang naman na may balik-balikan ako na mga moments natin, e."
Wala nang sagot si Jethro at hinayaan na lang niya si Pzalm na i-video ang mga dinadaanan nila. Minsan ay natatawa na lang si Jethro dahil sobrang saya ni Pzalm habang ginagawa 'yon.
Kung minsan ay nagpi-picture sila sa phone ng wacky shots. May mga shot din na hindi alam ni Jethro kaya natatawa naman si Pzalm. It's precious for her, lalo na kapag tinitingnan niya ang mga iyon.
"Kita ko 'yon ha! Pasalamat ka talaga at busy akong mag-drive ngayon. Ide-deete ko talaga 'yan kapag nakababa na tayo mamaya," sabi ni Jethro na parang inis pero tinawanan lang ulit siya ni Pzalm.
"Hindi ko naman ipapahawak 'tong camera ko, no. Baka pati yung videos tanggalin mo eh. Hayaan mo na, memories nga eh."
Nagulat na lang si Pzalm nang papasok na sila sa Villa Escudero. Isa ito sa mga gusto niyang lugar noon pa, kaso ang mahal kaya hindi niya magawa. Saka, sobrang busy na niya sa PFB Express at sa nursery school.
"Alam ko ang daan na 'to ah. Villa Escudero? Mahal dito, ah."
"Mahal man dito, mas mahal naman kita kaya walang kaso 'to sa akin. Naalala ko kasi, gusto mong pumunta dito kaso busy tayo noon. At least ngayon, mapupuntahan na natin. Isang dahilan din kung bakit gusto ko na may camera ka," nakangiting sabi ni Jethro.
"Yes! Ang alam ko, may museum yata sila dito 'no? Check natin 'yon saka syempre, kumain tayo doon sa waterfall restaurant nila," sagot naman ni Pzalm habang excited na inaayos na ang gamit nila.
Pagbaba nila ng kotse ay umupo muna si Pzalm sa lounge area. Si Jethro naman ay pumunta sa frontdesk para i-confirm iyong reservation na ginawa niya.
"Jethro Capili, I reserved a room for two last May 10," seryosong sabi niya.
"Kindly wait Sir Capili, I'll check lang po," sabi noong babae sa frontdesk. Tumango naman si Jethro.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na ang babae at ngumiti it okay Jethro bago nagsalita.
"Okay na po, Sir. You'll be guided by our room attendant. Enjoy your stay po. This is your room key, kung may kailangan po kayo, just dial 0 po sa telephone na nasa room niyo."
Tumango lang si Jethro at tinawag na niya si Pzalm na busy na nagche-check ng mga gamit nila doon sa lounge area.
"Halika na, babe. Let's go upstairs, gusto ko na ing humiga at magpahinga," sabi ni Jethro, tumayo naman si Pzalm at sumunod sa kanyang fiancée.
Pagpunta na nila sa taas, sobrang ganda ng kwarto na sumalubong sa kanila. It has this vintage vibe pero ramdam mo rin ang pagiging modern gawa noong mga ilaw na parang bagong gawa.
"Thank God, tama ang lugar na pinili ko. Ang ganda talaga dito, sa picture man o sa personal," masayang sabi ni Jethro.
"Thank you for choosing this. Mapayapa ang tulog natin nito mamaya," nakangiti namang sagot ni Pzalm.
May kama sa kwarto pero may sofa rin na pwedeng higaan. May lampshade sa tabi ng kama at nandoon rin ang telephone. Naka-centralized ang aircon at may rocking chair din sa may sofa.
"Thank you for choosing Villa Escudero, Ma'am and Sir. Enjoy your stay," sabi noong room attendant at nilagay sa isang tabi ang gamit nila pagkatapos ay sinara na niya ang pinto ng kwarto.
Humiga silang dalawa sa kama bago ayusin ang mga gamit nila. Pagkatapos noon, nagsalita si Pzalm habang tinitingnan ang bawat paligid.
"Noong huling tiningnan ko 'to online, hindi pa ganito kaganda 'to. Mas simple pa sila noon," sabi ni Pzalm.
"Hmm, ayaw mo ba dito?" tanong ni Jethro.
"Ano ka ba? Syempre, gusto ko. Hindi ko lang ini-expect an they will change through time. Napansin ko, marami na rin ang tao sa labas. Kilalang-kilala na talaga ang Villa Escudero, kahit dayuhan meron, e."
"Well, they need to change through time. Para mas magustuhan sila ng mga tao, they need to improve their place rin, syempre. Hayaan mo na, ang mahalaga nandito na tayo. Mamaya, iikot tayo sa buong place, kaya i-charge mo 'yang camera mo ha?" sabi ni Jethro.
"Yes, thank you talaga sa pagdala mo sa akin dito! Soon, ako naman ang pipili ng pupuntahan natin para ma-enjoy mo rin, I love you so much!" sabi ni Pzalm pagkatapos a humiga na.
"I love you too. Always."
BINABASA MO ANG
Paubaya (Completed)
RomanceThis is just a plot on my mind after Moira released her song "Paubaya" yesterday. I hope you like it. :) Sven's wife died. He went back to the Philippines with his daughter. There, he met his first love again. Pzalm Franzenne, on the other hand, was...