HINDI pinansin ni Sven ang sinabi ng kaibigan niyang si Raven. Wala naman kasi siyang plano na mag-trabaho sa PFB Express. Ayaw na niyang balikan pa kung ano ang meron sa kanila noon.
Pagpunta nila sa mall ay excited na bumama si KC. Hawak-hawak siya sa kamay ng kanyang ama at ang bata naman ay hawak ang stuffed toy na bigay sa kanya ni Kiera Amore dati.
"Be careful, anak. Watch your steps," sabi ni Sven.
"Yes, daddy. I'm just excited!" sabi ni KC na nakangiti sa kanyang ama.
Napangiti na lang si Sven dahil parang nawala lahat ang pagiging maldita ng anak niya sa kanya na kanina lang ay pinakita ng bata.
"Sige, hintayin niyo na lang ako sa loob. I'm just going to park my car," sabi naman ni Raven.
Tumango naman si Sven bilang tugon at inaya na si KC na pumasok sa loob ng mall. Ang lamig doon sa loob, buti na lang at naka-jacket si KC. Si Sven naman ay hindi na inintindi ang sarili dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang anak.
"We will just wait for Tito Raven and then we will go na, okay? Just hold my hand, anak," sabi ni Sven kay KC.
"Okay, dad."
Nakasimangot na naman si KC dahil ayaw na niyang hintayin pa ang kanyang Tito Raven. Tahimik lang silang naghihintay.
"Daddy, I want fries!" sabi ni KC nang makakita ng stall malapit sa kanila.
"Later, I'll buy you one. Okay? Just be a good girl. Smile always, my princess."
Pumasok na sa mall si Raven at lumapit na kina Sven at KC. Ngumiti ito sa bata bago magsalita.
"Where do you want to go, beautiful?" malambing na tanong ni Raven.
"I-I want to eat, play and buy toys!" masiglang sagot ni KC sa Tito Raven niya.
"Ang dami, magastos pala 'tong anak mo, pare. Parang mamumulubi ako," sagot ni Raven habang nakatingin kay Sven. Pinanlakihan ng mata ni Sven ito.
"What is magastos, daddy?" sabi ni KC, nagtataka ang bata.
Lumuhod si Sven sa harap ni KC para pantay sila ng anak. Saka siya nagpaliwanag kung ano ang meaning ng magastos.
"It means, kind anak. You are kind and beauful, of course," pagsisinungaling ni Sven sa anak pagkatapos ay tumingin nang masama kay Raven.
Natatawa naman si Raven, he acted like he is innocent sa pagsabi ng magastos sa anak ng kaibigan. Tumayo naman na si Sven habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng anak.
"Thank you, Tito Raven. You are magastos too!" sagot naman ni KC na kinagulat ni Raven kaya mahina na lang siyang natawa at tumango sa bata.
"C'mon, let us eat first. After eating, I'll buy you fries and then we will play. Okay?" sabi ni Sven.
"Okay, daddy! Let's go!" masayang sabi ni KC. Si Raven naman ay nakasunod lang sa mag-ama.
Kumain sila sa isang restaurant, dahil may pera pa naman siyang dala mula sa Switzerland na pinapalit niya iyon to Philippine peso noong umuwi siya. Siya na ang sumagot ng lunch nila dahil nahihiya siya kay Raven.
"Pare, pag-isipan mo na ang trabaho sa PFB Express. Alam ko naman na walang-wala iyon kumpara sa trabaho mong naiwan sa Switzerland pero hindi naman masama na doon magsimula ulit, hindi ba?" sabi ni Raven habang nakain sila.
"At sa tingin mo, kaya kong makita ang taong sinaktan ko nang lubos? Huwag na doon, kaya ko namang mag-trabaho kahit saan. Huwag lang doon," sagot naman ni Sven.
"Hindi mo naman ginusto na-" natigil ang pagsasalita ni Raven dahil sumagot agad si Sven sa kanya.
"Huwag mo na ituloy, ayaw kong marinig ng anak ko 'yan."
"Pero hindi naman niya maiintindihan kasi tagalog, di ba?" hirit pa ni Raven.
"Ano ba? Okay nga lang, sa iba na lang ako magta-trabaho. Marami pang iba dyan," pilit ni Sven.
"Eh, paano kung magkita kayo? Sven, marami na sa mga ka-kalse natin ang may alam na umuwi ka ng Pilipinas. For sure, alam na ni Pzalm by now ang balita na iyon," patuloy pa niya.
"And so what?" tumaas na ng konti ang boses ni Sven kaya naman napatanong ang anak niyang si KC.
"What is happening, daddy? What are you talking about?" sabi ni KC habang nginunguya ang pagkain niya.
"A-Ah, nothing. We're just having a conversation, anak. You don't need to worry about it," depensa naman ni Sven at agad na tumingin sa kaibigan.
"Okay, daddy," inosenteng sagot ng bata.
Hindi na nagsalita si Raven dahil ayaw na rin naman niya ng gulo. Isa pa, alam niya na inis na inis na si Sven, baka mamaya ay masuntok pa siya nito kung ituloy pa niya ang pagsasalita.
Pagkatapos nila kumain ay nagbayad na si Sven, iniwan niya muna si KC kay Raven. Pagbalik niya, nagwawala na ang anak niya habang hawak-hawak ito ng kanyang kaibigan.
"Oh, bakit? Anong nangyari?" agad na lumapit si Sven sa anak at kaibigan.
"Pare, pinipilit kasi ako ng anak mo. Maglaro na daw kami eh sinabi kong huwag muna dahil wala ka pa tapos nagwala na," sagot naman ni Raven.
Agad na binuhat ni Sven ang anak at pinatahan. Naisip na naman niya na talagang mahihirapan siya sa kanyang anak kung hindi magbago ito ng attitude.
"Baby, calm down. Please? We will play na, just wait," sabi niya sabay tapik nito sa likod ng anak.
"Daddy, I want to play already!" sagot naman ni KC habang naiyak pa rin.
"Yes, don't cry na. I will not buy fries if you cry," sagot ni Sven.
"I don't want fries, I just want to play!" sigaw naman ng anak.
"Oh, okay. We will go na and then you'll play but just for an hour," utos ng ama.
Napasimangot naman si KC pero tumango pa rin ito at nagpunas ng kanyang luha.
Pumunta na sina Sven, KC at Raven sa isang kid's place. Nagbayad siya sa cashier nang biglang may nakita siyang pamilyar na mukha sa di kalayuan. May kasamang bata ito at mukhang maglalaro din iyon kung saan niya iniwan si KC.
Pzalm Franzenne.
Dumating ang isang lalaki at niyapos agad ang bata. Hinalikan naman ni Pzalm sa pisngi ang lalaki. Dahil sa nakita, napatigil nang ginagawa si Sven kung saan siya nakatayo. Halos isang minuto rin niyang tiningnan si Pzalm at ang mga kasama nito.
BINABASA MO ANG
Paubaya (Completed)
RomanceThis is just a plot on my mind after Moira released her song "Paubaya" yesterday. I hope you like it. :) Sven's wife died. He went back to the Philippines with his daughter. There, he met his first love again. Pzalm Franzenne, on the other hand, was...