DUMAAN ang ilang buwan, naging maayos na rin ang paglalakad ni Jethro dahil sa pag-push maigi ni Pzalm sa kanya. Kaya na nitong maglakad ng deretso pero hindi pa nito kayang mag-drive. Kaya may kasama pa itong driver kapag napasok sa school at sa PFB Express kung minsan.
Isang gabi, nakatulog na si Pzalm noon. Nagulat siya nang makita niya si Kiera Amore nan aka-upo sa isang bench na may puno sa tabi.
Bakit nandito ako? Bakit nandito siya?
Nilapitan niya si Keira Amore at nakita naman niya na ngumiti ito sa kanya. Tumabi si Keira Amore para maka-upo siya sa tabi nito. Nakatingin si Keira Amore sa batang naglalaro sa di kalayuan kasama ang Daddy nito.
"Ang saya nila, 'no? Ang saya nilang tingnan. Ang sarap nilang alagaan," sabi ni Keira Amore pagkatapso ay ngumiti kay Pzalm.
"Sobra, sobrang kulit ni KC. Hanga rin naman ako sa katapangan ni Sven. Nakaya niyang alagaan si KC," nakatingin si Pzalm sa mag-ama habang naglalaro ng habulan ang dalawa.
"Bakit hindi mo sila mahalin kung kaya mo naman pala, Pzalm? I mean, alam mo naman kung ano ang gusto ng puso mo. Bakit hindi mo sundin?" sabi ni Keira Amore na para bang pinapaubaya na niya kay Pzalm ang mag-ama niya.
"Alam mo rin siguro na magiging mahirap ang sitwasyon ko kapag iyon ang ginawa ko. Maraming magagalit at marami rin ang masasaktan. Ayaw ko noon," malinaw na sagot ni Pzalm.
"Alam ko, pero hahayaan mo bang makulong ang puso mo dahil lang ayaw mong makasakit ng iba? Isipin mo rin ang sarili mo, lahat na ng pagkakataon ay binigay na sa'yo ng Diyos," sagot ni Keira Amore na nakatingin pa rin sa kanyang mag-ama.
"H-Hindi ko na alam kung ano pa ba ang tama at mali. Sa bawat desisyon na gagawin ko, may masasaktan ako," sagot naman ni Pzalm, halata na sa kanya ang stress dahil sa kanyang sitwasyon.
"S-Sana, dumating na ang araw na mapili mo ang desisyon na talagang para sa iyo. 'Yong desisyon na masaya ka nang totoo."
Pag gising ni Pzalm, nakita na lang niya ang sarili habang naiyak. Agad siyang napabangon at napatingin sa orasan. Alas kwatro lang pala ng madaling araw.
Bakit Keira Amore? Iyon ba ang gusto mong gawin ko?
Pumunta siya sa may salamin at tiningnan ang kanyang sarili. Hindi pa rin niya mawala sa kanyang isip ang panaginip kasama si Keira Amore.
Kinaumagahan, nagmabilis siyang mag-ayos dahil na-late na siya sa pagpasok. Ngayon ay bibisitahin niya ang nursery school. Hindi na kasi siya nakakapunat doon, e.
Habang nag-aayos siya sa mga paper works sa school, may isang staff na lumapit sa kanya.
"Ma'am Franzenne, may naghihintay po sa inyo sa labas. Kailangan daw po kayong makausap."
"Sino raw?" nagtatakang tanong niya.
"Ah, hindi po sinabi eh. Pero, lalaki po, Ma'am."
Sinabi na lang niya na susunod na lang siya dahil may inaasikaso pa siyang trabaho. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na siya mula sa nursery school at nakita niyang naka-upo sa bench si Sven.
Kahit kabado ay lumapit pa rin siya kay Sven. Ayaw naman niyang maging rude kaya haharapin pa rin niya ito kahit ayaw niya. Naguguluhan pati siya dahil pinuntahan pa siya ni Sven para kausapin.
"Oh, Sven. Bakit ka nandito?" sabi niya, hindi pinapahalata ang awkwardness sa kanila.
"Ah, gusto ko lang sanang magpaalam. Kailangan na kasi naming bumalik ni KC sa Switzerland, may aasikasuhin lang ako doon," paliwanag ni Sven.
May lungkot na dumaan sa puso ni Pzalm. Hindi niya rin alam kung ano ang tamang sasabihin niya kay Sven.
"Ah, ganoon ba? Ingat kayo ni KC ah. N-Nasaan na nga pala si KC ngayon?" nanginginig niyang tanong.
"N-Nasa kotse, gusto mo bang magpaalam? Kaso, baka lalong umiyak, e. Umiiyak na kasi kanina," sabi ni Sven na nag-aalangan.
"H-Hindi 'yan iiyak, ako ang bahala. G-Gusto ko ring magpaalam sa kanya, e," nakangiti si Pzalm pero may lungkot sa mga mata niya.
Pumunta na sila sa kotse ni Raven at binuksan naman ni Raven ang car window. Sobrang saya ni KC nang makita si Pzalm.
"Oh, hello KC. I heard you're going back to Switzerland," nakangiting bati niya sa bata, pero sa loob niya ay nadudurog na siya sa lungkot.
"I told Daddy that I don't want to go but he insisted! I want here, this is my home!" reklamo ng bata.
"Someday, you'll come back here. Okay? I will wait for you," nakangiting sabi ni Pzalm.
"Promise?"
"I promise!" sabi ni Pzalm na tinaas pa ang right hand niya.
"Oh, can you visit me there? Go with us, Tita Pzalm! Please!" hiling ng bata.
"Kira Cyrille, Tita Pzalm can't do that. She is so busy here in the Philippines. We will visit her soon, okay?" saway ng ama.
"But Daddy, I told you that I don't want to go home!" naiiyak na si KC dahil ayaw talaga niyang umuwi.
"Calm down, sweetie pie. You don't need to shout. Remember, I told you before to be a good girl, right?" sabi ni Pzalm habang nakangiti.
"Yeah, it's just.. I really don't want to go back there. It's lonely," may lungkot sa boses ni KC.
"I-I know it's sad but you have to be there for Daddy Sven. Right? Don't worry, if everything's okay here in the Philippines. I'll fly to Switzerland for you. Is that okay?" nakangiting sabi ni Pzalm, kinukumbinsi na niya ang bata para mawalan na ng problema si Sven.
Nagliwanag ang mata ni KC at para itong nabigyan ng pag-asa.
"Okay, I'll go with Daddy Sven today but you have to fulfill your promise. Okay?" excited na sabi noong bata.
"Of course. I'll do that," sabi ni Pzalm at hinalikan sa noo ang bata pagkatapos ay ngumiti siya dito.
Nang kumalma na si KC ay pinasara na niya kay Raven ang car window, para personal na niyang makausap si Pzalm. Nagpaalam sila sa isa't isa. Pinipigilan na maluha.
"Can I hug you one last time?" tanong ni Sven, tumango naman si Pzalm bilang tugon.
Doon na bumuhos ang luha nila, dahil para sa kanila ay iyon na ang huli nilang pagkikita.
Ang hindi alam ni Sven at Pzalm, nakamasid sa malayo si Jethro. Nakasakay ito sa kotse, balak sana nitong i-check ang nursery school pero hindi na niya natuloy dahil nakita niya ang dalawa na magkausap.
BINABASA MO ANG
Paubaya (Completed)
RomanceThis is just a plot on my mind after Moira released her song "Paubaya" yesterday. I hope you like it. :) Sven's wife died. He went back to the Philippines with his daughter. There, he met his first love again. Pzalm Franzenne, on the other hand, was...