It's still early. Maagang nadismiss ang klase dahil may faculty meeting ang mga professors namin. Tamang tama dahil maaga din akong pinapauwi ni Dad dahil may dinner daw kaming pupuntahan.
Binaybay ko ang kahabaan ng hallway sa highschool building palabas, ang sabi ni Daddy ay susunduin ako ng driver naming pero mukhang maaga pa kaya siguro ay mag iintay nalang ako sa may café sa labas ng campus.
I am senior in junior high school now, dapat ay mag eenroll ako sa all girls school ngayong year kagaya ng gusto ni Mommy noong primary palang pero hindi ako pumayag dahil nasanay na ako dito sa ADMU dahil mula grade school ay dito na ako nag aral.
"Oh Sofia bakit lakad ka lang?" Landon, one of my classmates asked. Nakasakay ito sa back seat ng black Montero habang nakadungaw sa bintana at tinatanaw ako. He has this charming looks and he is very friendly pa. We're not that close pero nag uusap naman kami sa classroom.
"Wala pa kase yung sundo ko." I replied.
"Halika na sumabay ka na sa akin kahit hanggang labasan lang." wika niya habang nakangiti.
Masyado ngang malayo kung lalakarin ko lamang pa labas ng campus kaya I decided to accept his offer. He is just being nice after all.
Mula sa loob ng sasakyan ay pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya sumakay na ako at naupo sa katabi niya.
He is kind of famous here in our school kaya panigurado ay machichismis kami. Well I don't care because we're not doing anything wrong.
"Kapag wala kang sundo pwede kang sumabay palagi sa akin." He said. I look at him and I don't see any bad intentions in his eyes. He seems sincere and pure.
I just smiled at him as a response dahil hindi ko naman alam kung papaya ba ako o ano dahil palagi naman akong sinusundo nagkataon nga lang na maagang lumabas ngayon kaya wala pa ang aming driver.
Maya maya pa ay narrating na naming ang labasan.
"Diyan nalang ako bababa sa gilid." Pagpapaalam ko.
Tumango naman siya at sinabihan ang driver na itabi ang sasakyan.
Nilingon ko si Landon at ginawaran ng ngiti."Salamat Landon."
"No problem Sofia." And he smiled back bago tuluyang umalis na ang sasakyan.
I texted manong Ben na dito nalang ako sunduin sa café near at gate 4 bago tuluyang pumasok sa loob ng café.
I ordered latte pagkatapos ay naupo sa may glass window na nakaharap sa highway para makita agad ako ng driver.
Madalas ako rito kapag vacant time naming sa school dahil hindi ko gusto ang mga pagkain sa loob ng campus kaya naman dito ako lagi kumakain.
Nagulat ako nang may biglang babae na lumapit sa akin habang sumisimsim ng aking latte. She is wearing a same uniform as me at siguro ay kasing edad ko lang din siya. She has long curly hair na bumabagay sa kaniya. She is simple yet pretty.
"Hi can I share the table with you, wala na kasing vacant." She said while holding a tray with cup of coffee in it.
"Sure." I smiled bago itinuon na muli ang atensiyon saaking iniinom habang ang babae ay naupo na lamang sa aking harapan.
I look at my wrist watch and it's already 4:00 pm. Bakit wala pa rin si Manong Ben kadalasan ay narito na siya bago mag alas kwatro.
Maya maya pa ay tumawag na si Daddy.
"Hello Dad."
"Sofia where are you?"
"I'm at the café po outside the campus po, why is Manong Ben is still not here?"