There's this saying nga na "young,wild and free".And I know this is too early to feel this way pero sa sandaling iyon iba ang aking naramdaman. Parang may lumilipad na paru paro sa aking tiyan. I am too overwhelmed.
The way he blink his eyes and the way he clench his jaw are perfect that I can watch it all day long. Corny? Maybe. This is my first time to have a crush on someone.
I am super excited. Maaga akong nagising para mag prepare sa school. I even had breakfast with Dad na dati ay hindi ako nakakaabot dahil late na ako nagigising.
"What's with the mood young lady?" Dad asked rising his eyebrows.
"Maaga lang ako nagising Dad." pagpapaliwanag ko pero mukhang sa hitsura nila ay hindi sila naniniwala sa aking sinabi.
"Sweety I know you, what is it?" Dad insisted.
I sighed. Alam kong hindi titigil si Daddy kaka kulit sa akin. Kaya I have no choice, hindi naman pwedeng magsinungaling ako dahil hindi nila ako ganoon pinalaki.
Ibinaba ko ang mga kubyertos bago nagsalita.
"Do you remember Nicholas?"
"What about him Sofia?" tanong ni Dad.
Alam kong may ideya na siya kung ano tinutukoy ko pero I know him, gusto niyang sa akin mismo manggaling.
"Is it possible ba na magkagusto sa isang tao kahit una mo pa lang makita?" I whispered.
Namuo ang katahimikan at nanatiling walang umiimik sa hapag kainan ng ilang minuto at nananatiling nakatitig lamang si Dad sa akin.
Maya maya pa ay bumulalas ng tawa si Dad.
What?! He's not taking it seriously! Samantalang kausap ko lamang siya noong nakaraan pagkatapos umalis sa bahay ni Nicholas.
"Ano ka ba Sofia napaka bata mo pa para kay Nicolas." Natatawang sabi ni Dad.
"Dad I'm serious here." sambit ko at umaktong seryoso ang hitsura.
"Nagdadalaga na ang anak ko" malambing na wika ni Dad.
"Hindi naman masamang magkagusto natural lang iyon pero isipin mo din yung nararamdaman niya sweety hindi dahil gusto mo ay gusto ka na din. Pero susuportahan kita anak." seryosong wika ni Dad.
I get what he is trying to say. Siguro ay ayaw lang niya akong masaktan.
"I'll approve if you do good in school ha sweety." malambing na wika nito.
Tumango na lamang ako at ngumiti kay Dad.
Akala ko ay hindi niya ako papayagan sa mga ganito dahil naaalala ko noong una kong sinabi kay Daddy ang tungol sa boyfriend ay natulala ito at walang ka imik imik. Nakakatuwa ng ang reaksyon niya noon pero biro ko lang naman iyon masyado niya lang sineryoso.
He just wanted to maintain my grades dahil nag eexcel na naman ako sa pag aaral kaya wala nang problema doon.
Nilapitan ko sila at niyakap.
"Thank you Dad."
"Gotta goooooooo bye." tili ko habang tumatakbo palabas ng bahay derecho sa sasakyan pa school.
This is great. I'm so happy.
Masaya kong tinahak ang hallway patungo sa aming classroom habang pakanta kanta pa sa sobrang tuwa nang bigla akong nabangga sa isang tao.
Napaupo ako sa lakas ng impact noon. Sumakit tuloy ang pang upo ko. Bakit ba kase hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
"Sorry hindi ko napansin." wika nang aking nabangga kaya napa angat ako ng tingin.