⋆┈┈。゚❃ུ۪ ❀ུ۪ ❁ུ۪ ❃ུ۪ ❀ུ۪ ゚。┈┈⋆
Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for young audiences.
Read at your own risk.This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors
⋆┈┈。゚❃ུ۪ ❀ུ۪ ❁ུ۪ ❃ུ۪ ❀ུ۪ ゚。┈┈⋆
Osaka, Japan
Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko kasabay din ng bilis ng paghinga ko.
Kaya ko 'to, konting konti nalang self kaya mo yan! Hindi ba matagal ka nang naghahabol sa kanya? Oh ayan literal na habol ngayon ang ginagawa mo.
Basang basa na ako sa ulan dahil halos kalahating oras na akong natakbo patungo sa airport.
Why am I running you ask?
Dahil ayokong maiwan muli ng taong mahal ko at dahil shonga shonga ang ate mo girl lumabas nang walang pera. Wala din naman akong matawagan upang magpahatid dahil wala akong kamag-anak sa lugar na 'to.Kaya ang choice ko nalang ay ang...
Tumakbo.
-ˋˏ✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈
FINALLY!! JUSMEYO MARIMAR
NARATING KO DIN ANG AIRPORT!Mukhang shonga akong nagtatalon talon sa tuwa habang basang basa ng magkahalong ulan at pawis. Napatigil ang saglitang selebrasyon ko nang maalala kong may hinahabol nga pala ako. Wala na akong sinayang pang oras at agad nang pumasok sa airport na crowded.
Hingal na hingal kong pinaglililingon ang bawat mukha ng mga taong nakakasalubong ko, mags-sorry naman ako kapag napansin nila ang ginawa kong pagtingin. Mukha na akong nasisiraan sa totoo lang.
"AIDEN!" Sigaw ko. Pinaglingunan ako ng ibang tao habang sa iba naman ay dedma lang.
Tangina Aiden asan ka na ba?!
Sinubukan ko ring lapitan ang isa sa mga nagtatrabaho rito.
Ngunit ang sabi niya ay nakaalis na daw ang eroplanong sinasakyan ni Shinjiro Mizuki o mas kilala ko bilang Aiden Gilbert Caliban
Ang taong unang nagpatibok ng puso ko.
"N-natsumi??"
Moonlit_hrt
。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。To be continued...
。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。
YOU ARE READING
To See Your Smile
RomanceLife's been pretty hard on Natsumi, but ever since she met Shinjiro all she could think about is him. She found out that they have one thing in common, and because of that all she could think about is to make him happy, to make him smile, but will S...