Natsumi's POV:
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagdampi ng kung anong basa sa pagmumukha ko.
What the-
Padabog akong bumangon sa higaan ko saka ko siya hinarap.
"Oo na gising nako!" Nakangiting sabi ko saka kinarga ang alaga kong shih tzu na si Kenma. Yes, I named him after an anime character.
Pagkabangon ko ay akmang susunod siya sakin ngunit dali-dali akong kumuha ng dalawang pirasong dog treat galing sa drawer ko saka muling bumalik sa pwesto ko.
Mukhang naamoy niya yon kaya nagsimula na siya magtalon talon sa akin kasabay ang dalawa pagtahol.
"Sit! Kenma, sit!" Turo ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Galing naman ng Kenma ko!
Nginitian ko siya saka ibinigay ang dalawang dog treat sa kanya. 1 for very and 1 for good! #Mathematicianist
"Good boy! Diyan ka muna, maliligo lang ako." Sabi ko saka tumalikod na sakanya at naglakad na papunta sa cr pero may bigla akong napansin sa sulok ng mga mata ko.
Napatigil agad ako.
"HEY HEY HEY—"
"GET DOWN THERE!" I shouted as I pointed at him.
"DON'T PEE ON MY BEDSHEETS!" Habol ko sa kaniya nang makita ko siyang tumalon papunta sa higaan ko. Mukha pa siyang nagulat sa ginawa kong pagsigaw, ngunit mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko kaya siya dali-daling bumaba mula sa higaan ko at nagpunta nalang sa kusina.A few minutes later...
Pagkatapos kong maligo, naghanda na ako ng pagkain na babaunin ko sa school, I made another shrimp tempura na balak kong ibigay kay Aiden and hopefully hindi na naman kunin yon sakanya nung Kane though thankful din naman ako dahil nasarapan siya sa luto ko.
Rinig mo yon Aiden?! Masarap daw luto ko!
Nakangiti kong inilagay ang lid ng bento box saka maingat na inilagay iyon sa aking lunchbox. Nag-ayos lang ako saglit saka nagpaalam na kay Kenma.
"Be a good boy and don't pee on my sheets kundi no gadgets ka for the whole week!" Sinagot naman niya ako ng isang tahol na siyang ikinatawa ko.
"Joke lang!" Agad kong sabi habang naka peace sign sa kanya at tuluyan nang umalis dahil baka ma-late pa ako.Nagb-bike lang talaga ako papuntang school since wala namang maghahatid sundo sakin kaya kailangan ko pang maghanap ng bakante sa mga bicycle parking rack bago maglakad na papunta sa school namin mismo.
Habang nagb-bike ako ay may nakita akong pamilyar na lalaking hawak hawak ang kanyang bisikleta papunta sa same direction na pupuntahan ko.
"Aidenn!!" Sigaw ko sakanya habang binibigyan siya ng malawak na ngiti.
Madaming napalingon at nakapansin sa ginawa ko ngunit balewala lang sakin yon.
Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa kong pagsigaw dahil mukhang pati siya ay nahiya sa ginawa ko.
Nakangiti ko siyang kinawayan.
Nang makalapit na ako sa kanila ay dahan-dahan kong inilapit ang bisikleta ko sa gilid nila habang mabagal na naabante para makasabay ako sa paglalakad nila. Kasama na naman niya kasi si Kane na napakalawak ng ngiti sakin ngayon.Ako naman ang napangiti nang may maisip akong idea para mapasama samin si Aiden.
"Want to race?" Aya ko kay Kane.
"Sure!!" Nakangiting sabi niya saka humarap kay Aiden.
Madali lang din palang kausap ang isang 'to. Mukhang makakasundo ko siya ah?
YOU ARE READING
To See Your Smile
RomanceLife's been pretty hard on Natsumi, but ever since she met Shinjiro all she could think about is him. She found out that they have one thing in common, and because of that all she could think about is to make him happy, to make him smile, but will S...