Ang Dakilang Marino

10 1 0
                                    

Sa bawat hampas ng alon,

Pangarap ang sumasalamin.

Sa barkong siya'y nakatuon,

Na laging binibigyang pansin.


Kahit anong unos at bagyo man ang dumaan,

Ito ay aking kakayanin.

Dahil maging ang aking nakaraan,

Nagawa kong pagtimba – timbangin.


Lumakas man ang alimpuyo,

Ako'y hindi basta mababasag.

Dahil maging ang mga daluyong,

Ako'y di – natitibag.


Magkaroon man ng angep at uli-uli,

Ako'y hindi kinabahan na kahit kunti.

May navigational lights na humalili,

Kaya patuloy ang paglayag kong muli.


Sa likod ng balangaw,

Pangarap ay dumudungaw.

Sa bawat sigwa,

Pamilya ang pumupukaw.


Ikuros sa noo,

Na ako ay Marino.

Hindi daga sa dibdib,

Pagka't dakila ako!

POETRYWhere stories live. Discover now