Chapter 4

12 3 0
                                    

Nasa labas na ako ng gate nang maalala ko na first week of the month pala ngayon. Which means that dad will not be home for the entire week because of some business he have to settle outside the country. Wala naman kaso saakin yun, mas gusto ko pa nga na palagi siyang wala sa bahay para iwas pressure....less bangayan na din.

That's why I decided to just have my dinner in the nearby restaurant outside the campus. Mas gugustuhin ko na kumain sa labas kaysa makasama kumain ang asawa ng tatay ko, maaga pa naman umuwi iyon galing sa jewelry shop niya to check on Yaell. It's actually a well known clothing brand here in the country which I heard will soon branch out in 3 other countries in the next five to six months. Sa totoo lang maganda talaga yung mga designs ng mga collections na nilalabas niya, even though it's expensive, her sales continue to rise up in the chart. Kaya hindi ako magtataka kung aabot ito sa ibang bansa.

Tinungo ko ang Grills&Steak dahil doon rin naman ako madalas kumain at alam ko na ang menu kaya madali akong makakapili. Kahit may mga mas malapit na food chains sigurado puno na iyon ng mga maiingay na estudyante.

I'm not like those rich spoiled brat who doesn't want to eat in food chains. I actually love the meals and snacks they offer but I just don't like how loud the atmosphere is specially those students who think that their stories matter to everyone for them to make their voices as loud as the speaker.

Sometimes they remind me of my friends, Adeline and Tristan....na minsan ay nakakapikon dahil hindi sila magtigiltigil sa kakadaldal.

Tinulak ko ang pinto at napansin na may kahabaan ang pila pero kokonti padin naman ang tao sa loob, pumila na din ako pagkapasok.

While waiting for my turn, I noticed that the costumer at the counter kept on changing her orders. Hindi ganun kahaba ang pasensya ko pero hindi rin naman ako yung tipo na biglaang sasabat sa may usapan ng iba.

Biglang nagsalita yung babae sa harap ko, " miss can you atleast make it faster...kase madami naghihintay dito oh," sabay turo saamin dito sa likod. Sumagot naman agad yung babae na akala mo siya pa ang na agrabyado sa sitwasyon, "excuse me but I'm still trying to choose my coffee."

Buti nalang may class itong dalawang nag aaway kaya hindi pasigaw ang paraan nila sa pakikipagusap.

"But it already took you long enough to order," the lady said while crossing her arms.

Masyadong mataray yung babae at hindi nagpapatalo kaya hinayaan nalang nung isa. After the long drama, I had the chance to order mine. Pumunta akong second floor at pinili yung malapit sa glass wall kung saan kitang kita ang mga tao sa labas. Habang kumakain ay napansin ko na unti-unting tumutulo ang ulan at ang mabilis na pagkawala ng mga tao sa kalsada.

Mukhang mababasa pa ako pag uwi. At yun nga ang nangyari dahil hindi ako nagpasundo kay manong nag commute nalang ako pauwi kaya basang basa ako pagpasok sa pinto ng bahay. Sinalubong ako ni manang flor dala ang tuwalya," Iha, bakit hindi mo nalang tinawagan si Jun para nasundo ka niya?" tanong niya,'' It's fine naman po manang hindi na kailangan," sagot ko.

After I finished taking a shower, I went downstairs to get myself something to drink. Naabutan kong nanonood ang mama ni Yaell ng balita sa tv ngunit di ko siya pinansin at dumeretso sa kusina. Pinainit ko nalang yung sabaw na nakita ko sa ref para hindi ako ubuhin o sipunin bukas dahil sa pagkabasa ko sa ulan. Naalala ko na naiwan ko pala sa living room yung bag ko kaya pagkatapos ko ay dumeretso na ako doon.

" Ayon sa kampo ni Congressman Miguel Salvatore ito ay tatakbo bilang senator sa susunod na halalan na pinatunayan mismo ng opisyal sa nakaraang interview sa kanya mismong tahanan, nag uulat Andrea Martinez"

My Lady's Achilles HeelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon