「Just Smile」

2 0 0
                                    

「Just Smile」
Chapter 3: Just Decide

Kath P.O.V
Bakit ka pa nagtatanong kung sino ako? Di mo ba ako kilala. Joke, Ako nga pala si Kath Sanchez Soon to be Miss Ignacio. Childhood friend ako ni Noel Ignacio
Nang nag grade 7 na kami, Shet doon ko lang napansin na ang guwapo niya at nakakinlove siya.
Kaso ayoko masira ang relasyon namin bilang magkaibigan ayoko ko umamin sa kanya ano gagawin ko.

Back to the story.
Uwian na, Suwerte ko na kapitbahay ko si Hail kasi lagi ko siyang kasabay pauwi at pag pasok sa paaralan.
"Kath" biglang bigkas ni hail
"bakit?"
"Kamusta na ate mo diba nasa ospital siya?"
"Ayun nag papagaling pa rin, pero salamat nga na ligtas siya eh baka next month daw yung balik niya"
"Ayus, Pero suwerte na sinagot na nang pamilya ni Ella"
"Oo nga eh" sabay sinandal ko yung ulo ko sa kanyang balikat.
Minsan ito yung mga bagay na mas lalo kong nagugustuhan si Hail sweet siya yung tipong yakapin ka bigla at di ka magagalit dahil ang sarap sa pakiramdam Yung tipong sa sobrang sweet niya kala mo mag girlfriend boyfriend kami, Sana nga kami na.
Sarap na nang iniisip ko tapos huminto na si kuya, nasa gate na pala kami.
Alam mo kuya bwisit ka.
Inabot namin ang bayad kay kuya sabay diretso uwi.
Dumiretso na si hail sa bahay niya pumasok na rin ako sa bahay ko.
Ilang araw naring walang tao dahil naaksidente si ate. Si Mama nasa ospital baka sa lunes pa uuwi.
Ayos lang yan marunong naman ako mag sunog nang bahay
Este mag luto nang masasarap na putahe.
Hinubad ko na sapatos ko, palit nang damit sabay Bukas nang ref para malaman kung may ulam sa loob o kung meroong pwede lutuin.
Lets see anong pwede lutuin.
"Kath ano ulam natin"
Huh? Huh.... Aaaaa!
"Hail bat ka andito?"
"Kase wala ako doon"
Nakakagulat tong si hail bigla bigla lang pumapasok sa loob nang bahay.
"Di ako nakikipagbiruan, ano kailangan mo sa akin"
"Bakit masamang tumambay"
Tangina..
"Gawa mo?" tanong niya
"Nagluluto bakit"
"Gusto mo tulangan kita?"
"Marunong ka ba?"
"Ako pa"
Sabay binatuhan ko siya nang itlog sa mukha.
"Ginawa ko sayo"
"Wala wala o eto itlog basagin mo at i mix mo"
Yan para may magawa ka
Si Hail kasama ko magluto parang mag asawa lang.
At ayun nag luluto ako kasama ang alalay ko
Sana ganito na lang palagi ang panahon lagi ko siyang kasama.

Kinabukasan.

Hail's P.O.V
*Tok Tok Tok*
"Tao po Kath andyan ka ba? Malalate na tayo."
Ano oras na kath 6:20 na malalate na tayo tagal mo.
Nagbukas ang pintuan nakita ko si kath na ang saya saya.
Yung buhok niya nakatali ganda pa nag amoy niya.
Matutuwa pa sana ako kung di tayo malalate yung perfect attendance ko.

"Tara na" sabi ni kath sabay hawak sa kamay ko at takbo papunta sa sakayan ng tricycle.
At suwerte walang pila at may tricycle na.
May pag asa pa.
Sumakay kami sa tricycle at ayus walang traffic.
Anong nangyari kay Kath ang lambing niya ngayong araw.
Di naman nakakainis pero nagtataka lang.
"Kath okay ka lang?"
"Huh?" sagot niya
"Wala Wala"
Bigla siyang nalungkot, yung ngiti niya parang nawala eh.
Dumating na kami sa paaralan at inabot ang bayad kay kuya.
Habang naglalakad kami papunta sa room bigla na lang siya sumaya. Ano ba nangyari sa kanya
Pagdating namin sa room nakakapagtaka ang tahimik.
Pagbukas ko nang Room
"Surprise" ang bati nang mga classmates ko.
Sinara ko agad yung pintuan.
Binuksan ni Ian ang pintuan tinignan niya ako nang maigi sa mata at sabay sabi nang "Tangina mo".
Sabay tawa na lang kami. Saan na kaya si kath bigla siyang nawala.
"Wait para kanino ba yan?" tanong ko.
"Nako po di mo ba naalala birthday mo" sabi ni Noel
Birthday ko pala, bat di ko naalala?
Biglang dumating ang adviser namin.
"Class umupo na kayo mamayang recess na kayo mag celebrate kasi pagkatapos nang recess wala nang magtuturo."
"Ok po maam" sabi nang iba.
Umupo na kami at nakinig na kay maam.
Pero di ko alam gagawin ko mamaya di ko nga alam na birthday ko pala. Mangyaya ba ako kumain sa labas mamaya o hindi. Bahala na nga kung anong mangyari.

JUST SMILE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon