「Just Smile」
Chapter 2: Just Think
Noel's P.O.V
Pagbalik namin sa upuan kasama ang pagkain. Nilapag ko ang tray nang order namin, sabay kinuha nila agad ang inorder nila.
Grabe sakit sa bulsa pag ikaw ang nanglibre. Pagkaupo ko binulungan ko agad si hail,
"Hail sino tintignan mo kanina"
Biglang napahinto si Hail sa pagkain.
"Huh pinagsasabi mo? "
Kinagat ko yung kinakain kong burger sabay, tingin sa paligid. Saan kaya ang babae na yun nasa second floor ata, mukhang bago lang siya dito sa San Isidro.
"Alam mo hail mukhang pinana ka na kupido"
"Kupido? Pinana? Tama ba yan naririnig ko!" sabi ni Ella.
"Mukhang napalakas ata ang sinabi ko". Tinignan ko si hail mukha siyang galit at nahihiya.
"Ano pinagsasabi niyo si hail maiinlove? Mukhang ang mga salita na yan ay imposible. Baka nagutom lang si hail kaya tulalang tulala siya kanina"
Sabi ni kath, nagulat kami nina Ella at Vonne si Kath dinidepensahan si Hail?,
pagkatapos sabihin ni kath yun may binulong si ella sa kanya at bigla siyang namula at nagpaalam na pupunta lang siya sa CR.
Ano kaya ang ibig sabihin niya kanina.
"Hayaan mo na si kath, mukhang lutang nanaman yun"
Biglang sabi ni hail at biglang napatawa niya kami.
Pero ang tagal niya, ano kaya ginagawa ni kath.
"Guys CR lang ako, paakyat na ako sa second floor" sabi ni Ella at nakita ko nasalubong niya yung babaeng nakita namin kanina. Sino kaya siya.Ella's P.O.V
Hi ako si Ella Montes Isa sa mga matatalik na kaibigan ni
Hail Fernandez. Si Kath Ako at si Hail laging sabay umuwi. At may tinatagong sikreto na dapat talagang malaman ni Hail.Si Hail talaga napaka tanga mukhang gets na nga nina Vonne at Noel ang nangyari at siya wala paring clue talaga.
Buti binulungan ko si Kath ng "Crush mo si Hail noh?" kaya bigla siyang namula. Pero sa totoo lang ang tagal niya sa cr, okay lang ba siya. "CR lng ako guys" sabay akyat sa second floor. Pagbukas ko nang pintuan nakita ko si kath nagdadabog at namumula pa rin. "Mukhang kinkilig si Miss Ignacio" asar ko kay kath. "Shut up" sabi niya sabay napatawa na lang ako. Sabay na kami bumaba at tangina silang tatlo nawala na. Tinignan namin ang isat isa at napatawa na lang kami sabay kuha nang bag sa table at lumabas. At one two three ginulat kami nang tatlo.
Nasapak ko si hail sa mukha nang malakas at napatumba siya. "Sorry sorry hail sorry" nagtaka ako bat bigla siyang tumawa. Tumayo na siya at inakbayan lang ako.
"Yun? wala lang yun Tara uwi na tayo."
BINABASA MO ANG
JUST SMILE
RomanceRemember what your parents said about highschool, Oo pero alam mo may mga bagay di din sila sinabi. Pero alam mo pag nangyari ito magbabago talaga ang iyong buhay.