Chapter 24
Dangerous
"You don't own me," mariin at matigas ang pagkakasabi ko nito sa kanya. Even when I am still catching my breath.
"Tanggalin niyo na ang piring niya, para makita niya ang nangyayari sa paligid niya. Matapang lang iyan kasi walang nakikita," narinig ko pang sinabi ni Leila.
Hindi ko narinig na magsalita si Leon, biglang tumahimik rin ang buong paligid. Nawala ang kalansing ng metal at iba pang tunog.
Maya maya lang naramdaman kong may nag-aalis na ng piring ko at pagkatanggal niyon, blurry pa sa una ang paningin ko kaya ilang beses akong kumurap hanggang sa luminaw iyon. Unti unti kong naaninag ang mukha ni Leon.
Siya nga talaga! Kahit nakasuot siya ng mask alam kong siya iyon. Nagtataka lang ako noong una sa expression ng mata niya, his eyes are screaming of fear and concern while looking at me.
Huli ko nang napansin na nakahinto si Leila at iba pang lalaki sa paligid.
"Vans... what kind of scene is this? I-I am scared..." bungad ko habang nauubo pa rin. Totoo, nabigla talaga ako sa ganitong eksena. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari, at iyon ang nakakatakot.
Binaba ni Vans ang mask niya bago nagsalita. "I am so sorry, Riz. Hindi ko alam na itong scene na pala na ito ang susunod. May mga nalagtawan tayong scene at mabilis siya hindi katulad nang dati... pasensiya na... hindi ko nasabi sa'yo kaagad. I'm so sorry," he said already frustrated.
Nataranta siyang lumapit sa akin ng muli akong naubo. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakatali ng kamay ko sa likod ng upuan.
Pagkatapos ay inalalayan niya ako na makaalis doon. Noon ko lang din napagmasdan kung nasaan ako. I'm in a glass room with many machines inside at may chair sa gitna niyon. Halatang kulob ito kaya nakakamatay talaga kapag nagtagal ka sa loob habang may usok na lumalabas sa ceiling or sa gilid ng wall.
Hindi ko na masyadong napagmasdan ang loob niyon dahil mabilis na akong inilabas ni Vans kung nasaan kami ngayon. I think this is an abandoned experimental room. Hindi ko gaanong napansin dahil malalim na rin ang dilim sa labas.
Isinakay niya ako sa kotse na nakapark sa labas at mabilis siyang nag drive sa kung saan. Dahil doon nakarating kami kaagad sa isang hospital.
Pumasok kami doon kahit mga nakahinto ang tao sa loob. Dinala niya ako sa emergency room at umalis saglit. Pagkabalik niya ay may hawak na siyang mga damit, inabot niya lang sa akin iyon at tinuro ang malapit na restroom.
"Change your clothes and wash first. Para mawala ang gas na nadikit sa damit mo," maiksing paliwanag niya at dinala na nga ako doon. I was hesitant at first kasi baka mag on camera ulit kapag nawala siya sa paningin ko pero wala na akong nagawa nang ipinasok na niya ako sa loob.
Vans is really concerned. Hindi mawala ang worry sa mukha niya. Wala na akong pakialam kahit medyo natatanaw ako ni Vans na maligo at magbihis ng damit. Mukhang hindi niya na rin naman pinansin iyon dahil sa mga mata ko lang siya nakatingin.
After no'n ay siya naman ang nagpalit ng damit pero hindi na naligo. Mabilis niya muli akong dinala sa emergency room at pinahiga sa bed doon.
May kinalikot siya sa phone niya, at may pinanood pagkatapos ay kinabitan niya ako ng oxygen. Dahil doon medyo naging ayos naman ang paghinga ko. Sinaksakan niya pa ako ng IV fluid at may tinurok doon.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa niya but I trust him. Naniniwala ako na hindi niya ako ipapahamak.
"Nakita ko na ang scene na iyon ng paulit ulit, kaya pinag-aralan ko ang gas na pinalanghap kay Narizz. Akala ko hindi ko na magagawang aralin iyon but thanks to that weird room na may iba't ibang books na nakalagay. Nalaman ko iyon..." pagkuwento ni Vans sa akin habang hawak ng mahigpit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...