CHAPTER TWO

25 4 0
                                    

**
**
A/N; 😛

Crisanta Osca's POV

**" Prrrrrrrrrrrrrrrrrrt!!!!!! " Sabay kaming natigilan dahil sa malakas na pito. Sabay pa kaming napalingon sa likuran nang bata nang dahan-dahang lumapit ang isang May katandaang guard n May hawak-hawak na pito sa kanang kamay at stick naman sa kaliwa.

Bumaba ang tingin ko sa baril na nakasuksok sa bewang niya.

Lord!! Kung ito na po ang huli wag niyo Pong pabayaan ang pamilya ko! Alagaan nyo po ang pusa ko! Kahit hindi ako mabuting tao sana May pumunta sa burol ko. Sana maraming chocolate at chichirya dun. Gusto ko po itim ang kabaong ko at nakapink ang mga tao sa libing tapos------

Hindi ko na natapos ang iniisip  ko nang bigla nalang tumawa ang bata. Tumawa siya nang malakas , tumalsik pa nga ang laway sa muka ko eh.

Aba't baliw tong batang to!

Dun ko lang namalayang nasa kamay ko parin ang kamay nang security guard na nasa ere. Agad kung hinampas ang kamay niya dahilan para bumitaw siya. Alam kong kagaya ko ay nagulat at nailang din siya sa pangyayari . Tumayo na ako at ganun din siya.

" May problema Ho ba? " Tanong nang guard . Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ng katabi ko.

" Ah eh nangangagat Ho kasi .. " napataas ang kilay ko sa palusot niya. Nakita ko pa ang pangungunot nang noo nang guard.

Lang kwenta!

" Ayosin mo ang trabaho.." sabi niya sa katabi kong kwanggol.

" Pasensya na Ho ma'am " pagbaling nang matandang guard sa akin.

" Okay lang po.. " kasalanan talaga nitong katabi ko.

Napatingin ako sa bata nang mas lumakas pa ang tawa niya habang nakaturo sakin. Bat ako?

Nyapi?

Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Medyo madumi na ang muka niya dahil mga luha at sipon.

Ewwwww.....

Mukang anak mayaman siya dahil sa suot at puti nang kanyang balat. Gusto ko sana siyang ayain makipagsuntukan kaso masyado pa siyang bata.

Hintayin kitang tumanda.

" Hoy bata.. wag ka munang nag-aadik adik masama yan.. " bulong ko pero mukang narinig nitong katabi ko kaya pinitik niya ang tenga ko. Nakita ko ang pagbabadya nang luha nang bata . Napahawak ako sa tenga ko at hinimas-himas yun.

" Aray! Wag mo nga akong hawakan ! Di tayo close! " Sigaw ko pero mukang di niya ko narinig. Lumapit siya sa bata at ginulo din ang buhok nito.

Aissstt... Gaya gaya pwet ni maya.

" Ang ibig niyang sabihin huwag kang lumayo sa mama mo. Okay? . " Sabi niya. Agad namang tumango ang bata at tumakbo paalis. Sinundan naman yun nang guard na May katandaan na.

Tatalikud na Sana ako pero natigilan ako nang May humawak sa braso ko. Naramdaman ko ang lamig nang kamay niya nang higpitan niya iyon. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

" Sabing wag mo 'kong hawakan! " Sigaw ko at hinampas ang kamay niya. Medyo seryoso ang muka niya na para bang binabasa ang iniisip ko.

" Hindi mo ba ako naaalala? "  Tanong niya na nagpaangat nang kilay ko. Hinugot ko ang braso ko at tumingin sa kanya na taas noo.

" Talk to the hand " sabi ko at hinarap ang kamay sa mismong muka niya.

Nakita ko siyang natigilan kaya tumalikod nako at mabilis na lumapit sa cashier.

Pinagtagpo , Pero Nadapa , Tanga Kasi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon