Ika-anim na sulat

1 1 0
                                    


Ika-anim na sulat:

Agosto 29, 20**
Alas onse ng gabi


Giliw Camellia Lavender,

Heto pa rin ako hindi pinatatahimik ng ilang araw na wala ka. Nasaan ka kaya? Ano kayang ginagawa mo? Naiisip mo rin kaya ako o nababatid mo kaya na ang isang tulad ko na nag-iisip sa 'yo at hindi makatulog?

Naka-ilang buntonghininga na ako at nakailang bilang ng tupa sa aking isipan. Ganoon pa rin walang nagbago. Kaya naisipan ko na isulat itong mga nais kong sabihin.

Alam mo ba na kumuha pa ako ng nakalalasing na inumin para lamang makatulog? Pero saan nga ba ulit ako dinala ng aking pag-iisip? Sa mga bisig mo kung saan ko ninanais. Kung saan tahanan at kanlungan ko ang iyong mga bisig habang haplos mo ang aking buhok at ako'y nakayakap sa'yong bewang. Nagsusumiksik at hinihigpitan ang yakap ko sa 'yo na tila ano mang oras ikaw ay mawawala.

Isang pangarap na palaging bumabalik-balik sa aking isip. Ang kayakap ay unan na malambot at hindi ang iyong balingkinitag bewang.

Dahil din sa binalita sa akin ni Pearl ay tuluyan nang gumuho ang tyansa na magkakaroon ng 'tayo'. Kasi sa ibang tao mo pala ibibigay ang matamis mong 'oo'.

Pero huwag kang mag-alala ikaw pa rin ang pinakatatangi ko rito sa puso. Humihiling na sana'y magkabalik kang muli at hayaan mo akong ipadama sa 'yo ang pag-ibig Kong ito.

Wala ng pag-asa pero patuloy na umaasa,
Ayarij Timotheo
Madrid

•••
-MegumiJ29❣️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Feelings For My Love(On-going)(Raw/Wip)Where stories live. Discover now