Ika-limang sulat

7 1 0
                                    


Ika-limang sulat:

Agosto 26, 20**
Alas onse kinse ng gabi


Giliw Camellia Lavender,

Ang oras ay kay tulin lalo na kapag masaya. Mga nangyari ay mabilis na naging kwento na lang at maglalaon ito'y nasa ating alaala na lang na nakaukit. Kakaharapin na ang totoong mundo. Ang mundo kung saan malayo tayo sa isa't-isa. Ilang hakbang patungo kung saan ang kinaroroonan mo.

Ang mundo na kung saan pinapakita sa akin kung gaano kalayo ang ating pagitan. Na kailanman tulad sa tubig at langis, magkalapit ngunit hindi maaring mag-sama.

Balita ko'y ikaw ay mag babakasyon ng ilang araw sa ibang lugar. Sana'y maging masaya ka kahit nasaan ka man.

Kailan ko kaya makikita muli ang ngiti mo na hindi pumapalya sa pag kuha ng atensyon ko? Ang mga mata mo na nag papaamo ng leon sa loob ko? Hindi ako santo pero pag dating sa'yo gusto kong magbago.

Sana manabik ka rin sa akin tulad nang pagkasabik ko sa 'yo at pag asam na tulad nang pag-asam ko sa 'yo na mapansin mo rin itong lihim kong pagtingin.

Hindi na naman ako makatutulog nito at iniisip na naman ang masasayang sandali na ikaw ay malapit sa akin. Palagi mo sanang ingatan ang sarili mo. Sana'y nasa maayos Kang kalagayan palagi.

Maamong leon
pagdating sa'yo,
Ayarij Timotheo
Madrid

•••
-MegumiJ29❣️

Unsaid Feelings For My Love(On-going)(Raw/Wip)Where stories live. Discover now