Bigla niya akong tinulak, dahilan para mapaatras ako at mahiwalay sa kanya. Napalunok ako, hindi sigurado kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko rin alam kung anong trip ko kung bakit ko siya sinusundan.
"A-Ano... dika ba hihingi ng pasensya?" tanong ko, halos mautal habang tinititigan siya.
"Nandito!" sigaw ng isang humahabol sa kanya, kaya agad siyang tumakbo at naiwan ako.
Tumigil naman ito sa harap ko at itinutok ang patalim. "Nasaan ang kasama mo? Sabihin mo!"
Pinalibutan ako ng mga kasama niya, ang tingin nila ay nasaakin. "Kasama siya nung lalaki," ulit ng isa, titig na titig sa akin.
Sabi ko pa naman, bagong buhay na... pero mukhang mapapalaban ata ako.
Hindi ako umimik, sinuri ko lang sila nang walang bahid ng takot. Kita kong naiinip na sila, hanggang sa may isa na lumapit pa at tinutukan ako.
"Magsalita ka kung ayaw mo pang mamatay," banta niya
Biglang sumingit ang isa pa. "Huwag! Pwede pa siyang pagkakitaan. Ipagbili natin."
Habang abala sila sa pag-uusap, sinamantala ko ang pagkakataon. Sa isang iglap, hinampas ko ang leeg ng dalawang nasa harapan ko, sapat para mawalan sila ng malay at bumagsak nang walang laban.
Bago pa makareaksyon ang iba, mabilis kong dinampot ang patalim mula sa isa sa kanila. Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataong makabawi, sa isang mabilis at walang pag-aalinlangan na galaw, sumugod ako.
Mabilis kong iniwasan ang unang sumubok umatake at tinaga siya sa tagiliran. Napaatras ang iba, gulat sa bilis ng nangyari, ngunit hindi ko sila binigyan ng oras para maghanda. Sinundan ko ang isa, tinamaan siya sa balikat, dahilan para mahulog ang hawak niyang sandata.
Nagkagulo sila, halatang hindi inasahan ang ganitong laban. Isa-isa kong tinapos ang mga natira, ang bawat kilos ko ay mabilis, tiyak, at walang pag-aalinlangan. At sa loob lamang ng ilang saglit, ako na lang ang natitirang nakatayo, hawak pa rin ang patalim na ngayon ay may bahid na ng dugo.
Naglakad na ako palayo doon at kinuha ang gamit, patuloy na tinitingnan ang paligid. Humanap kung saan pweding makakapagtago at makakapagpalit ng damit. Nahihirapan na rin ako sa suot kong dress, kaya't nagdesisyon akong palitan ito ng mas komportableng kasuotan.
Pagod na ako kakalakad at gutom na rin. Hindi ko nga pala naisip na manghingi ng pera para makasakay sa mga kalesa at makabili ng pagkain.
Bakit nga ba hindi na lang ako sumabay? Ayan, tuloy, Ivy, hindi nag-iisip! Edi sana hindi ka ganito, pagod at gutom, 'di ba?
Habang naglalakad ako, may biglang tumama sa aking ulo. Tumingin ako dito ngunit pinili ko na lang itong balewalain at magpatuloy sa aking paglakad.
Ngunit habang ako'y naglalakad, napansin ko mula sa itaas, may isang kalesa na bumababa. Nang makalapag ito, bumaba ang isang nilalang, nakatungo at aligaga, na parang may hinahanap.
Naramdaman niya ang aking presensya at tinanong niya ako, ngunit hindi niya ako tinitingnan. Ang kanyang mata ay nakatuon pa rin sa kanyang hinahanap.
"Nakita ko siyang bumagsak dun," sabi ko sabay turo. Agad siyang pumunta doon at hinanap ang nalaglag. Nang makita niya iyon, sumigaw siya.
"Maraming salamat. Ano ang gusto mong kapalit?" tanong nito sa akin habang naglalakad at nakatingin sa nakuha niyang bagay.
Napatingin naman ako sa kalesang sinasakyan niya. "Pwede bang isabay mo ako papuntang paaralan?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at tumango, nauna siyang pumasok sa kalesa at sinundan ko siya, umupo ako sa tapat niya.
Tiningnan niya ako ng may pagkalito, parang nagulat at tinitigan akong muli. "Akala ko kung sino, ikaw pala si Prinsesa Evelyn. Anong nangyari sa'yo, bakit ka nandito?"
"Hindi agad kita nakilala, madilim kasi. Pero ano na ang nangyari? Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ikaw na nga ang nahulog sa hagdan, ikaw pa ang nasuspinde. Sabi nila, tinutulak mo raw si Verana, pero nadulas ka na lang at nahulog. Nakakapagtaka pa kasi may hawak kang libro noon, ilang araw kang walang malay at si Verana lang ang naroroon, kaya siya lang ang pinaniwalaan," sunod-sunod niyang sinabi.
Tahimik lang ako, hindi ko alam kung anong isasagot. Ngumiti siya sa akin at nagpakilala. "Ako nga pala si Roxanne, pero grabe, hindi ko akalain na makakasabay kita," sabi niya habang nakangiti.
Nginitian ko na lang siya, kahit wala akong maintindihan sa mga sinabi niya kanina.
"Ngumiti ka?" tanong niyang naguguluhan. "Grabe, alam mo bang ngumingiti ka lang kay Prinsipe Luke? Ngayon lang kita nakita sa iba, at sa akin pa," dugtong nito.
"Pero grabe ha, ano naman nakain mo at inaaway mo lahat ng nadikit kay Prinsipe Luke?" tanong ulit niya.
Napakamot na lang ako ng ulo. Hindi ko talaga maintindihan at wala akong alam sa mga nangyari kay Evelyn.
Nagpatuloy siya sa pagkukwento ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Hanggang sa makarating kami sa paaralan, nilagay niya lang ang kanyang kamay sa isang bagay at kinuha ito ng liwanag, kaya't ginaya ko rin siya.
"Dito na ako, prinsesa. Nasa limang gusali kasi ang dormitoryo ko," sabi niya, saka nagpaalam at naglakad palayo.
"Sandali..." sabi ko, ngunit wala na siya. Itatanong ko sana kung saan ang silid ako, dahil ang tanging alam ko ay sinabi ni Roxanne na nasa pinakamataas na palapag ng pangatlong gusali. Ngunit hindi ko natanong kung anong silid.
Nagpasya akong maglakad pataas ng hagdan. Wala ba talagang mas mabilis na daanan dito? Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Buti na lang, limang palapag lang ang nasa gusali.
Pagdating ko sa ikalimang palapag, nagsimula akong maghanap ng aking silid. Habang naglalakad, may nakita akong isang pinto na bukas at naamoy ko ang masarap na pagkain. Nagmasid-masid muna ako sa paligid, at nang makita kong wala namang tao, pumasok ako at kumuha ng pagkain. Nais ko na sanang umalis nang bigla akong makita ang isang tao na nakatayo sa gilid ng aking mata.
Nagtangkang tumakbo, ngunit hindi ako makagalaw. Anong nangyayari? Malapit na siya sa akin. Pinilit kong gumalaw, at nang magawa ko na, napansin ko na siya'y nasa tabi ko na at hawak-hawak ako sa braso.
Tinago ko ang mukha ko sa aking buhok at nagmakaawa, "Pasensya na, gutom na gutom na talaga ako. Kanina pa ako naglalakbay at hindi ko mahanap ang aking silid. Kaya nang makita kong nakabukas ang pinto at may pagkain, hindi ko na naisip at kinuha ko na lang. Pero hindi ko naman siya nakakagatan. Kung gusto mo, kunin mo na lang ulit," paliwanag ko habang nakayuko. tinataas nito ang aking ulo, ngunit hindi ko pa rin itinaas ang ulo ko. Hanggang sa tuluyan niyang itinaas, at nang makita ko siya, nagulat ako.
"I-ikaw?" gulat kong tanong, hindi makapaniwala. Siya ang dahilan kung bakit ako napahamak, pero gawa ko rin naman
Tinitigan lang ako nito, at mukhang malalim ang iniisip. Walang bakas na magsalita.
"Sa tapat ng silid ko ang silid mo," sabi nito, kaya nawala ang katahimikan. Inikot ko ang mata ko sa paligid at saka umalis na. Sinara niya ang pinto, kaya't napansin ko ang pangalan na nakalagay dito Zaine Luke Vleamora.
Zaine Luke? Parang narinig ko na ang pangalang iyon. Tumagilid ako at tiningnan ang pangalan na nakasulat sa pinto ng aking silid Evelyn Balthazar.
Saan konga ba narinig iyon?
_____
Hello po! Dahil matagal ko nang hindi nagagawan ng update ito at nakalimutan ko na ang gusto kong gawin dito, napagpasyahan kong ulitin na lang ang paggawa. -sunde
