CV

1.4K 71 24
                                    

Hale

12:53 p.m.

Nicco
Gusto ko lang sabihin na palaban din to si Nicky
Hindi lang talaga halata haha

Bakit?

Siya lang kilala kong pinagsabihan ang teacher sa klase
Sabi niya sa teacher niya kanina kung okay lang ba daw na tumigil sa pagpaparinig sa kanya habang nasa klase. Ayun lang sinabi tapos nagalit yung teacher

Kamusta naman si Nicky?

Okay naman siya
Nagdadaldalan lang sila ni Heaven

May nabanggit ba yung principal tungkol sa suspension?

Yung teacher ang nagbanggit kanina
Tapos alisin daw si Nicky sa honors list

Hindi na talaga ako natutuwa
Gusto ko na siyang i-pull out sa school niya
Pero ayaw naman mismo ni Nicky kaya hahayan ko muna

Wag mong ipull out si nicky ano ka ba
Wala siyang ginawang masama, bakit siya tatakbo?
Sila dapat mahiya sa kanya
Nang-aakusa ng walang pruweba
Tama ba yun?

Ayun nga rin sabi niya
Gusto niya raw i-prove na hindi siya yung gumawa

Siya pa talaga mag pprove hahaha
Siya nga tong walang kasalanan tapos pinahihirapan nila ng ganyan. Pina double check ko nga sa teacher kanina yung exam ni nicky para lang makita niya kung galing ba sa answer key yung mismong solution. Eh hindi naman daw. Tanga ba siya kung si Nicky mismo source ng leakage dapat pati sagot niya pareho dun. Mali pa nga yung isa eh
Mag eeffort ba anak mo na gawing mali ang sagot niya kung alam niya naman yung tama at kaya niya ibahin ang solution? Grade conscious ang anak mo kaya sigurado akong hindi yun magtatapon ng 10 points sa exam niya. Nakakayamot ha sige lang sila sa pagbibintang pero wala namang mapuntong ebidensya, walang pinagkaiba sa mga hinahawakan kong kaso. Basta lang may maidiin

Pinoint out mo na rin ba yang napansin mo kanina?

Aba malamang

Pero hindi pa rin sila naniwala?

Yung principal sinabihan yung teacher na wag na isuspend si nicky. Kaso dinidiin pa rin nung teacher na baka intentional daw na minalian yun ni nicky para hindi siya mahalata

Naiinis na talaga ako

Ano pa lang sabi ni Francine dito?

Nag-aalala rin siya
Pupunta nga rin sana kanina kaso sa Batangas location nila ngayon para sa taping. Hindi makakaabot

Okay lang yan hayaan mo na
Pagod na rin yun, sunod sunod pa interviews niya
Balitaan na lang natin mamaya

Oo

Daddy

12:58 p.m.

Ate Nicky

Yes daddy?

I love you
Wag na kayo sumabay sa service pauwi mamaya
Susunduin ko kayo ni Franco
Tapos kakain tayo ng dinner sa labas

Pero hindi po ba kayo busy?

Hindi
Tapos na yung meeting kanina kaya ayos na
Wala rin akong pasyente kaya maaga ako makakauwi

Yey!
Thank you daddy
I love you too 😭

1:04 p.m.

Pwede ko ba isama sa dinner yung friends ko?
Please 🥺

Hahaha okay sige

Her SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon