PROLOGUE

15 1 0
                                    

" You can see death?" The girl asked me with amusement in her eyes. I shook my head, i don't want someone know about my ability except from the corpse.

"You can see death and it's not a question so don't bother to answer" she said smiling. What's with her? Aren't she scared of me? I'm cursed! I can see death.

"So how it feels to see the way how people will die?" She asked me with so much curiosity in her eyes. I look away and started to turn my back on her.

She's weird, never in my existence encountered someone curious how it feels to see someone's death. She's out of her mind.

"Hey! Wait up!" Di ko siya pinakinggan at patuloy lang sa paglalakad.

"Sabi kong hintayin mo ako eh" at naramdaman ko nalang bigla na may tumama sa likod ko. Napatigil pa ako sa paglalakad ko at napahawak sa likod kung saan niya ako tinamaan. Napayuko ako at tinignan kung ano ang ibinato niya. Sapatos niya palang may takong pa. Ang takong niya pa ata ang tumama sa spinal cord ko.

"SABI KO SAYONG HINTAY EH!" Sigaw niya. Dahan dahan akong humarap sakanya at di ko inaasahan ang sasalubong sakin.

Sa pangalawang pagkakataon ay tinamaan niya ako. Sa pagkakataong ito ay sa mukha na. Napahawak kaagad ako sa ilong ko dahil dun ata dumiretso ang takong niya na naman.

"OH MY GOD. OH MY.. OH MY" rinig kong tarantang sigaw niya.

Napapunas ako sa ilong ko dahil ramdam ko ang pag agos ng malapot na likido pababa sa labi ko. Mukhang nalakasan niya pa ata ang pagkakabato niya sakin ng sandals niya at napadugo niya ang ilong ko.

"I'm sorry, I'm sorry. Oh my ghad" yun kaagad ang sinabi niya ng makalapit sakin. Sobrang ingay niya masyado.

Ramdam ko ang paghawak niya sa pisngi ko at gamit ang panyo ay pinunasan niya ang ilong ko.

"I'm sorry, I'm sorry.. Di ko sinasadya" iniwas ko ang mukha ko at walang sabi sabing tinalikuran ulit siya at naglakad palayo sakanya.

"I'm ZYWIE LEIGH, Nice to know you death Vision"

Sa isip isipan ko, tinatanong ko ba pangalan niya?

Nang nasa may kanto na ako ay lumiko ako pakanan, naglakad pa ako ng ilang hakbang atsaka lang nakita ang isang eskinita. Pumasok ako sa eskinitang at sumakay sa motor ko.

Di ko pa nagagawang paandarin ang motor ng maisipan kong tignan ang sarili sa side mirror para malaman kung anong nakuha ko sa babaeng yun. Dahil nasisinagan pa rin naman ng dilaw na ilaw na nanggagaling poste ang pwesto ko ay may pagkakataon ako para suriin ang sarili. Ngunit laking pagtataka ko ay walang sugat ng kahit ano. May mga kaunting dugo ang natitira sa  ibaba ng ilong ko na di nahagip ng pagpunas kanina. Kinapa kapa ko ang ilong ko subalit wala akong makapa na kahit anong masakit di tulad kanina. Ni wala akong maramdamang sakit.

Saan na nagpunta yun? Takong ang tumama sa ilong ko kahit kaunting pasa ay wala? Sobrang nagtataka ako. Hinawakan ko ang likod ko kung saan unang tinamaan ng pagbato. Masakit yung parteng tinamaan kanina.

Anong nangyari panong sa ilong ko ay nawala ang sugat? Dumugo pa nga diba?

Sumagi bigla sa isipan ko ang babae. Don't tell may kinalaman siya nito?

Death - The Gifted And Cursed Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon