CHAPTER 2

10 2 0
                                    

Dahil half day lang ako sa oras na iyon ay nagmamadaling lumabas ako ng silid namin. Wala akong planong tumagal pa roon para kulitin ng kung sino sino. Maiirita lang ako sa panghaharot na ginagawa nila.

Anong akala niyo? Ang saya kapag kilala ka sa buong school? Di ko ginustong makilala dahil gusto ko ng tahimik na buhay.

Nang makarating na ako sa parking lot ay mabilis na sumakay ako sa motor at walang lingon lingong pinaharurot ko ang motor ko paalis ng school. I wanna go home just lock myself in my room. I don't wanna see any visions. I hate it, it's like a nightmare hunting me.

Sa highway pa lang, pagtungtong pa lang ng gulong ko sa napakalawak na kalsada ay may nakita kaagad ako. Naipreno ko ang motor ko at muntik ng madisgrasya sa biglaang ginawa. Ipinarada ko sa gilid ng kalsada at hinubad ang helmet. Damn it! Napahilot ako sa sentido ko at naipikit ang mga mata. Nagsisimula na namang may makitang vision.

A red car with 70 km/h speed.

"No! Just shut up John"

Umiling iling ako. Damn it, where that damn car is.

A baby crying and a kid at the backseat look so scared. A couple at the front seat arguing. And just a snap, bumanga sa poste. Mga mukhang duguan at batang umiiyak.

Fuck! Iminulat ko ang mga mata ko at saktong paglibot ko ng tingin ay siyang pagsalpok ng isang kotse na kulay pula sa isang poste. Di kalayuan sakin. Mabilis na pinaharurot ko ang motor ko at lumapit sa pinangyarihan. Nagsisimula ng magkagulo ang lahat. Nagsihintuan na rin ang mga kotse at nakiusisa.

Patakbong lumapit ako sa kotse at tinignan ang mag asawa na nasa front seat. Parehong di mawari ang hitsura. Ang sunod na tinignan ko ay ang back seat. Iyak ng isang bata kaagad ang umagaw sakin na nasa sahig na nahulog. Ang mas nakakatandang kapatid naman ay duguan ang mukha. Parehong pareho sa nakita ko.

"Excuse me.. excuse me" aniya ng isang lalaki at mabilis na binuksan ang pinto. Kinuha niya ang mga bata palabas ng sasakyan.

Agad na napansin ko ang mukha ng sanggol, nay sugat sugat ito at puro iyak. Naiiling na tumalikod ako. Sa tagal na puro ganito ang nakikita ko ay di pa ako nasasanay. Palaging pagkasawi ng buhay ang nakikita ko. Palaging ganun at parang bangungot sakin

Naglakad ako palayo habang kuyom kuyom ang kamao. Palagi kong tinatanong sa kawalan kung bakit, bakit nakakakita ako kung paanong namamatay ang tao habang wala naman akong nagagawa upang pigilan ang pangyayaring yun. Kung napipigilan man ay iba ang kapalit.

Mabilis na sinuot kong muli ang helmet ko atsaka lumiko at pinaharurot ang motor palayo sa pinangyarihan. Di ko alam kung saan ko dapat ilugar ang sarili ko. Saan man ako magpunta ay andun ang kamatay. Kamatay na malinaw kong nakikita at di ko man lang magawan ng paraan upang di mangyari. Napakawalang kwenta kong tao na pati yun ay di ko magawa .

Nang makarating ako sa loob ng bahay ay patakbong nagtungo ako sa kwarto. Inilock yun at napaupo nalang sa sahig. Napahilamos ang mga kamay sa mukha sa sobrang frustrated.

Pagpikit ko pa lamang ay nakita ko ang mga mukha nila. Mga mukhang nasaksihan ko kung paanong nawala. Duguan, may lasug lasug ang katawan, may naputol ang parte ng katawan, labas ang mga lamang loob and lastly mga naputol ang ulo.

Napahawak ako ng mahigpit sa ulo ko at sumigaw.

"FUCK.. FUCKK.. FUCKKK" pinagsusuntok ko ang sahig, sa ilang taon na ganito ako ay ni minsan di nawala sa isipan ko ang mga mukha nila. Ang mga matang nagmamakaawa, ang mga boseena humihingi ng tulong.

Di ako tumigil sa kakasuntok hanggang sa dumugo na ang kamay ko. Whatever i do, wherever i go death always chase me. It never stop, i almost lost my sanity. I just wanna die and never see those shits. But how i always attempt, death won't let me. It never let me die and just escape.

Death - The Gifted And Cursed Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon