Short Story

8 1 0
                                    

Author Note: Credits to Pinterest para doon sa Cover. Sana magustuhan niyo...

Jennaine

Today is our 2nd Anniversary. Mikee and I are celebrating our 2nd Anniversary here in EK. Dito niya kasi ako inaya na mag celebrate dahil gusto niya daw bumalik kami sa dati. Yung medyo bata pa kami.

"Darling, anong rides ang gusto mong una nating sakyan?" nakangiting tanong niya.

Tinuro ko naman yung Grand Carousel. Hindi talaga makokompleto ang ganito lugar kapag walang Carousel.

"HAHA, nakakahilo naman diyan eh" 

"Ang tagal na kasi darling nung huling sumakay ako diyan" ngumiti na lang siya at tyaka kami pumila para makasakay.

---

"Anong next darling? Nakakahilo naman doon" ako naman ang nag tanong.

Sa two years na pinag samahan namin, we always give and give. Kapag napagbigyan na niya ako, siya naman ang pag bibigyan ko. That's how we balance our relationship.

Mahirap kasi kapag siya lang ng siya o kaya ako lang ng ako ang mag bibigay. Magiging unfair kami sa isa't-isa kapag ganon. Dalawa kasi kaming nasa loob ng relasyon kaya dapat dalawa din kaming may ginagawa.

"Try natin yung Space Shuttle" mula sa kinatatayuan namin ay dinig na dinig namin ang mga hiyawan ng mga nakasakay.

Nakikita ko pa lang ang Space Shuttle na rides kinakabahan na ako. "Let's go" nakangiting aya ko.

Matapos ang hindi gaano kahabang pila ay nakapwesto na kami ngayon sa hulian. Karamihan din kasi sa mga sumasakay ay couples. 

"Kinakabahan ako darling" sabi ko.

Pinag papawisan tuloy ang mga kamay ko. "It's okay darling, nandito naman ako" he said while giving me a reasuring smile.

Halos mapapitlag ako ng mag simula ng umardar ang ride. Mabagal lang siya nung una pero nung marating na namin ang tuktok ay bigla na lang ni-release at napakabilis ng andar. 

"Hindi na ako sasakay dito!!" sigaw ko.

"HAHAHAHA your face is so epic, darling" dinig kong sabi ni Mikee.

"Kyahhhhhh!"

"Wahhhhh!"

Pagbalik ay mas lalong napahigpit ang kapit ko sa bakal. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa kinauupuan ko. 

"Hindi na ako sasakya diyan kahit kailan" masuka-sukang sabi ko pagka-baba namin.

"Are you okay darling? Wait mo lang ako diyan" hindi na ako nakasagot ng iglang umalis si Mikee.

Kinalma ko muna ang sarili ko habang nakaupo at naghihintay kay Mikee. "Here" bumili pala siya ng tubig.

"Are you okay na ba?" tanong niya ulit.

"Yes, darling. Thank you" nakangiting sabi ko.

Napa-sweet niya talaga kahit kailan. Nang makapag pahinga na kaming pareho ay nag ikot na ulit kami para mamili ng sunod na rides.

"EKstreme Tower?" tanong ko habang nakatingala sa tower. 

Kahit mahilo-hilo ako sa sinakyan namin kanina gusto ko pa din ma-try lahat ng rides dito. 

"Are you sure?" natatawang tanong ni Mikee.

Mukhang naaalala pa din niya ang itsura ko kanina. "Yes" siguradong sagot ko.

One Last HugWhere stories live. Discover now