6.1

85 3 0
                                    



"You seemed so happy" i look at Atasha. She's arranging some flowers na pindala ni Edward.

"Yeah" I smiled. Napatingin ako sa mga taong nasa hospital room ko. Nandoon ang mga kaibigan ko, kahit si Missy ay humabol.

Inaayos nila ang mga bulaklak. Si Trina naman ay busy'ng kumain ng chocolate. Naglakad lang ako at napatingin ko sa malaking salamin sa tabi ng bed ko. At kitang-kita doon ang pagbabago ng mukha ko. Sa loob ng dalawang linggo, umimpis ang mukha ko, nalagas din ang ibang piraso ng mukha ko. At sa loob ng dalawang linggo, ngayon lang ako nagmukhang tao. Dahil kaliligo ko lang. tsk

"Chanel, anak. Naipadala na ang mga bulaklak sa ibang mga pasyente"

"Thank you, Mom"

Inutos ko kasi na ibigay nalang ang mga bulaklak sa ibang mga patients since hindi ko naman madadala ang lahat ng mga iyon. Sadyang OA lang talaga si Edward.

Well, speaking of Edward. It's weird but, when we are talking, feel ko na matagal na kaming magkakilala which is kinda weird.

Nang matapos na mag linis ang lahat ay kumain na muna kami hanggang sa may pumasok na Doctor. The Doctor called my parents. Hindi dapat ako kasama but Mom dragged me.

"Dahil nabayaran niyo naman na ang bills nyo. Pwede na kayo mag discharge"

He faced me.

"Are you really sure about your decision?"

"Yes, doc"

"But...mahihirapan kang mag gamot kung—"

"Nakapag desisyon na po talaga ako"

Wala na syang magawa kaya iniba niya na lang ang topic.

Tanggap ko na ang sakit ko

Kaya mas maiging matanggap ko na ring mamamatay na ako

Minsan napapaisip ako e, na sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako? May ginawa ba akong masama? Pumatay ba ako ng tao? Tss. Life is so unfair. I may be happy outside, pero sa loob ko? I'm dying. Literally

Pagkatapos magligpit ay umuwi na rin kami. Sila Atasha, Missy and Trina ay sumama sa amin pero umuwi rin sila ng magagabi na.

After we ate our dinner, Kuya suddenly dragged me

"What the heck?"

"I know what you are doing"

"What?" I innocently asked.

"Baka hindi ka magpapa—"

"Kuya napagdesisyon ko na—"

"Napagdesisyon na alin?" Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Pula na rin ang mata niya. "Na patayin ang sarili mo?"

Yumuko ako

"Chanel! For pete's sake! Pinaglalaban ka namin! Tapos ikaw 'tong mismong sumusuko? What the heck?"

"Kuya! Gusto ko nalang mamatay! Ayaw ko ng ganito! Ayaw kong ma kalbo, ayaw kong ma—"

"But you need to! Para makasama ka pa namin!" Napapikit na lamang ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Saglit na katahimikan ang namayani. Pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Tomorrow...someone will talk to you. And I hope na mababago niya ang isip mo"

"Who?" I curiously asked.

"Edward" I froze for a moment. Ibang Edward naman 'yon diba? Andami kayang Edward sa mundo. Duh—

"Edward Reed. He will send to you the location kung san kayo magkikita"

At paano nagkakilala si Kuya at si Edward?!

Taming the Dying GirlWhere stories live. Discover now