8.2

67 2 0
                                    

"Hey!" He dragged me. Naabutan niya ako sa garden ng hospital

"What the hell!" Napasigaw na lamang ako sa gulat.

Nakatalikod ako sa kaniya habang hatak niya ang kamay ko.

Shocks. Nanlalamig ako

"Face me" sabi niya sa malalim na boses. Nakakakaba yung boses niya!

"No"

"Why?"

"K-kagising ko lang"

"It's okay. Ako nga hindi pa naliligo"

Dahil sa sinabi niya, unti-unti ko siyang hinarap. Matangkad ako pero mas matangkad siya. Tantya ko ay six footer siya. Cute ang mata, matangos ang ilong at mapula ang labi.

Bakit ko ba siya inoobserbahaaan?

"Done scanning me? Hmm?"

At isa lang ang alam ko

Nakaligo na siya! Amoy na amoy ko yung pabango niya sa kinatatayuan ko ngayon.

Nang ma realize kong hawak niya ang kamay ko ay padarag kong kinuha iyon.

"Kung di mo lang sinabi sa akin na may sakit ka, iisipin kong sobrang healthy mo"

"Tsk" singhal ko.

"I was supposed to pick you up when your brother texted me. Kaya dumiretso agad ako dito. Gusto mo pumunta tayo—"

"Uuwi na ako"

"Chanel" may halong pagbabanta ang boses niya. "Alam ko na"

I can't stare at his face now, binaba ko na lamang ang tingin ko.

"Why?" He asked in a serious tone

"I don't wanna—"

"You don't want to fight for your life? Wake up Chanel!" Bipolar ata 'to. Kanina ang saya-saya tapos ngayon sinisigawan ako. Tsk

"Oo, Edward! Matagal na akong nagising sa katotohanan! Katotohanang pwedeng ilang araw nalang ako sa mundong to—"

"Bakit? Sa tingin mo wala ng ibang paraan? Huh?"

"Bakit ka ba nangingiaalam? Ano ba kita?"

Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko ng sabihin ko 'yung salitang iyon. Ako mismo nasasaktan sa sinasabi ko.

"I-i'm a friend"

Kahit na magdidilim na, I can clearly see his face. His eyes are bloodshot.

"And I don't want to lose you"

That hit me. Hindi ako nakailag Haha.

"Your family is fighting for you"

I know. But I'm too tired to fight. Bata pa lang ako, suki na kami ng hospital

"At ayaw ko na silang mapagod" sagot ko. "Buong buhay ko palagi na kaming nasa hospital. Sawang-sawa na ako sa amoy, sawang-asawa na ako pagkain doon. Nagsasawa na rin ako sa pagmumukha ng mga doctor" I tried to laugh but I ended up crying.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi masasaktan yung pamilya mo pag nawala ka na?" He held my shoulders. "Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan?!" Shocks. "Wake up, Chanel!" Rinig na rinig ko ang paghikbi niya. "Ang tagal kitang hinintay! At ayaw kong masayang 'yon!"

Saglit na katahimikan ang namayani.

Kung may makakita man sa amin, siguro iisipin nila na baliw kami. Dalawang taong nag-iiyakan.

"I will give you some time. Pupunta ako dito bukas, please pag-isipan mong mabuti. Just keep on your mind that. Your family loves you"

Unti-unti niya akong nilapit sa kaniya.

"And I love you" he close the gap between us then he kissed my forehead.

Taming the Dying GirlWhere stories live. Discover now