JOURNEY 26

11 3 34
                                        

Chapter 26

This is now a flash back of what happened in the real world before Narizzalyn and Vans get inside on the story world. You might encounter few scenes indicated on the previous chapters werein Narizzalyn remembered some of her memories.

Enjoy reading!

**

Similarities

Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang bahagyang naglalakad sa gilid ng kalsada. Sounds of birds that lively singing, smell of fresh air and few sounds of vehicle na napapadaan sa kalsada ay nakaka relax sa feeling.

I am on the way on my school, laging ganito ang hobby ko sa umaga dahil walking distance lang din naman ang apartment namin ni Tita papunta sa school ko.

Mas gusto kong gawin ito kasi mas refreshing sa feeling para sa akin na naglalakad ako, as a way of exercise na rin kaya naging morning routine ko na.

After all maaga naman akong gumigising sa umaga para talaga sure na hindi ako mahuhuli sa klase.

I am now a grade 8 student at apat na buwan na lang ay tutuntong na ako bilang grade 9. Napakabilis lang talaga ng panahon, dati kasama ko pa si tatay sa pagpapakain ng kalapati niya.

Now he flew high, above the sky. Much higher than his dove collections.

Maaga akong naulila, grade 5 palang yata ako noon nang mawala si tatay. Hindi ko naman naabutan si nanay sa mundong ito dahil ayon kay tatay namatay siya sa panganganak sa akin kaya ayon only child lang din ako.

Naiwan ako sa pangangalaga ni Tita, nakababatang kapatid ni Tatay. Parang siya na ang tumayong magulang ko pero hindi ko kasi siya madalas nakakasama dahil nasa Manila siya nagta-trabaho.

So, I grew up independently, sanay na ako na mag-isa kaya parang ayoko na rin ng may kasama.

It's just that, nahihiya ako and I feel awkward when I am talking to someone. Siguro kaya wala rin akong kaibigan? And I am always alone, introvert type kaya tinatawag ako ng mga kaklase ko na feeling nerd.

Or baka dahil nakasalamin ako. But I don't have a choice, malabo na ang mata ko kaya kailangan ko nito. Nakuha ko siguro ito dahil sa kakabasa ng mga books tuwing gabi.

Pagkarating ko sa school, dumiretso kaagad ako sa mga faculty ng mga teachers dahil hindi ko naipasa ang isang activity namin kahapon sa sobrang dami naming ginawa.

Lalo na at inuna ko pa 'yung mga pinagawa ng kaklase ko... nagbaba ako ng balikat at bumuntong hininga. Sana nandito na si Ma'am Elice...

Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago pumasok.

"Good morning, teachers," mahinang bati ko sa kanila at bahagyang yumuko. Kaonti pa lang ang nakita kong mga teachers sa loob pero nahagip ng mata ko si Ma'am Elice kaya lumapit na ako sa kanya.

"Ma'am Elice," tawag ko sa atensiyon niya dahil hindi niya pa ako napansin noong una. Busy siya sa pagtipa sa harap ng laptop niya.

Huminto siya sa pag type at hinarap ako. Tinanggal niya pa ang salamin niya. "Yes, Narizzalyn?"

Nagkamot ako ng ulo. "Pwede pa po ba magpasa ng activity? Hindi ko po kasi naibigay kahapon. Pasensiya na po..." nagaalinlangan kong sinabi at nahihiya kong inabot ang folder sa kanya.

"Oh, pwede pa naman, pakibaba nalang diyan," she said politely. Itinuro niya pa ang mga folders na patong patong sa gilid ng table niya. I saw the name of my classmate on there so it is probably my classmates works.

Ngumiti ako at ibinaba iyon doon. "Thank you so much po ma'am, mauna na po ako," yumuko ako. Hinintay ko pa ang response niya pero hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon