Nagising ulit si Horatia sa isang bangungot. Napansin n'yang nasa realidad na s'ya nang makita ang kasintahan n'ya sa tabi n'ya at ang araw na tumatama sa bintana ng guest house na inokupa nila sa pansamantalang bakasyon sa Baguio. Umupo muna si Sha sa higaan at nag-munimuni. "Hmm, gising ka na pala?" wika ni Ely.
Ngumiti si Sha at humarap kay Ely, litong-lito pa rin kung ano ang totoo sa hindi, "Kakabangon ko lang." sagot n'ya.
Nag-unat si Ely bago s'ya mag-salita ulit, "Aalis na tayo dito sa Baguio..." walang alinlangan na sinabi ni Ely. Tumayo s'ya sa higaan at nag-unat ulit, kinuha ang mga damit na nakakalat sa sahig at nagsimulang ipagsama lang ang mga ito.
"Alam mong kailangan mo pang itupi 'yan 'di ba?" wika ni Sha, may halong inis sa boses. "Para ka na ngang ahas, gagawin mo lang ga-bundok 'yang mga damit natin at isusuksok sa bag." panenermon na ni Sha. Hinayaan lang ito ni Ely at pinalipas, umiiwas sa away na maaaring mangyari kung sumagot pa s'ya.
Sinubukan ni Ely ayusin ang mga damit na nagamit nila sa pagpunta sa Baguio pero hindi n'ya talaga gamay ang pagtutupi kaya sinuksok n'ya na lang ulit sa bag. "Okay na 'yan..." bulong ni Ely sa sarili n'ya.
"Horatia!" sigaw naman n'ya agad sa kasintahan n'ya.
"Hmm?" sigaw ni Sha mula sa CR dahil agad na pumasok ito habang nag-u-unat si Ely.
"Bilisan mo sa CR. Kailangan nating bilisan ang byahe dahil may rehearsal pa kami nila Buddy sa kyusi." kampanteng pagkakasabi ni Ely. Binuksan ni Sha ang pintuan ng CR, ngayo'y tapos na maligo at agad na piningot sa kanang tenga si Ely na agad na sinigawan ng aray ng maraming beses.
"Ang tagal-tagal nating nandito sa Baguio, hindi mo man lang sinabi na kailangan pala nating bumalik agad-agad..." wika ni Sha habang hawak pa rin n'ya ang kanang tenga ni Ely.
"Aray, aray! Sha! Masakit, aray! Oo na, oo na! Aray— sorry na!" tinanggal ni Ely ang kamay ni Sha sa tenga n'ya, parehas na naiinis na ang dalawa. Alam naman ni Ely na biruan nilang dalawa ang pagpingot sa tenga pero hindi biruan ang nararamdaman nilang dalawa ngayon, "Sorry, okay! Pumunta tayo ng Baguio para mag-relaks kaya hindi muna ako nag-banggit tungkol sa trabaho ko. Kung alam mo lang kung gaano ako narindi sa 3 araw na pagsasama natin dito sa kakatalak mo tungkol sa kliyente mo na mahirap kausapin dahil ang daming demands. Sha, 'di tayo pumunta dito para tumalak sa mga trabaho natin." nagulat na lang si Sha sa sinabi ni Ely at hindi na sumagot. Ang kasintahan n'ya naman, dumiretso na sa CR para maligo na at makaalis.
Pumasok si Sha sa passenger side ng sasakyan ni Ely at stinart na ang kotse. Tahimik na nagbabaybay ang dalawa pabalik ng Maynila. Nagpapakalma ng ulo para hindi na magkainitan pa lalo sa susunod na paguusap.
Nang makarating na sa Tarlac, bumwelo si Horatia sa upuan n'ya dahil nangangalay na s'ya at may sasabihin kay Ely.
"Eleandre..."
"Hmm?" sagot ni Ely habang nakatuon ang pansin sa kalsada.
"Parang familiar 'tong kalsada na 'to... Hindi ko lang ma-tantsa..." wika ni Sha. Ngumiti naman si Ely dahil alam n'yang okay na ulit sila, "Nga pala... napapansin ko noong mga nakaraang araw, nagiging masyadong busy na tayo. Ikaw, sa pagbabanda mo. Ako, sa pag-organize ng events. Kung babalik tayo ng Maynila na gano'n pa rin ang sitwasyon natin, baka mas makakabuti kung—"
"Shit!" bulalas ni Ely nang malakas, napahawak naman ng maigi si Horatia sa upuan n'ya at hindi ma-proseso ang nangyayari dahil ang ingay na lang ng sasakyan ang narinig n'ya at nakaramdam ng malakas na salpok sa isang puno sa tabi ng kalsada.
Tahimik, nawala bigla ang masakit na pakiramdam pagkatapos maramdaman ang salpok. Ingay na lang ni Ely na gulat na gulat sa pangyayari...
"Horatia..."
BINABASA MO ANG
but i didn't like the ending ♪ eraserheads
FanfictionInspired by Taylor Swift's Folklore EP Chapters, 3 short stories told with different genre and scenarios are tackled here.