CONTENT WARNING: Violence, mention of gun, mention of death
1949
Isang taon na mula noong nagsimulang manligaw si Gregorio kay Adela. Kahit tutol ang magulang ni Adela, tinuloy pa rin nila ito ng patago sa tulong ng kaibigan ni Gregorio, si Francisco (na sinasabi ni Ash na kamukha naman daw ni Ely, kabanda ni Rayms).
"Ito na ang huli nating pagtatagpo." wika ni Adela, may lungkot sa boses n'ya. Napatingin sa kanya si Gregorio at hinawakan ang kamay.
"Akala ko'y handa ka nang sabihin sa kanila ang pagmamahalan natin? Hindi ba't ikaw ang nag-u-udyok sa akin noong una na—"
"Iba na ngayon, Gregorio. May tungkulin ako bilang nag-iisang anak nila." pagmamatigas ni Adela. Walang bahid ng panginginig pero may bahid ng pagkalungkot. Hindi na nagsalita si Gregorio, pinoproseso pa ang sinabi sa kanya ni Adela. Alam n'ya na kung anong ibig sabihin ni Adela, ramdam n'ya na una pa lang.
"Anong pangalan?" tanong ni Gregorio.
Umiling lang si Adela, takot sa maaaring gawin ni Gregorio sa papakasalan n'ya. "H'wag mo nang alamin..."
"Dahil malalaman ko rin kapag nag-isang dibdib na kayo..." dugtong ni Gregorio. Napatingin sa kanya si Adela.
"Aalis na ako." dali-daling nag-ayos si Adela at iniwan si Gregorio mag-isa sa bahay ni Francisco, ang papakasalan ni Adela.
Ilang araw na ang lumipas, hindi na nakakatanggap ng sulat si Gregorio kay Adela. Parang bigla na lang naglaho si Adela sa mundong ginagalawan ni Gregorio. Kahit na nadudungaw nila ang isa't isa (ilang bahay lang ang layo nina Adela sa tinitirahan ni Gregorio), nanatiling nakasarado ang mga bintana ni Adela kaya hindi n'ya masilip kung ano na nangyayari sa dalaga.
Hanggang sa dumating na lang ang balitang ikakasal pala si Adela kay Francisco. Galit ang unang naramdaman ni Gregorio. Hindi n'ya inaasahang magagawa iyon ng kaibigan n'ya. Malinaw na tungkol ito sa negosyo dahil nalulugi na ang mga Yulo noong mga panahon na 'yon. Alam n'yang wala na s'yang magagawa, kaya sa huling pagkakataon, nakipag-areglo si Gregorio ng pagkikita kay Adela.
Pinadalhan n'ya ng sulat si Adela pero ilang linggo ang lumipas, hindi ito sumagot. Pinuntahan n'ya ang bahay nila pero walang tao rito, pumunta ng Bicol dahil ando'n talaga ang negosyo ng pamilya ni Francisco.
Dala ng galit, hinintay ni Gregorio makabalik ng Maynila sila Adela. Nag-isip ng planong makakapagpabago sa isip ni Adela para bumalik sa kanya ang kanyang kasintahan.
Dala ng galit, hinintay n'ya ang kotseng sinasakyan nila Adela at nang tumigil na ito sa harapan ng bahay nila, tinutukan ni Gregorio, na nakapulupot ng itim na damit, ng baril at walang awang pinagbababaril ang mag-asawang Yulo, si Francisco, at si Adela.
Noong gabing 'yon, takot ang bumalot sa mga taga-roon. Akala ng lahat, namatay ang mga tao sa loob ng sasakyan. Pero nung binuksan ni Adela ang pintuan sa pwesto n'ya sa sasakyan, hindi pala.
Mag-isang naiwan si Adela kasama ang bahay. Si Gregorio, sinubukang suyuin si Adela pero pinatigil n'ya rin. Napuno na si Adela kay Gregorio. Galit. Kasama din ang galit sa naiwan kay Adela. Kahit hindi sabihin ni Gregorio, alam ni Adela na s'ya ang may kagagawan no'n pero hindi n'ya lang sinasabi. Hinayaan n'yang maglakad si Gregorio dala-dala ang kasalanan n'ya sa labas dahil alam n'yang sa huli, pagsisisihan n'ya rin 'to.
Dala ng pagka-lumpo, pinatanggal n'ya ang pangalawang palapag. Dahil na rin kailangan n'ya ng pera at binenta ang mga kagamitan galing sa palapag na 'yon. Namatay si Adela sa edad na 45, sakit sa baga.
Si Gregorio, pinagsisihan ang kanyang ginawa kaya umalis ng Maynila at nagtago. Nagtago dahil baka s'ya ay hulihin ng mga awtoridad. Palipat-lipat sa iba't ibang bayan, nagpapalit ng iba't ibang anyo, ng pagkatao...
BINABASA MO ANG
but i didn't like the ending ♪ eraserheads
Hayran KurguInspired by Taylor Swift's Folklore EP Chapters, 3 short stories told with different genre and scenarios are tackled here.