Nagising ulit si Horatia at napaupo agad sa higaan, ngayon, handa na sa mangyayari mamaya. Naalimpungatan naman si Ely at napatingin kay Sha.
"Good morning, mahal..." bati nito sabay unat. Ginantihan naman ni Sha si Ely ng tingin.
"Mahal, ako mag-ma-maneho pabalik. Okay lang ba?" pagpapaalam nito. Sa una, kinakabahan s'ya na baka hindi s'ya payagan ni Ely pero nagulat dahil ngumiti lang ang kanyang kasintahan at um-oo.
Pagkaayos nila ng gamit at mga sarili, dumiretso si Sha sa driver's seat dala ang susi ng kotse. May naiwan si Ely sa loob ng bahay kaya bumalik s'ya ulit. Huminga ng malalim si Sha, "Please, tama na..." bulong n'ya sa kanyang sarili.
Lumabas na sa bahay si Ely, inabot ang susi sa caretaker, at sumakay na ng kotse kaya stinart na ni Sha ang sasakyan. "Let's go!" wika ni Ely.
Nang makarating na sa Tarlac, bumwelo si Ely sa upuan n'ya dahil nangangalay na s'ya at may sasabihin kay Horatia.
"Horatia..."
"Hmm?" sagot ni Horatia habang nakatuon ang pansin sa kalsada.
"Napapansin ko lang noong mga nakaraang araw, nagiging masyadong busy na tayo..." biglang nanlamig ang katawan ni Horatia, inaalala kung saan n'ya narinig ang linyang 'yan, "Ikaw, sa pagbabanda mo. Ako, sa pag-organize ng events. Kung babalik tayo ng Maynila na gano'n pa rin ang sitwasyon natin, baka mas makakabuti kung—"
"Shit!" bulalas ni Horatia nang malakas, wala s'yang magawa dahil pakiramdam n'ya may nag-ko-kontrol sa kanya. Si Ely, napahawak naman ng maigi sa upuan n'ya at hindi ma-proseso ang nangyayari dahil ang ingay na lang ng sasakyan ang narinig n'ya at nakaramdam ng malakas na salpok sa isang puno sa tabi ng kalsada.
Tahimik. Hindi makapagsalita si Horatia dahil gulat na gulat sa pangyayari, tanging hikbi lang n'ya ang maingay sa parte ng gilid ng kalsada na 'yon. Hindi n'ya alam kung tama nga ba ang ginawa n'ya dahil napahamak n'ya pa si Ely ngayon.
"Ely..."
BINABASA MO ANG
but i didn't like the ending ♪ eraserheads
Hayran KurguInspired by Taylor Swift's Folklore EP Chapters, 3 short stories told with different genre and scenarios are tackled here.