Chapter 1

11 0 0
                                    

Piper's POV

" Hey girl. You're spacing out. " nabalik ako sa reality ng sikuhin ako ni Cheska.

" What? "

" Ano bang iniisip mo dyan at kanina ka pa tulala? Natuyuan nako ng laway kakasalita hindi ka naman pala nakikinig dyan! " Cheska

" Sino ba naman kasing masabing magsalita ka dyan eh wala namang may pake. " I said

" Gaga ka!!! Ano ba kasing drama mo dyan ha? " tanong nya pagkatapos nyang magsip sa milktea nya. We're here pala at Moa. Girl bonding

" It's about Troy kasi! " i said.

" What about him naman? " Cheska

" Yun nga kasi ahhh! Nakakainis sya. Imagine? 2 months na kaming MU pero wala pa rin syang balak ligawan ako! Like wtf!? Ano? Papatunayan nyang may Forever ganun? Forever MU kami ganun?! Nakakainis!!!! " burst out. Im so frustrated na kasi about what are we. Hindi ko alam kung ano ba kami like in the first place naman eh wala pala kami. Hay ang gulo!

" Nakausap mo na ba sya about dyan? Baka ikaw lang nagassume na magka MU kayo? " Cheska

" Duh! Bat ko tatanungin eh di nagmukhang desperate ako!? Over my dead gorgeous body. " i rolled my eyes in annoyance. Kaimbyerna!

" Baka naman panlandian lang talaga!- Aray hahahahaha im just saying na kung gusto ka talaga nya edi sana niligawan ka na nya in the first place dba? " deretso nya pagkatapos ko syang hampasin sa braso.

Napaisip ako. Oo nga naman!

Bat ba ako nagpapalandi sa kanya eh wala naman kasiguraduhan? Lol

" You think so? Eh what am i going to do? Dump him Oh wait di ko pala sya pwedeng idump kasi hndi naman kami pero i like him na girl ehhhh! Kainis naman! He's so gwapo naman kasi. Makalaglag P! " yung lalaki naman kasi na yun. Sana nilinaw nya na hanggang landian lang pala ang gusto nya para para makahanap na ako ng ibang gagawing jowa :D

" Landi mo! Kausapin mo sya then kung wala syang balak edi move on. Hanap ibang jojowain. Basic! "

" Easy for you to say that kasi ang chachaka ng mga nagiging boyfriend mo. " i said and she glare at me. " Sinasabi ko lang yung totoo wag moko tignan ng ganyan. "

" Walanghiya ka! Wag mo nga nilalait mga nagiging boyfriend ko. Ikaw topic dito. Ikaw! Chura mo! " diko nalang sya pinansin and i sighed

" Hays! Alam mo yun girl? Ang gwapo nya kasi eh! Ang hirap bitawan. Hays! Oh well, anong mapapala ko sa looks eh wala namang future. "

" Kahit di mo pinansin pagbuburst out ko agree ako sayo. Tara hanap tayong lalandiin! " sabi nya.

" Loka! Ano instant boyfriend ganun? Atat lang magka jowa? "

" Baliw! Hindi naman trip lang hahaha! " Cheska

" Anong trip lang? Puro ka talaga kalokohan Iska! " hinampas nya ako ng tawagin ko sya sa palayaw nya.

" Ew girl ah? Wag mo nga akong tatawagin nun at feeling ko ay tagala bukid ako. Atsaka sige na!? Trip lang naman! "

" Wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo. Ikaw nalang magisa! " sabi ko

" Ang KJ mo talaga! Kaya ayaw kang ligawan ni Troy eh. " sabi nya. Tinarayan ko naman sya.

" Papayag ako kung nahanap mo yung connect sa sinabi mo. "

" Uhmm, Kasi ano... ano... uhm! Yun kasi maganda ka tsaka gwapo sya. yun! " Anooooo dawww? Labo netong babaeng to! (pa humble)

" Psh! Maghanap ka ng kausap. " sabay bato ko ng tissue sa harap nya.

" Sige na kasi pabebe ka masyado! One time lang! " tas paawa effect na sabi nya. I frown

" Ano ba kasi yun!? " i hissed

" May gagawin tayo! " nakangiting sabi nya.

" Ano nga yun?! "

" Pumayag ka muna! " Abaaa

" Sabihin mo muna kung ano yun! " kalbuhin ko tong babaeng to eh!

" Basta! Pumayag ka muna. :P " tas binelatan pako.

" Bahala ka dyan. Hndi ako papayag hanggat hndi mo sinasabi sakin ang gagawin. " I cross my arms in my chest.

" Edi okay. Sasabihin ko din kay tita na bagsak ka sa isang major subject natin. Madali naman ako kausap eh. " Kinuha nya ang cellphone nya. " Ano kayang gagawin ni tita pag nalaman nya bagsak ka? Hmm, siguro grounded ka na-- " i stop her at binato sya ng straw ng milktea na iniinom ko.

" Bwisit! " I glare at her pero nginitian nya lang ako ng maloko. " Fine! Papayag na. At talagang blinack mail mo pa akong bruha ka! "

" Shemperd! Hahaha. Papayag din naman pala pinahaba pa. Edi sana nasa Chapter 2 na tayo! " sabi nya. Anong chapter 2 pinagsasabi ng babaeng to? May saltik ata to.

" Ang dami mong alam. Sabihin mo nalang kung ano ang gagawin para matapos na! Dami mong pakulo. " sinamaan ko sya ng tingin.

" Whatever! " she rolled her eyes. " Hmm, nabasa ko to sa isang libro eh. Yun gagawin mo. " i look at her in confusion all over my face.

" Wait a minute! " huminga muna ako ng malalim. " Anong drama to!? " i shouted.

" Wag ka ngang OA dyan. Wala pa akong sinasabi. Mamaya mo na ireserve yang sigaw mo pag nasabi ko na. Excited ka masyado. " gusto ko na syang sabunutan sa mga sinasabi nya. Baliw na tong babaeng to! Malala na!

" Kay fine. Sabihin mo na! " sabi ko at ng matapos na tong kalokohan nya.

Nag akto pa syang nagiisip tas maya maya din lumapit sa akin para may ibulong.

" Yung pang 8th na guy na makakaharap mo ay gagawin mong boyfriend. "

***

8th GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon