<Seungcheol> Unfinished Wishes

38 3 0
                                    


"I've missing you day by day, Would you came back for me?"

Seungcheol's POV

"Lolaaaaaaaaa!!!" masaya akong tumakbo palapit sa kanya.

"Apo ko. Seungcheol. Aba't napakalaki mo nang bata ka. Miss ka na ni Lola."

"I miss you more lola. Kamusta po kayo?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Mabuti naman at lalong bumuti dahil dumating kayo." sagot niya

"Lola namiss ko po yung mga luto niyo."

"Alam ko naman yun apo. Kaya mamaya! Samahan mo si lola sa bayan. Bibili tayo ng sahog sa sinigang tapos gagawa tayo ng kakanin. Gusto mo yon diba?" magiliw naman akong tumango.

Kararating lang namin dito sa Pangasinan. Probinsya ng lola ko. Halos apat na taon na rin simula nung huli kaming nagpunta dito kaya miss na miss ko na si Lola. Ewan ko pero kapag siya ang kasama ko, pakiramdam ko bata parin ako.

Kinuha ko ang phone ko saka idinial ang number niya.

"Hello Hannie."

"Hello Cheolie! Napatawag ka?"

"Kamusta kayo dyan? Yung barkada? Maayos ba sila?"

"Ok naman saka wag ka mag-alala maayos naman kami dito. Hindi naman ito yung unang punta namin dito sa Akita eh. Kasama ka pa--"

"Oo na andami mo nang sinabi. Mag-iingat kayo jan ah. Ikaw ang pinakamatanda jan dahil wala ako. Si Woozi baka mawala ulit yan."

"Oo na. Tatandaan ko yan. Huwag mo na kami intindihin. Ikamusta mo nga pala ako kay lola. Sabihin mo miss ko na yung kakanin niya."

"Sige sige. For sure miss ka rin non."

Binaba ko na ang telepono saka pumasok na sa loob.

―--―--―--―

"Lola, pasyal lang po ako sa bukid." paalam ko kay lola.

"Sige apo. Pagbalik mo, luto na to. Mag-iingat ka ah."

"Sige po lola."

Nakangiti akong naglakad lakad. Masarap ang simoy ng hangin dito sa probinsya. Wala paring pinagbago. Mas dumami nga lang yung mga bahay saka puno na makikita ko.

Nang marating ko ang bukid ay agad akong umakyat sa mala-burol na lupa rito. Tanaw mula rito ang malawak na bukirin. Pati na rin ang paglubog ng araw ay dito mo masisilayan.

Hindi ako nag-iisa sa lugar na ito. May mga batang naglalaro ng habulan. Naalala ko noong dinala ko rito si Jeonghan. Dito rin kami tumatambay. Napadako naman ang tingin ko sa isang babae na nakatulala sa malawak na bukirin. Nakaupo siya sa wheelchair at may hawak na isang bulaklak na gawa sa papel. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko kaya't nakita ko kung paano malaglag mula sa kamay niya ang bulaklak na hawak niya.

Akmang pupulutin niya ito pero hindi niya maabot. Nakatingin lang ako sa kanya pero agad ding tumakbo papalapit sa kanya para hawakan ang wheelchair niya. Muntik na itong dumiretso nang pilit niya paring abutin ang bulaklak.

Sweetest Thing [COMPLETED]Where stories live. Discover now