ONE ♥♥♥

349 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa canteen habang inaantay ang mga kaibigan ko, breaktime namin kaya nauna nako at baka maunahan pa kame at mawalan nang pwesto.

"Alam mo na ba?" narinig kong tanong nung isang estudyante sa kasama nya.

"Ang alin?" sagot nung isa.

"Na kapag ginawa mo daw wallpaper 'yung picture ng taong mahal mo sa cellphone mo tapos walang nakakita nito within 15 days, magiging kayo." sagot nung nauna, and shoot! naagaw nun ang atensyon ko.

"Totoo ba 'yun?" tanong nung kasama nya.

"Ewan ko, kasi sa akin...nagkatotoo" kinikilig pang sagot nung nauna.

"Talaga?.... " tila hindi naniniwalang tanong nung isa.

"Oo! basta 15 days! at dapat daw sa loob nang 15days walang makaka kita nang wallpaper mo ikaw lang, kundi mababaliwala yun. "

---

Simula nung nalaman ko 'yung "sabi-sabi" na 'yun ay para akong ewan na naniniwala at ginawa nga 'yung wallpaper thingy within 15 days na hindi makita ng kahit na sino eh magiging kami nung nasa wallpaper ko. Wala namang masama maniwala di ba?
Wala namang mawawala sa akin di ba?

Parang paniniwala lang sa 11:11 na pag nag wish daw ng isang bagay na gusto mong makamit ay matutupad daw . Karamihan sa atin, alam na hindi totoo 'yun pero kahit ganun nga, napapawish na lang tayo bigla kapag nakita nating 11:11 ang nasa orasan natin.

Actually, hindi naman talaga ako nahihirapan itago 'yung cellphone ko para hindi makita 'yung wallpaper ko. Wala naman kasing kahit na sinong interesado kung anong meron sa cellphone ko. Kaya keri lang at naghihintay na lamang ako mag 15 days na para magkatuluyan na kami ng taong mahal ko. *0*

Speaking of mahal, gusto ko lang ipakilala sa inyo ang lalaking nasa wallpaper ng cellphone ko. Si Gabriel Shawn Guzman, classmate ko na sya mula first year high school. mayaman, matalino ,gwapo at gwapo ulit. kaso parang never nya naman akong pinansin T.T baka nga pag tinanong sya nang ' Hey! kilala mo ba si Bianca Sandoval? ' sagutin kalang nya nang ' Sino yun? ' huhuhu, truth hurts talaga. madami din akong kalaban sa kanya, yung iba nga hayagan pang magpakita nang feelings sa kanya.kaya eto ako ngayon inaasa ang buong lovelife sa paniniwalang magiging sayo kung sino man ang nasa wallpaper mo sa loob nang 15days.Desperada nako.oo! aba apat na taon kona syang Crush! malapit nadin ang graduation namin.at baka hindi kona sya makita kapag college na kami. or worse yung ideang mas madaming malaladi,mahaharot.anak nang higad at kung ano-ano pang kalase nang babae ang lalandi sa kanya kapag college na kame.

--

Minarkahan ko ang date bukas sa calendaryo dito sa kwarto ko,nilagyan kopa nang mga heart sa paligid yung petsa bukas dahil 'yun na ang 15thday. Gusto ko lang magcelebrate dahil makaka15th day ako ng walang nakakakita nang wallpaper ko . \(*0*)/

Pumasok na ako sa school,syempre same routine. Aral, recess, aral, lunch, aral
tapos dismissal na .

15TH DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon