''hindi ka ba natatakot saakin'' tanong ng batang babae sa lalake
''bakit naman ako matatakot sayo''
''dahil hindi ako katulad nyo, hidi ako tao.dito kayo naninirahan sa lupa samantalang ako at mga kauri ko ay sa ilalim ng dagat.''
''hindi porket iba ka saken hindi na tayo magkaibigan at hindi bat mayroon kang kwintas para maging tao,lagi mo yang suotin para lagi tayong magkasama. tandaan mo proprotektahan kita lagi at hinding hindi iiwan'' mahabang ani ng batang lalake kaya napangiti naman ang batang babae sa sinserong sinabi ng kaibigan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
''habulin nyo'' sigaw ng lalake sa mga kasama ng makita ang isang babaeng may buntot na buhatbuhat ng binata
''huwag kang magalala ibabalik na kita sa dati mong tirahan''sabi ng binata sa tenga ng babae habang patuloy parin ang pagtakbo hanggang makarating sa tabi ng dalampasigan
agad namang napamulat ang dalaga dahil sa naramdamang lamig ng tubig dahil sa pagbaba sa kanya ng nito
''salamat''huling naiusal nito at lumangoy papunta sa malaking tipak ng bato upang magtago upang subaybayan ang kanyang iniirog
samantala sa kabilang banda abala ang binata sa pakikipaglaban sa mga lalaking humahabol sa kanila kanina upang hindi masundan ang dalaga,kinuha nito ang palaso sa likod at pinatamaan ang mga lalaking nagtatangkang pumunta sa dalampasigan.hindi namalayan ng binata na may nakarating sa pinagtataguan ng dalagang malapit lang sa kanya
''huli ka ngayon''bulong ng lalaking hinahanda ang kanyang palaso upang patamaan ang dalaga na walang kamalaymalay sa lalaking nasa likod niya
''ahhhhhhhhhhh'' sigaw ng binata ng tumalon siya sa dagat upang saluhin ang panang tatama sa kanyang iniibig
agad namang natauhan ang dalaga sa sigaw na iyon kaya napako ang tingin nito sa binata na ngayon ay duguan at unti unti ng lumulubog
''i love you till the end'' huling katagang nasabi ng binata bago tuluyang ipikit ang kanyang mga mata
napailing ang dalaga sa nakitang pangyayari na nawalan ng buhay ang kanyang iniibig sa mismong harapan pa nya,hindi man lamang ito nagkaroon ng panahon na sabihin ang nararamdaman nito sa binata kaya napaluha na lamang ito ng mga perlas saka yumakap sa binata at tuluyang itinusok sa kanya ang panang nakatusok sa puso ng binata at tuluyang napapikit
''magkikita tayong muli mahal ko, hidi man bukas ngunit sinisugorado ko'' sabi ng dalaga sa isip at ngumiti saka tuluyang nawalan ng hininga kasama ng kanyang iniibig
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
''ahhhhhhhhhh'' sigaw ko habang kinakapos ng hininga at nakahawak sa aking dibdib
''ano ba yan ang lalaki kong tao tskkkk panaginip lang pala'' naiusal ko sa aking isip bago tuluyang tumayo at pumunta sa sala upang pakalmahin ang sarili
-hehe sana magustuhan nyo po kahit maikli
-auhth
YOU ARE READING
Dreams of Ocean Waves
Acakpaano kung nabuhay kang muli sa kasalukuyang panahon ngunit wala kang maalala sa nakaraan. ngunit dahil sa panaginip naalala mo ang masaklap nyong katapusan. nakatagpo ng isang inosnteng babae na nagkaruon ng puwang sa iyong puso. will you accept th...