Jae POV
Habang nag lalakad papuntang Section F. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa Paaralang ito.
"Ms. Montero, may gusto sana akong ipaliwanag sayo" sabi ni Mrs. Alvarez
"Ano po yun Mrs. Alvarez?" Tanong ko sakanya
"Kaya kita nilagay sa Section F dahil sa Grade mo, at sa performance mo sa Dalton High School" sabi ni Mrs. Alvarez
"Kinausap ako ng Tita mo, sabi niya saakin na Consider ko nalang daw, dahil walang tatanggap sayo sa Ibang school dahil sa Perfomance mo" dagdag pa niya
"Ok lang po Mrs. Alvarez" sagot ko sakanya
"Sa Section F puro may Kaya naman yang mga yan walang problema sa tuition yang mga yan, kaso matitigas din ang Ulo" kwento niya
"At laging napapa away, sana kayanin mo nalang silang pakisamahan" dagdag pa niya
"At kung ok lang say----"
hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang sumingit na Babae, Mukang secretary niya"Sorry po Mrs. Alvarez kung na istorbo ko po kayo" sabi niya
"Its ok, ano ba yon?" tanong ni Mrs. Alvarez
"Ipapaalala ko lang po sana na may meeting kayo mamaya" sabi ng secretary niya. Agad namang tinignan ni Mrs. Alvarez ang Wrist watch niya.
"Oh thank you sa pag papaalala, muntik ko ng makalimutan" sabi niya sa Secretary at lumingon siya saakin
"Iyon ang papasukan mong Room bukas" sabi niya saakin, tinuro niya ang isang building na puro makalat
"Iyon po bang Room na May mga Basura?" tanong ko sakanya
"Yes, iyon yun ang Section F" sabi niya at tumango nalang ako. "𝑀𝑢𝑘𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑟𝑜𝑜𝑚 𝑦𝑎𝑛 𝑒ℎ 𝑚𝑢𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑝𝑢𝑛𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑠𝑢𝑟𝑎" sabi ko sa Isip ko
"Lets Go?" Tanong niya saakin at sumabay na ako sakanya
"Sana kayanin mo, Ms. Montero" sabi niya saakin.
Nang natanawan ko na ang Gate agad akong nag paalam sakanya
"Mrs. Alvarez dito na po ako" sabi ko sakanya
"Alam mo na ba ang pasikot sikot dito?" Tanong niya saakin
"May taxi naman po ata diyan sa Labas, mag tataxi nalang po ako pauwi" sagot ko sakanya
"Oh cge Ms. Montero mag iingat ka" sabi niya at agad na umalis
Habang Nag lalakad papuntang Gate naririnig ko din ang mga studyante na nag bubulong bulungan
"𝐼 ℎ𝑒𝑎𝑟𝑑 𝑘𝑖𝑙𝑎 𝐽𝑖𝑎𝑛 𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑖𝑟𝑎"
"𝑠𝑒𝑟𝑖𝑜𝑢𝑠𝑙𝑦? 𝐾𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑜 𝑛𝑖 𝐽𝑖𝑎𝑛 𝑦𝑎𝑛"
"𝑀𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝐵𝑎𝑘𝑎 𝑀𝑎𝑙𝑎𝑛𝑑𝑖 𝑑𝑖𝑛"
"𝑈𝑦 𝑏𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜"Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad.
Wala akong makitang taxi, "𝑚𝑎𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜" sabi ko sa isip ko, mabuti nalang at medyo alam ko na ang daan, dahil sa daan lang ako nakatingin kanina.Habang nag lalakad may nakaharang mga kalalakihan na nag aaway huminto muna ako para hintayin kung kailan matatapos ang away nila. Bigla ko nalang naalala yung mga kaibigan ko sa Dalton High School, Sila Kriss.
Bumuntong hininga muna ako,
"Excuse me" sabi ko at agad nila akong tinignan ng masama"Oh Bakit Miss, boyfriend mo ba tong kumag na to?" Tanong ng kung sino.
"Hindi po, tinatanong ko lang po kung pwede makiraan naka harang po kasi kayo sa dinaraanan ko" sabi ko at agad na
Tumawa yung lalaki "Seryoso hindi mo to Boyfriend?"tanong niya saakin
"Hindi po" sagot ko sakanya.
"Look miss kung sino ka man pwede lumayas ka nakakaistorbo ka dito" sabi ng lalaking kumag daw
"Im sorry Mister, makikiraan lang sana ako dahil nakaharang kayo sa dinaraanan ko" pag susungit ko sakanya
May binulong yung isang lalaki doon sa lalaking kumag 𝑑𝑎𝑤.
"Oh paraanin siya" sigaw niya agad naman akong lumakad para maka uwi na din.
Habang palapit ako sakanila, may binubulong sila, hindi ko nalang sila pinansin.
"Opss sorry hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo eh" sabi nung kumag 𝑑𝑎𝑤
dahil pinatid niya ako, "𝑜𝑢𝑐ℎ" mukang nag-kasugat ako"Nah, its ok" sagot ko
"Mister, pwede ba kapag pumatid ka naman yung medyo hindi halata ok, kasi mag papatid kana nga lang halatang-halata pa" sabi ko at agad namang nag tawanan ang isang grupong kaaway ng grupo nitong kumag 𝑑𝑎𝑤 na ito.
Mag sasalita pa sana siya kayo biglang nag salita ang isang lalaki sa isang grupo, Leader ata nila
"Hoy ano, sa babae ka nalang ba makikipag away? kami ang kalaban mo hindi yan" sabi niya
"bakla ka ata eh" dagdag pa niya agad na nag tawanan ang mga kasama niya
"bakla pala ah, tara tapusin na natin ito dito" pag hahamon ng kumag 𝑑𝑎𝑤 doon sa lalaki.
Hindi ko na tinapos ang away nila dahil pag aaralan ko pa ng mabuti ang pasikot sikot dito. At gusto ko na din mag pahinga.
Mag-gagabi na ako nakauwi dahil hindi ko pa masyado matandaan ang pasikot sikot dito, "𝑠𝑖𝑔𝑢𝑟𝑜 𝑛𝑒𝑥𝑡 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑚𝑎𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑎 𝑠𝑘𝑒𝑡𝑐ℎ 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝑡𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑠𝑖𝑘𝑜𝑡-𝑠𝑖𝑘𝑜𝑡 𝑑𝑖𝑡𝑜" sabi ko sa isip ko
Malapit na ako sa bahay, nang may natanaw akong mga kalalakihan sa kanto.
Mukang yung mga grupo ni Kumag 𝑑𝑎𝑤 ah.
"𝐴𝑛𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑑𝑖𝑡𝑜?" tanong ko sa sarili koMag papatuloy na sana ako sa pag lalakad ng biglang
"Hoy" patay boses yun nung Kumag 𝑑𝑎𝑤
End of Chapter 7
BINABASA MO ANG
I'm The Only Girl in The Worst Section
Teen FictionHannah Jae Montero, Kakayanin kaya niyang pakisamahan ang mga classmate nyang lalaki sa panibago niyang skwelahan, o kakayanin kaya ng mga classmate niyang lalaki na pakisamahan ang katigasan ng kanyang Ulo. Ano naman kaya ang magiging takbo ng kany...