JOURNEY 27

8 2 40
                                        

Chapter 27

Best friend

We ended up eating together in ate Dina's carenderia.

Akala ko magiging awkward para sa akin iyon dahil hindi naman talaga ako mahilig makipag-usap sa ibang tao. Pero siguro dahil na rin may pagkakapareho kaming dalawa sa maraming bagay, nakakaisip ako ng topic at mga tanong sa kanya.

Unti-unti habang tumatagal ang pag-uusap namin, nagiging mas komportable ako at nawawala ang hiya ko. He never let me feel awkward towards him, kapag napapansin niya na tumatahimik na ako, bigla siyang magtatanong ng about sa akin.

Hanggang sa hindi namin namalayang pareho na lumalim na pala ang gabi. Kung hindi lang magsasara na ang catenderia, hindi pa kami uuwing dalawa.

Napag-usapam namin ang buhay ng bawat isa, nalaman ko na namatay sa aksidente ang parehong magulang niya at nalaman niya rin naman ang sa akin.

May kuya raw siyang nalayo sa kanya at matagal niya ng hindi nakakausap ito, magmula ng mag asawa ang kuya niya. Nagpapadala lang daw sa kanya ng allowance niya sa pag-aaral at pang araw-araw na gastusin.

We really shared same experience and reason why we are living now independently.

The reason why, through the years na nilalakad ko lang ang daan papunta sa school at ganoon din naman siya pero kahapon lang kami nagtagpo, ang dahilan ay mas late siyang pumapasok kaysa sa akin, ganoon din sa pag-uwi dahil may inaasikaso pa siya after class nila bilang SSG president ng school.

Pero sabi niya sa akin bago kami umuwi, ngayon daw na nalaman niya na may makakasabay naman pala siya papasok at pag-uwi, susubukan niya raw agahan para makasabay niya ako.

Ewan ko kung totoo. Pero mukha ngang totoo dahil kinabukasan, mga alas sais ng umaga. Lumabas na ako sa apartment para pumasok nang makita ko siyang naghihintay sa kanto namin.

Mukha pa siyang inaantok at bagong gising kahit basa na ang buhok.

"Hello! good morning, mas maaga ka yata sa'kin ngayon?" Pagkuha ko ng atensiyon niya nang makarating ako sa tabi niya.

Lumungon siya sa akin at nagkamot ng ulo. "Good morning... hindi ko kasi natanong kung anong oras ka ba pumapasok, nasabi mo lang na maaga kaya mas inagahan ko na,"  paliwanag niya naman at ginawaran ako ng tipid na ngiti.

Bahagya naman akong natawa. "Mukhang inaantok ka pa ah? Sabi ko naman kasi sa'yo pwede namang ganoong oras ka pa rin pumasok katulad ng nakasanayan mo. Ako sanay ng maaga, eh ikaw mukhang hindi," sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

Nagulat pa ako nang nilahad niya sa akin ang kamay niya. "Let me carry your lunchbox," simpleng sinabi niya at kinuha na sa kamay ko iyon.

Parang may humaplos naman sa puso ko dahil doon. In my entire life, no one did that to me. Ang mag alok na buhatin ang gamit ko.

Kahit alam naming pareho na magaan lang naman iyon at kayang kaya ko naman iyong buhatin pero inalok niya pa rin na siya ang magbubuhat.

Vans... you're making me feel special. It's my first time to feel this kind of feeling. Like there's something in my heart na nagdudulot kung bakit bumibilis ang tambol niyon.

Parang gusto ko tuloy pasalamatan ang lunchbox na 'yon. Tumbler na may tubig at kanin sa tupperware lang naman ang laman niyon, 'yon kasi ang bilin ni tita sa akin para daw makatipid ako sa pagkain. Totoo rin naman kasi dahil hindi na ako bibili ng tubig at kanin. Ulam nalang.

"I got curious sa na-kwento mo sa akin kagabi. Napagisip-isip ko na mukhang relaxing nga sa umaga na pagmasdan ang sunrise habang naglalakad. So... let's see." Kalaunan ay paliwanag niya sa sinabi ko kanina.

Journey Inside (Stand Alone)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon