Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan.
"...Joy? "
Lumapit ako kay Mama at nagmano, saka ibinababa ang bag ko sa may upuan sa sala.
"...'Buti naka-uwi ka na, kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo dahil sa assignment niya!"
"Anak, kumain ka na ba? Ayan, sa lamesa."
Ramdam kong kumalam ang sikmura ko kasi late kami dinismiss ngayon, pero tumango na lang ako at ngumiti para hindi malungkot si Mama.
"Hindi ka na namin na hintay sa hapag kainan, alam naman naming gagabihin ka."
Tumango na lang ako ulit at nagtanggal ng black shoes.
"Kamusta school mo ngayong araw?"
"Okay naman, Ma."
Binitbit ko ang sapatos ko at naglakad pataas. May bago pang digmaan bukas. Kailangan kong magpahinga.
"...tulog muna ako, Ma. Bukas na lang po."
"Sige, anak." Nginitian ako ni Mama at umakyat na ko sa kwarto ko para matulog.
BINABASA MO ANG
HULING PAG ASA
RomanceHindi ito mapapantayan ng kapanatagang magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay. Bagkus, ito ay isa lamang sa iyong mga sandata, at hindi ang mismong dahilan para makamit mo ang iyong ninais. Ikaw: ikaw ang una, at huli mong pag-asa. Ang pag-asa ay h...