Nagpop ang isang chathead habang nageedit ako. Agad ko itong binuksan.
"Hindi ko alam kung okay pa ginagawa ko ok lang ba?"
"Ibig sabihin ko may laman ba o wala may pitik ba yung kuwento ko?"
"Naisip ko Lang"
Naguluhan ako sa tanong ni Glenn, kaya kinlarify ko ulit: "Sino ba tinatanong mo, yung katropa mo o yung editor mo? Hahahahaha"
Muli kong binasa ang transcript na binigay na Glenn sa 'kin.
Aaminin ko, sumasakit ang mata ko.
Sinara ko ang laptop ko at lumabas ng kwarto para magkape.
Kung tutuusin, tayo din naman ang nagawa ng kapalaran natin e. Sadyang nalilimutan lamang natin ang kapangyarihan nating baguhin ang mga pangyayari sa paligid natin.
Ngayong ecq, nakakulong tayo sa bahay. Nakakulong sa boredom. Gayunpaman, hindi nito kayang hadlangan ang mga pagkakataon na maninindigan tayo sa mga karapatang pantao natin, katulad ng seguridad sa kalusugan at pangangailangang pagkain.
Naiwan ko pala si Glenn. Nagtype ako para maassure siya na maayos ang istorya niyang ipinasa.
Kung kaya't kung mayroong nakababasa ng aming mga likha, ng ating mga balita, tayo ang liwanag ng ating bansa.
Tayo ang magbibigay tanglaw sa bayan nating pinamumunuan ng isang matandang laging tulog at walang pagpapahalaga sa ating mga oras.
Mayroong mga sikreto na nailatag sa kuwentong ito, at hindi lamang ito para sa ating mga estudyante. Para rin ito sa lahat ng taong nakikita natin sa LCBA.
Ang mundo natin ay punong-puno ng mga taong may malasakit, mga mababait, mga makatao. Hindi dapat natin hayaan na hindi tayo maging maunawain, bagkus ay ating pakinggan ang hinaing ng bawat isa.
After all, magkakasama tayo sa digmaang ito.
Sa mga naiinis sa mga woke nating mga kaklase, katrabaho o kapamilya, kausapin natin sila. Itanong kung ano ang pinanghuhugutan nila.
Dito nagsisimula ang liwanag.
Sapagkat, sa katotohanan, dalawa lang ang kalaban natin.
Ang bulok na sistema, pati ang ating sarili.
BINABASA MO ANG
HULING PAG ASA
RomanceHindi ito mapapantayan ng kapanatagang magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay. Bagkus, ito ay isa lamang sa iyong mga sandata, at hindi ang mismong dahilan para makamit mo ang iyong ninais. Ikaw: ikaw ang una, at huli mong pag-asa. Ang pag-asa ay h...