SINAG NG PAGBANGON (Ray of Revival)

24 4 0
                                    

Habang naliligo pa ang kapatid ko, naisipan kong buksan ang Camera app ng phone ko.

"Hi, guys! Welcome to my vlog!" sambit ko saka ngiti sa phone. Kakareerin ko to, hahahaha!

"Ako nga pala si Joy Dela Cruz para sa mga gustong maghanap sa 'kin sa FB, pero pwedeng Joy na lang! "

"And ganon, since plan niyo na din naman po akong hanapin sa FB, nakatira ako sa may Brgy. Looc, so if gusto niyo mag-hangout or whatever, pwede din naman."

Pinause ko ang pagrerecord nung naririnig kong nagsisigawan ang mag-asawa sa kapit-bahay. Luh. Sige guys, kaya niyo yan.

Natatawa pa rin ako habang pinupush ko ang kakaiba kong trip ngayon. Dahil wala din namang makakakita nito, sasagadin ko na kapal ng mukha ko.! Hahahahaha!

"Nag-aaral nga pala ako sa LI, joke, LCBA na siya ngayon!"

"Pag-pasensiyahan niyo na lang po ko guys kagabi, pagod lang as an SA (student assistant) sa canteen namin."

Pinause ko ulit ang pagrerecord dahil nagbabatuhan na yung mag-asawa na nagbabatuhan ng mga gamit. Grabe. Intense.

Naisipan kong magbiro para di halata ng mga viewers ko na naloloka ako sa nangyayari sa labas, hahaha!

"Alam niyo, ang mga mahal na ng mga bilihin...pero sana, pati kami din ni crush~!"

Biglang kumalampag ang pintuan ko. Nako, si Mama na ata 'yon!

"Joy, malalate ka na sa klase mo, maligo ka na!"

Inistop ko na ang video at nagmamadaling pinatay ang screen ng phone ko. "Opo inay! Ayan na po!"

"At ihatid mo na ang kapatid mo sa school"

"Opo,ma."

Pagkaligo ay agad kong sinamahan si bunso papunta sa school. Mukhang late na naman ako ah~

Napakamot na lang ako ng ulo sa naisip ko at aagd kinuha ang bag ni baby para makaalis na kami.

" Bye bye, ate joy!"

Hinalikan ko ang noo ni Baby.

"Bunso, aral ka ng mabuti ha! Pag may umaway sa'yo, sumbong mo sa ate! Ako bahala!"

"Opo, ate!" Hinug ko siya bago siya maglakad palayo sa'kin.

"Ay... lintik! Wala na pala akong papel!"

"Ay, matagal na pala akong walang papel sa kanya~"

Nawindang ako nung may bumulong ng "...boom!"

...hala! Wala na din pala akong papel, anubayan!

Tumakbo ako papunta sa Pandayan (bookshop).

Sa daan, nakita ko si TJ, dating SA na kasama ko sa canteen, kaso nalipat siya sa laboratory.

Palihim ko siyang kinulbit at muntikan na siyang sumigaw pero nung nakita niya ang maganda kong mukha, natulala siya. Oh, di 'ba?

"Oh Joy, ikaw pala yan! Musta sa canteen?"

"Madaming popcorn pa rin, hahahaha!" Tinulak ko ang pinto at ibinababa ang bag ko sa may baggage counter.

"Oo, sa dami ng popcorn, naubos na ang cheese hahahaha!"

Humalakhak pa si TJ sa joke niyang waley. Tuloy, sinaway pa kami ni mamang guard. Hahahaha!

Nagtawanan lang kami habang nabili sa Pandayan. Pagkatapos nito ay pumasok na kami.

"Sige, Joy, una na ako! May lab pa kami ngayon!" paalam ni TJ at nagwave na lang ako sa kaniya bago nagsimulang magmarathon, hahahahaha! Sana umabot ako ng walang sermon sa klase!

HULING PAG ASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon