Tumilaok ang mga tandang. Sumigaw ang liwanag.
Dumating ang isang araw, isang araw na nagpapalapit sa atin at liwanag.
~
Gigising ng maaga para mauna sa trabaho...trabaho ng paglilinis sa paaralan.
Bumangon ako at nagtimpla ng kape. Pagkainom ng ilang beses, agad akong sumakay sa bike para makabili ng pandesal.
Lahat ng klase ng trabaho, napasukan ko na.
"Oh, Mang Recardo! Magandang araw po!" Agad akong nginitian ng batang lalaking nagtitinda. "Bente po ulit?"
"Oo, toto. Tustado ha, hehe." Tumango siya at agad ibinalot ang mga pandesal. Binayaran ko agad siya at nagpasalamat.
...pero mas pinili ko tong trabaho na 'to, sa kadahilanan na ito lang ang kaya ng pinagtapos ko.
Hindi ako nakatapos ng highschool, kahit ang misis ko.
May lima akong anak, isa na doon si Clara, ang bunso ko at ang huling kong pag-aaralin.
Sabi ko nga sa sarili ko, pagtapos ni Clara, magpapahinga na ako.
Hindi mamamatay ha. Mga bata talaga, hahahaha.
Dahil napagtapos ko na silang lahat sa paglilinis ng paaralan...dugo't pawis ang inalay ko sa bawat sentimo na kinita ko. Kahit pagkudkod man yan ng sahig ng CR, pagaayos ng aircon...lahat ay pinaghirapan.
Pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng mga anak ko sa pagaaral, sasamahan ko na lang ang asawa ko sa pagtitinda sa palengke, at doon lulumugin ang oras at panahon naming magasawa .
" Clara, papasok na ako."
"Sige po, Itay. Ingat po kayo!" Hinalikan ako ni Clara sa pisngi. Ang lambing talaga ng bunso ko. "Mamaya pa po pasok ko. At saka po, Tay, makikitraning nga pala ako ngayon sa LCBA mamaya." Inabot sa 'kin ni Clara ang binalot ko. "Baka sabay na tayo umuwi pag nagkataon, 'tay."
"Oh sige, nandoon lang naman ako, naglilinis ng room sa may admin building. Dalawin mo na rin si Joy doon pag naabutan mo. "
"Sige po Tay, ingat po!"
Inilagay ko na ang baon ko sa may bike at nagsimula ng magpadyak papuntang LCBA.
Ang anak kong si Clara, dati yang napasok sa LCBA.
Accounting ang course nun kaso nawalan ng iskolarship ang mga varsity, kaya napalipat siya ng wala sa oras.
Sa CCC niya napili.
Pero nakikitraining siya pa rin sa LCBA pag may libreng oras siya, kahit nahihirapan siya sa pag-aaral, dahil sobrang mahal nya ang paglalaro.
BINABASA MO ANG
HULING PAG ASA
RomanceHindi ito mapapantayan ng kapanatagang magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay. Bagkus, ito ay isa lamang sa iyong mga sandata, at hindi ang mismong dahilan para makamit mo ang iyong ninais. Ikaw: ikaw ang una, at huli mong pag-asa. Ang pag-asa ay h...