Inayos ko ang buhok ko na palaging magulo. Ang tanga lang nu? Magulo naman lagi inaayos ko pa.
Pinunasan ko ang salamin ko na medyo nanlabo dahil sa moist. At isinuot ko na ito. Tinitigan ko pa saglit ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Wala namang pagbabago, pero lagi ko paring tinitingnan sarili ko sa salamin.
"Kuya Kai, kinuha ko ung libro mo sa Mini Library mo uh? Pahiram muna ako! Novel book un!" Sigaw ni Nisel mula sa kabilang kwarto. Sya ang kapatid kong babae, pangalawa saming magkakapatid.
"Ay! Ako Kuya Kai, hiniram ko muna ung paper works mo sa Company ni Lolo. Nakakaaliw lang kasing pag laruan" sigaw naman ni Juka, bunsong kapatid kong babae din mula sa dulo ng taas namin.
"Wag mong sisirain huh? Malalagot ako nyan!"
"Kuya! Nakahanda na ung almusal mo dito. Bumaba kana daw sabi ni Mama" sigaw naman ni Junel, pangalawa kong kapatid na babae mula sa baba.
Sa totoo lang, puro babae ang mga kapatid ko kaya ako talaga ang napiling tagapagmana. Sila ang 3 angels ko. Medyo magugulo pero mababait at maaalaga sila. Imbis na ako ang mag protekta sa kanila, sila ang pumoprotekta sakin.
4th year college na ako. Graduating! At isa sa mga running for Suma Cum. Kinuha ko kasing course ay Engr. Pero mas pinili ko nalang ang Business.
Dahil tugma rin sa magiging trabaho ko.
Ako si Kai Clifford Emirate. Kinuha ang pangalawang pangalan ko sa Lolo ko. Cliff.
Bumaba na ako ng kusina at nasalubong si Mama.
"Hi Kuya! Good Morning. Kain na" nakangiti nyang sabi. Kaisel. Sakanya kinuha ang first name kong Kai.
Kami ang pamilyang mas pinili ang simple pero sikretong marangya. Gusto kasi ni Mama na simpleng buhay lang. Kaso si Papa hindi talaga maiwasan lalo na't dahil kay Lolo.
"Thanks Ma" sagot ko
Umupo naman ako sa hapag sa katapat ni Junel at kumain ng tahimik.
"Kuya Kai, Tumataas na ba ang grado ng salamin mo?" Tanong nya
"Nung last year pataas ng pataas. Pero ngayon tumigil naman na" sagot ko
Nag-nod naman sya. Tumayo din ako agad matapos kong maubos ang almusal na hinain nila.
Naglakad na ako papunta sa car park at sumakay sa Service Car namin.
Medyo maaga pa naman at 15 mins pa ang biyahe papuntang school. Kaya nag headset muna ako at ipinikit ang mata.
Inalis ko ang salamin ko at ipinatong sa gilid ko.
Minsan ang sarap lang talagang mag-relax kahit saglit.
Pag baba ko palang ng sasakyan lahat na sila nakatingin sakin. Para bang nakakita ng artista, may mga nagbubulungan pa. Pero hindi ko pinansin at diretsyo lang ako sa paglakad papasok ng school.
As if naman may pake sila, puro chismis lang alam nilang gawin. Siraan ang pamilya ko. At ang iba pa sakanila ay inggit.
Napansin kong madaming pagkain sa lamesa ko, ano na naman ba to? Araw araw nalang, para akong babaeng nililigawan. Itatapon ko na sana pero biglang dumating ang teacher namin sa first subject, at biniro pa ako nito.
"Penge naman nyan"
Napangiti lang ako at akmang ibibigay na sakanya lahat pero sumenyas sya.
"Nako, biro lang haha! Ikaw naman."
Yumuko lang ako at bumalik sa upuan ko. Nilagay ko nalang sa ilalim ng lamesa ko at saka nag-patuloy makinig sa lesson. Hindi ko din naman alam kung kanino nang-gagaling to. Gusto ata ng nagbibigay nito na mabulok ngipin ko.
Sobrang daming matatamis.
And as usual, bago matapos ang klase nag-quiz kami. And perfect na naman ako. Walang puwang ang 95 or 99 sakin. 100% dapat.
The bell rang, sign na break time.
Mag-isa na naman akong lumakad papuntang canteen, tahimik na nakikinig sa bagong tugtog ng paborito kong banda ng biglang may nagtatakbuhang lalaki ang papalapit sakin.
Iiwas sana ako pero huli na, nabangga na ako.
"Uyyyy, si weirdo. Hindi ata marunong tumingin sa dinadaanan, apat na ang mata. Bulag padin?!" Sigaw ng lalaking nakabangga sakin
What did I do?
Umiwas lang ako at aalis na sana nang bigla nyang ibuhos sakin ang dala nyang juice.
Puti pa naman ang suot kong sapatos.
"Yan ang dapat sa mga taong tulad mo" sabi pa nito
Araw araw ng ganito. Hindi ba sila nagsasawang bully-hin ako? Alam ko mali to, dapat nirereport ko to. Pero wala akong time
Naglakad lang ako dirediretsyo pero may isa na namang lalaki ang humarang sakin. Kasama ata nila.
Napayuko ako at nilapitan ako nito
"Ang angas mo ah" bulong nito
"Inaangasan ka ata boss" sabi pa nya habang nakaharap sa lalaking nag buhos ng juice sa damit at sapatos ko
"Wala akong ginagawa sainyo" tanging nasabi ko
"Nakakairita talaga pag mumukha mo!" sabay suntok nya
Napahawak ako sa mukha ko, kasunod ang suntok ng isa pa sa tagiliran ko.
"Aray!" napadaing ako sa sakit
Ano bang ginawa ko? Kapag nananahimik ka, sadyang gulo ang lumalapit sayo.
Kung hindi pa ako tatakbo, hindi nila ako titigilang bugbugin. Pero wala akong nagawa, nag tago lang ako sa CR hanggang manawa sila kakatawag saking lumabas.
Natapos ang break time na hindi man lang ako nakakain.
Ang sakit ng katawan ko.
Dahan dahan akong lumabas.
At napatitig uli ako sa salamin. Ngayon, may pagbabago na
May pasa ang pisngi ko, madumi ang damit at magulo ang buhok.
Naghilamos ako at pinilit tanggalin ang dumi sa damit ko. Baka sakaling hindi nila mapansin.
The bell rang again, time for second subject.
Pero wala na akong gana. Hindi na maganda pakiramdam ko. Kailangan kong mag pahinga.
Nakakasawa ang ganito.
I am weirdo, nerd. You can call me whatever you want. Pero gusto ko ba talagang maging ganito????
-
Hi! Here I am again! Sana magustuhan nyo din itong isa ko pang story. About kay Diara naman po ito. Enjoy xx
BINABASA MO ANG
My Gangster Girlfriend
RandomIsang nerd, handsome and rich young man ang na-inlove sa gangster, bully and easy-go-lucky girl. Tuluyan kaya nitong mababago ang isang matino at focus sa pag-aaral na si Kai? Tuluyan kaya itong ma-iinlove sa tulad nyang babae? * Revised Version