Flashback

2.9K 54 1
                                    

3rd Year College *

"Sht. Sht. Sht. Bilisan mo ngang tumakbo Avery! Mahuhuli tayo ng teacher natin!!" Sigaw ng babaeng makakasalubong ko pero nakatingin sya sa likuran nya at masyadong mabilis ang pagtakbo nya kaya naman hindi sinasadyang nag-kabanggaan kami.

Napaupo ako at ganun din naman sya sa sobrang lakas ng impact.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Nakita mo ng tumatakbo ako pahara hara ka pa!" Sigaw ng babaeng nakabangga sakin.

Sasagutin ko na sana sya ng maayos ko ang salamin ko at maaninag ng malinaw ang mukha nya ..

Napalunok ako at biglang napatayo. Lahat nakatingin na samin.

Inilahad ko ang kamay kong nanginginig para alalayan sya pero tinabig nya.

"Fuck off Nerdy!" Sigaw nya at tumayo na.

Si Diara. Diara Shiward.

Napayuko ako ng bigla syang lumapit sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Mukhang tumataas na grado mo Nerdy! Sa susunod wag pahara hara ok?"

Inalis nya ng dahan dahan ang salamin ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Direkta sa mata nya

At aaminin ko, napaka ganda talaga nya. Ngayon lang ako nagandahan sa babae, pero hindi ko talaga maikakaila. Kakaiba ang ganda nya.

"Gwapo ka pa naman .."

Nakasmirk nyang bulong bago tuluyang tumakbo.

At habang papalayo na sya, hindi ko na sya maaninag pa. Pati ung kasama nya. Si Avery.

At dun ko lang narealize na wala na ung salamin ko. Dinala nya pala.

Pumapasok ako ng isang linggong hirap dahil malabo ang paningin ko. Pero napalitan naman agad iyon ng panibago bago mag lunes uli.

Paano ko nakilala ang Diara Shiward na un?

Isa sya sa mga Gangster sa eskwelahan naming ito. Pero sya ung Gangster sa Good side daw? Hindi ko sure kung anong ibig sabihin, bakit may good side, bad side pa. Naririnig ko lang.

Kilalang kilala sya dahil sa pagiging matapang nya.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero sya lang bukod tanging nagpapabilis ng tibok ng dibdib ko.

Kahit hindi ko pa sya kilala, sa twing makikita ko sya bigla akong napapa iwas. Para bang tumakbo ako sa twing makikita ko sya. Ganun kabilis pintig ng puso ko.

Hindi ako inlove ah, Alam kong walang ganun ganun sakin. 


Pero simula nung makabangga ko sya, hindi ko na sya nakita pa ..

My Gangster GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon