"Kuya, May pasok ka ba? Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Mama mula sa Labas ng kwarto ko
"Wala ho akong pasok ma! Pupunta ako mamaya sa Opisina para bisitahin si Lolo at Dad." Sagot ko.
"Okay kuya" sagot nya
Tumayo na ako't naglakad papasok ng Banyo. Maliligo na ako.
Inalis ko ang salamin ko saka humarap sa salamin. Maraming nagsasabi, kahawig ko raw si Superman pag walang salamin. Tch alam ko namang binobola lang nila ako para makapanggaya sila.
Nang makatapos na ako maligo, bumaba na ako para mag almusal naabutan ko pa si Juka na namamapak ng gatas
"Hoy! Magtimpla ka, wag kang mamapak. Sayang lang" sabi ko na ikinagulat nya
"Luuh naman kuya eh! Ginulat mo ko dun uh! Wag ka maingay kay mama ha?" Sagot nya sabay nag pout
"Wala ka bang pasok?" Tanong ko
"Wala ho."
Nag nod nalang ako't kumain na ng almusal. Nagpaalam narin ako kay mama na aalis na at pupunta sa opisina.
Sa twing papara ako ng taxi, may mga sakay sila kaya naman napagdesisyonan ko nang maglakad nalang muna habang wala pang dumadaan.
Habang naglalakad, may napansin akong babaeng naninigarilyo sa kanto. Tsk tsk grabe na talaga ngayon!
At habang papalapit ako, namumukhaan ko na sya. Sya ung seatmate ko sa school! Si Diara.
May mga kasama sya. Mga kaibigan nya. Dalwang babae at apat na lalaki. Napabaling sya ng tingin sakin. Napayuko naman ako.
Iiwasan ko na sana ung landas nila ng bigla syang sumigaw.
"Nerd!"
Napatingin ako at tinuro ko ang sarili ko.
"Ako?" I mouthed.
Nag nod naman sya
Lumapit ako't medyo nanlaki ang mata ko ng akbayan nya ko. Grabe halos ibuga pa nya ung sigarilyo nya sa mukha ko!
Nakakainis!
"Guys! Boyfriend ko!" Proud na sabi nya
Te-teka? Anong sinasabi nito?!
"Lol!"
"Naaks!"
"Ayiiieee"
"Ang impakta na-inlove sa anghel!"
Mga komento nila. Halos alisin ko na ang kamay nya at nang magawa ko iyon ay napatingin sakin si Diara.
"What?" Tanong nya
"Wa-wala akong girlfriend." Sagot ko at naglakad na palayo.
Nagtawanan naman ang mga kasama nya. Hindi ko na sya nilingon pa. Alam kong napahiya sya pero- wala akong paki.
Aaminin ko, maganda sya. Oo. Halos perfect na nga eh, maganda ang hubog ng pangangatawan. Hindi kapayatan, hindi katabaan. Matangos ang ilong. Pantay ang kulay. Maganda at malalim ang mga mata. Maliit at mapula ang labi.
Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit sinasayang nya ang ganung ganda sa walang kwentang bagay.
Kung hindi sya sana ganun, at ipinagkalat nya na boyfriend nya ako, okay lang sakin. Pero bukod sa ganun ang ugali nya, nakakairita pa ang magkagirlfriend.
Alam ko ang pakiramdam na yun. Dahil kinukwento rin sakin ng mga kaibigan ko na nagtatrabaho sa opisina ni Lolo.
At ngayon, makikita ko uli sila.
BINABASA MO ANG
My Gangster Girlfriend
RandomIsang nerd, handsome and rich young man ang na-inlove sa gangster, bully and easy-go-lucky girl. Tuluyan kaya nitong mababago ang isang matino at focus sa pag-aaral na si Kai? Tuluyan kaya itong ma-iinlove sa tulad nyang babae? * Revised Version