Chapter Ten

106 7 0
                                    

"You haven't been to the old mansion, haven't you?" tanong agad ni Stefan pag-upo sa tabi ni JC, sabay abot dito ng bote ng iced tea.

Sumulyap sa kanya ang babae, bago nito iniikot ang cap ng inumin. "Hindi pa. I heard it's grand. Mas malawak pa daw sa Graceland?"

Tumango siya, "It is. And apparently, may gaganaping party doon next next Saturday. Invited tayo. I mean, lahat ng mga nagtatrabaho sa King's Lair, Pan Pharma, McNelson at Luciana's."

Umangat ang isang kilay nito. "Really, bakit daw? Ano'ng okasyon?"

Minasdan niya ang jatabi. Ilang araw na simula noong komprontasyon nila sa parking lot ng Sizzle, pero pakirandam niya ay may harang pa rin sa pagitan nila.

He apologized the next day, told her he was too overwhelmed by what he felt and that indeed, it clouded his reasoning. JC assured him they're still okay, but maybe they need to try to not be too attached and involved.

"Palagi tayong magkasama, Paul. Baka kapag binawasan natin 'yung oras na nagkikita tayo ay mas makapag-isip tayo ng ayos." mahinahong pahayag ni JC nang tanungin niya noong Biyernes ng gabi kung bakit sa ikatlong pagkakataon noong linggong iyon ay iba ang kasama nitong mag-lunch.

It was like being punched in the gut. Bihira siyang magpadalos-dalos sa nga desisyon at magpadala sa dandamin. The one time he did, two nights ago at Sizzle was out of fear, frustration and hurt.

Nasaktan siya na para kay JC pala ay walang gaanong ibig sabihin ang mayroon sila, na madali para dito na sabihin iyon sa iba. Giovanna, of all people!

"Kung walang ibig sabihn para sa iyo ang nangyari last Sunday, bakit kailangang magkaroon ng ganitong kompromiso? Why should it bother you that much?" nakikiusap ang mga matang tanong niya.

Bumuntung-hininga ito. "It doesn't bother me that much, Paul," she said evenly. "But I have friends and colleagues I want to know better and spend time with. At ikaw din, Paul."

Kung para siyang sinuntok sa tiyan kanina, para naman siyang tinadyakan ngayon. JC wants a life, a normal one, or something like it. May iba itong mga kaibigan na gustong makasama, hindi gaya niya na pinili na ang buhay na wala siyang matitinding attachments.

Holt was a given, they needed to stick together. But JC? She wasn't in his plans, that's why he didn't quite knew what to do with her. Ang sununod na lang niyang namalayan ay nahulog na siya dito, at hindi na one hundred percent na gaya ng dati ang buhay niya, lalo na ang kanyang mga plano.

"Paul, para saan yung party?"

Para siyang nahila mula sa kung saan nang tapikin ni JC sa braso, pabalik sa ilalim ng puno, sa kinauupuang damuhan kaharap ang malawak na paliparan ng saranggola sa Shelby Farms Park. Iginala niya ang tingin.

Sa di kalayuan ay ang iba nilang kasama sa King's Lair, na may kanya-kanyang puwesto habang kumakain o nagkukuwentuhan.

Linggo at birthday ng manager nila na si Ken, na sinagot ang paglabas at pagkain nila ngayong araw. They had brunch at a pizzeria, before they visited the huge Pink Palace museum, which is one of the largest in the mid South. Matapos iyon ay dito sa Shelby Park na sila dumirecho, na pinakamalaking urban park sa buong Amerika.

They hiked, biked, went fishing and rode horses for the past four hours, at ngayon lang talaga siya naupo at nalapitan si JC. Hindi nga niya inakalang matitiyenpuhan itong mag-isa, kaya hindi siya gaanong handa sa sasabihin ngayon.

Ten minutes ago din lang kasi niya nalaman ang balita mula kay Holt.

"Paul, are you okay?" nangungunot na ang noo ni JC.

"I'm sorry," he breathed. "Franco Melloni. Para sa kanya yung party sa mansion." dama niya ang pag-igting ng ilang facial muscles kasabay ang pagbilis ng pulso dala ng magkahalong pinipigil na galit at excitement.

"He's the youngest Melloni, right?" Hindi inaalis ni JC ang tingin sa kanya.

"Yes, he's only sixty, I think."

"Birthday niya kaya may party?"

"No," umiling siya  "But still a celebration of life. Na-triple bypass siya almost six months ago at fully recovered na after a series of treatments and therapy. Holt said Franco wants everyone to be there." Hindi niya alam kung paano napanatili ang neutral na expression at tono ng pananalita.

"Oh? Nakilala mo na ba siya dati?" mataman ang tingin ni JC. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay tila nanunukat iyon, at ang kapalaran niya ay nakasalalay sa kung paano niya iyon sasagutin.

Pinili niyang magsabi ng totoo. "Twice. We were just in the same place. Hindi kami naipakilala sa isa't isa. Bago pa lang ako dito noon at kapag walang trabaho, lagi akong kasama ni Holt."

"I see," tumangu-tango ang babae. "And you're going to this... party?"

"I was wondering if you could go with me."

Umiling lang si JC. "Ewan ko, Paul. Hindi ko hilig ang mga ganoong event. Hindi naman siguro ako mapapahamak kung hindi ako a-attend, di ba?"

Nakatitig lang siya kay JC, naninibago sa paraan ng pakikipag-usap nito ngayon sa kanya. It was like she was being deliberately snappy and bitchy, yet he can see the tension and regret in her eyes. "No, hindi required na un-attend." marahang sambit niya.

"I just thought, however messed up it is, I'd like to show you more of my life, this life that we chose now, and let you see these people who holds our lives in their hands." he sighed. "I'm sorry." Ni hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry, o kung paanong pipigilang tuluyang lumayo si JC sa kanya.

"I'm sorry, too." She softly said, and he knew it wasn't just about the party.

The Secrets We Keep (Completed)Where stories live. Discover now