Chapter One

420 18 0
                                    


“Milk time for you, Miss DJ.”

Napaigtad si Jendra mula sa pag-aayos ng mga gamit sa DJ's booth. “Oh shit, Paul! Ano ba!” natatawang tinampal niya ang braso nito. Kalalapag lang nito ng isang baso ng ice blended Bailey's sa console sa tabi niya.

He looked impeccably gorgeous as usual – trim and toned, strong and quietly imposing even in the bar's cream and black uniform. Nakapako sa kanya ang abuhin nitong mga mata at parang wala pang balak umalis.

She tried not to gaze at that face, with its near perfect angles, the intense eyes and sensuous lips, and just enough scruff to save him from looking angelic. He was beautiful, but she knew even before she met him that Stefan West a.k.a, Paul, is also dangerous.

Ito ang target niya, ang kailangang manmanan ang bawat galaw at siguruhing hindi  maisasagawa ang isang napaka-delikadong plano. Iisa lang ang contact nila sa Memphis na nagbigay sa kanila ng trabaho, a CIA deep cover agent known as Holt.

Nauna nitong nakilala si Stefan pero nasa misyon niya at ng UIN ang loyalty ni Holt dahil alam nito kung gaano kadelikado ang ma-involve sa mga Melloni, ang pamilyang nasa likod ng malaking crime syndicate na hanggang sa ngayon ay hindi pa nila alam kung gaano kalaki ang sakop at impluwensya sa buong US, or sa buong mundo.

“It's past midnight, JC.”

Umangat ang isang kilay niya. “I'm not Cinderella, Paul.”

A corner of his lips quirked. “I know, pero kaninang alas cinco ka pa dito. Nag-cover ka pa kay Luanna.” tukoy nito sa cashier nila na nag-undertime at pinakiusapan siyang mag-take over muna sa natitirang oras nito sa kaha dahil kailangang daluhan ang soccer match ng anak.

“Hindi ko makita ang problema, Paul.” tumingin siya sa direksyon ng bar. “Go back in there.”

He sighed, then furtively looked around King's Lair, one of the hottest gastropubs and music bars in the iconic Beale Street in downtown Memphis, Tennessee.

Kahit pasado alas doce na ng hatinggabi ay halos puno pa rin iyon. May regulars, mga turista, mga yuppies at mayroon ding para sa mga hindi pamilyar ay madaling mapagkamalang mga simpleng businessmen lang, pero sa mga gaya nila ni Stefan alias Paul, ay alam nilang hindi basta pinagkakatiwalaan.

Melloni's men, are distinct in their dark clothing, expensive watches and quiet demeanor. Kadalasan ay sa sulok ang puwesto ng mga ito, karamihan ay magkaka-grupo, at kadalasan ay Scotch o Tequila ang order.

“Ewan ko.” napu-frsutrate na muli itong bumuntung-hininga. “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit at paano kang na-involve sa ganito.”

“Pag-uusapan na naman ba natin iyan, Paul?” minasdan niya ito ng mataman.

Her cover story was, she flew from Manila using a tourist visa, hoping to find a job but ended up nearly being raped by an employer. She escaped, hitch hiked with strangers until she met Holt who offered her a job. May supporting documents na siya sa tulong ng UIN sakaling magduda si Stefan at mag-research, pero mukhang malaki ang tiwala nito kay Holt.

Kaya lang, hindi gaya ni Stefan na mukhang desidido nang isakripisyo ang buhay para sa misyon nito, maaari siyang mawala anytime. Holt can easily 'kill' her after she's done with her job or in case it doesn't work the way they want it.

May 'posisyon' na sa sindikato si Holt at ito na mismo ang nagsabi sa mga Melloni na ito ang 'magdidispatsa' sakaling may gawin siyang mali.

But she needed to save Stefan, try and dissuade him from his plans, maybe even mislead him. Maaari kasing masira ang ilang taon nang pinaghihirapan ng mga law enforcement agencies para ma-corner ang mga Melloni, at ayaw ng mga itong mauwi lang sa wala ang lahat dahil sa personal agenda ng isang rogue agent.

May ginagawa na rin ang UIN para makakuha ng sapat na ebidensya para idiin ang mga Melloni sa nangyari sa ama at kapatid ni Stefan, pero hindi lubos ang tiwala ng lalaki na mabibigyan iyon ng priority kaya isinuong na nito ang sarili.

It was both stupid and admirable.

“I just don't want you to endanger your life by staying here longer.” mahinang sabi nito.

“Paul, I have been working here for almost three months. Nagdududa ka pa ba sa kakayahan kong protektahan ang sarili ko?” I'm a trained UIN agent!

“No, JC.” hinawakan nito ang kamay niya.

Napasinghap siya sa tila kuryenteng dumaan sa pagitan nila. The air between them was suddenly charged. She's felt this since the first time Stefan laid a hand on her back as they walked to her apartment building, on her first night at King's Lair.

She hated it that even after three months, and even after she resolved not to be affected, she still found herself reeling from even the smallest touch.

“You know how much I admire your strength. I'm sure you can even beat up Marco and Manolo for me.” nakangiting sabi nito, na ang tinutukoy ay ang dalawa sa mga bouncers ng King's Lair.

“Ayoko lang na sa dami ng nakikita at nararanasan mo dito ay masanay ka nang masyado. I don't want you to get so used to them you'd forget how wrong they are.

“I know you need to survive... and you're doing this for some people you love but I don't want you to completely get lost in it, JC.” patuloy ni Paul, nagpapaunawa ang mga mata.

Another detail in her cover story was that she was an orphan, with very few relatives left whom she's been helping. Ang totoo ay maayos ang buhay ng pamilya niya sa Pilipinas at kalahati ng kinikita niya sa nakaraaang mga buwan ay sa isang home for the elderly sa Cavite napupunta.

“I won't let that happen, Paul.” sinalubong niya ang tingin nito. “I promise.”

He smiled faintly. “Okay, I trust you.”

No, Stefan. Don't. I can't be trusted. I'm here to ruin your plans. I'm here to fucking save your ass, even if you don't want to. “Get back to your work.”

“Ubusin mo iyan.” itinuro nito ang baso.

Kinuha niya iyon at sumimsim, sabay saludo dito. Ilang segundong tiningnan siya ni Stefan, bago ito tumalikod at nagbalik sa bar.

Binalikan niya ang ginagawa sa DJ's booth, inayos ang playlist na aabot hanggang sa magsara ang bar mamayang alas dos ng unaga. DJ siya sa gabi, at sa araw ay acccounting staff siya sa Pan Laboratories, ang pharmaceutical and research firm na pag-aari din ng mga Melloni pero ayon kay Holt ay front lang para sa iba pang illegal na gawain ng sindikato.

Dalawang kalye lang ang layo niyon sa security agency kung saan assistant naman si Paul ng anak ng isa sa mga nakatatandang Melloni. Malapit ito sa mga mafia boss na mukhang sa maikling panahon ay nakuha agad nito ang loob.

He often would visit her during breaks. Sometimes, he will pick her up from work and have dinner together. Magkatapat lang ang apartment buildings na tinitirahan nila at parehong Thursday to Saturday din ang trabaho nila sa bar.

They often walked home together and many times,  she wondered if there was more. Madalas ay agad niyang dini-dismiss ang isiping iyon dahil alam naman niyang hindi puwede.

Napapailing na inayos niya ang headset, binuhay ang screen ng laptop niya, at kaki-click pa lang sa sound mixing icon nang makarinig ng malakas na kalabog kasabay ang galit na pagmumura.

Pagtingin sa isang gilid ng bar ay may tatlong tao na naglabas ng baril at bago pa siya nakayuko para makaiwas tamaan ay umalingawngaw na ang putukan.

The Secrets We Keep (Completed)Where stories live. Discover now