"My father used to be a consultant for Pan Pharma's main laboratory in South Carolina. He didn't know about the Mellonis until his fifteenth year there, when he questioned discrepancies in how the budget for a certain project was used. Nag-resign siya nang walang makuhang maayos na sagot at paliwanag tungkol sa anomalya. Ilang heses din siyang sinubukang i-demanda at takutin ng mga Melloni, pero nakakuha siya ng tulong mula sa FBI at sa Philippine embassy doon para makauwi kami. I was five then, and my sister was thirteen."My dad wanted to forget his Pan Pharma years, so he never spoke of it again. Maayos ang naging buhay nanin at akala namin, tuluyan na kaming nakawala. But then my dad became part of a research that had to do with a new drug that will help reverse the harmful effects of a Pan Pharma top seller, which he didn't know until it was too late. Dalawang linggo matapos ang birthday ko, natagpuang patay si papa at Ate Stana. Seven shots to the head and chest for ny father, five for my sister. I could've died if my father didn't request I get a copy of a gardening magazine for my mon."
Katahimikan ang sumunod matapos ang mga ipinagtapat ni Srefan, sa mahinang boses at sa pagitan ng alertong paggalaw ng paningin habang naglalakad sila ni JC pauwi. Tahinik lang din ito habang nagku-kuwento siya, pero ilang beses din siya nitong sinulyapan. Derecho naman ang tingin niya sa daan, iniiwasang masalubong ang mga mata ng katabi.
"Why are you telling me these now, Paul?" maya-maya sy tanong ni JC, kasunod ang malalim na buntung-hininga.
"Dahil ayoko nang marami akong itinatago sa iyo, JC. Gusto kong maintindihan mo ang mga takot ko, kung bakit kahit alam kong kaya mo ang sarili mo ay gusto ko pa ring may gawin para protektahan ka."
Napailing ang babae. "So, you're here for a mission? Pinaplano mo bang gawin kay Franco Melloni ang ginawa niya sa papa at kapatid mo?"
Siya naman ang bumuntung-hininga. "I wish I am as coldblooded as he is, because I swear several bullets in his head from my gun sounds like a great idea. Pero alam kong baka hindi ko iyon magawa, kahit karapat-dapat. May nga gusto akong malaman mismo sa kanya. Yung paraan ng pagpatay sa papa at Ate Stana, masyadong brutal. He hired a professional. A couple of shots to the head would have finished them both."
Sa halip ay pitong tama ng bala kay Steve West, lima sa noon ay dalawampu't limang taong gulang na si Stana na sununod sa yapak ng ama bilang medical physicist. The weapon was used with a silencer, the shots were at close range. The gunmen posed as mall security guards to get them to open the car door.
"I'm sure wala na sigurong natitira pang konsensya kay Franco. Pero isa ako sa iilang sumira sa record niya. I lived. And I wanted that bastard to remember he's not as powerful and invincible as he believed."
Nahuli ang dalawang inupahan ni Franco Melloni na punatay sa papa at Ate niya, tatlong taon matapos ang krimen. Both didn't admit that they were hired killers, until both committed suicide in their jail cells a few days before a hearing. Nag-iwan ng note ang isa sa mga ito -- nakasulat sa pinilas na pahina ng isang crossword puzzle book.
To the West boy: Pan Lab. Frank Melloni. Huwag hanapin. Hindi makikita. Walang laban.
Sa kanya naka-address dahil halos araw-araw simula nang makulong ang dalawa ay dinadalaw niya ang mga ito at nakikiusap, nagmamakaawang sabihin kung sino ang mastermind.
"And your mother? Kumusta siya, Paul?"
Hindi niya inaasahan ang tanong ni JC. Ilang sandaling nakatingin lang siya dito, bago muling nagsalita. "She was ready to move on after the hired killers were captured. Napagod na daw siyang umiyak at magalit, dahil hindi na rin naman maibabalik pa ang mga nawala."
She sighed. "Tama siya, pero naiintindihan kita. Sana lang..." napailing ito. Nasa front steps na sila ng apartment building ni JC, na ilang sandaling malungkot siyang minasdan bago humawak sa kanyang braso. "Nagdesisyon ka na, Paul. Pinili mo na ang buhay na ito. At ako? Ang buhay na ito ang pumili sa akin. It saved me, but I know this might destroy me too, in the end. Pero wala na rin akong choice. Ikaw na rin ang nagsabi. Nobody leaves. No one can get away."
"May paraan pa, JC. Maniwala ka. Hindi ideal, hindi madali pagkatapos pero kaya natin." desperado na siya. "Holt can help --"
"Holt can only do so much. Huwag na nating subukan, Paul." Her eyes pleaded, then turned away to push open the heavy main door. "Goodnight."
YOU ARE READING
The Secrets We Keep (Completed)
General FictionJendra's Menphis mission maybe dangerous, but her job was simple enough. Bilang si JC ay kailangan niyang makipaglapit, protektahan at iligtas mula sa lalo pang kapahamakan ang rogue agent na si Srefan, a.k.a. Paul. Mas delikado pa sa mission niya...