Chapter 10Ipis
Hindi ko alam kung pano ako nakatulog. Pano ba kase halo halo ang nararamdaman ko.
Flashback..
Nalate ako ng thirty minutes dahil kay Penelope at Viviane na nagpapaayos saakin magkakaroon daw kase sila ng date sa C.I.A. Mall. Yes may mall dito. Buti pa sila.
Nakakahiya pawis na pawis akong dumating sa may Hardin ng Black level building. Hindi pa kami nakakalipat dito dahil sa madami ring mga studyante na nagsililipatan kaya ayaw naming makigulo. Kapag tapos nalang sila.
Napayuko ako dahil sa pagod. Tumingin ako sa lalaking nakasandal sa may ibaba ng puno. Nakapikit ang mga Mata niya at nakayuko na sa tingin ko tulog na siya. Kahiya talaga! Kanina pa siguro siya naghihintay.
Lumapit ako ng dahan dahan na parang pusa.
Buti naka tulog siya para di ako kabahan. Nahihiya pa ako. He's my long time crush. Hindi ko siya agad nakilala noon sa mundo ng mga tao hayyssttt. Pinagmasdan ko lang siya. Ang bango niya ang sarap akapin.
Pinapanood ko siya habang nagpupunas ako ng pawis. Ang laki ng pinagbago niya. Gwapo na siya noon ngayon mas lumala pa. Naka cross arm siya kaya kitang kita ang malalakas niyang bisig. Kahit isang daliri lang siguro ay kaya niya akong buhatin. Naalala ko tuloy noong bata kami. Hinalikan ko siya habang tulog siya. Sabi niya noon wala pa siyang nahahalikang babae kaparehas ko siya. Kaya yun first kiss namin ang isat isa ako ngalang ang nakakaalam. Kausapin ko muna siya habang tulog kaya siya
"Hoy alam mo noh may gusto ako sayo siyempre hindi. Nagseselos ako noon dahil madaming nagkakagusto sayo. Magaganda sila at may mga malalaking hinaharap at mga pwetan. Matatangkad sila at magaling mag ayos. Pero ang lamang ko sakanila ay close kita. Di mo nga sila pinapansin and I'm proud of myself. Talo ko sila mas maappeal ako sayo hahahaha. Rage, naalala mo noong binigyan mo ako. Ng bulaklak at kinuha ko naman. Bigla ko nalang na pagyelo ito kahit ang kamay mo. Natatakot ako noon dahil diko macontrol and kapangyarihan ko at lahat ng kalaro ko ay kinakatakutan ako. Ikaw lang noon ang hindi natakot noong napagyelo ko ang kamay mo. Sinabi mo noon. 'You're amazing' doon ako unang humanga sayo. Parati mo ako pinagtatanggol kagaya noong naligaw ako sa kakahuyan at niligtas mo ako sa napakaraming lobo. Ikaw rin ang tumulong na maghilom ang sugat ng pagkawala ng mommy ko. Hindi ko aakalain na magkikita pa tayo ngayon. Buti at tulog ka para naman makausap kita ng hindi nahihiya. Kinakausap ko ang tulog hahaha nababaliw na ak-"
Nagulat ako noong gising siya kaya yun.
Sinabihan pa ako ng adorable. Kinikilig ako. Gusto ko sanang magpaparty dahil doon ehh. Pero wag nalang. Nadatnan kong nandoon na sa kwarto ang kumakain nanaman na si Hades. Ayaw niya doon daw sa kwarto niya dahil ang daming maiingay na nagsisilipatan kaya dito muna siya pansamantagal. Punong puno ang kanyang pisnge at bunganga. Pambihira talaga tong babae hindi dapat siya tawaging binibini ehh kundi binata
YOU ARE READING
A Flower Over A War
FantasíaBetrayal always comes. Conflict is everywhere. Misery is on the move. Chaos is happening. Hatred is in this world. Violence became the solution. Wrath is what they feel. Fury is ablaze in the mind and soul. Anger will never tame.Revenge is the refug...