Chapter 11

0 0 0
                                    

Chapter 11

Hard..


"Bethany's room is here. The next door is Deanise's room" kasalukuyan kaming inililibot ngayon sa black level building. Ito ang pinakamalaking level building kahit pa kaunti lang ang gumagamit. Bawat kwarto ay may sariling malaking comfort room at simpleng kitchen. King size bed ang lahat ng mga higaan. At kung ano ano pa. Ito ang pinakamagarbo sabi nga ni Head Mistress Hera , "..that being the students that belongs to the highest rank have many privileges and perks.." Ito yung isa. Ikaw ay magkakaroon ng pinaka maayos na pananatili sa school.

Sa unang palapag at sina ate Deanise, Bethany ang nakakuha sa mga kwarto dito. Bawat Palapag ay may dalawang kwarto lang at may malawak na common areas gaya ng infinity pool dito sa unang palapag. Dito naman sa pangalawang palapag ay sina kuya Kiel at Rage naman ang may kwarto ng mga ito. Ang common area naman dito ay gym. Diko pa Pala na sa sabi na mas lumalaki at lumalawak ang Building kapag dumarami ang mga studyante na naninirahan dito ganon din ang ibang building.

Sa pangatlong palapag ay kay Jazz at Clyde. May common area ito na sobrang laking kitchen. Kitchen na kumpleto sa lahat mapagamit, ingredients at pagkain meron! Himala hindi ata nagkandarapa tong si Hades sa mga pagkain. Haysstt nasasayangan daw siya sa ipis. Kadiri!

Pang apat na Palapag ay kina Viviane at Penelope. May common area itong parang Sala. May malalambot itong mga sofa at tatlong malalaking TV. May table din ito sa harap ng mga sofa. Parang theater room ang peg. Sa pang Lima ay kina Chuya at kuya Phoenix ang common area dito ay ang Liquor and beverage area. Goodness pwede kaming uminom! Grabe pano pag di kami pumasok? Ahh oo nga pala pwedeng hindi kami pumasok ay bet ko yan.

Sa pang anim ay kaming dalawa ni Hades. Ay Grabe ang exciting, sobra exciting. Sobrang pinaghirapan yung common area. Grabe! Bakit anong common area ito meeting or working area? Super plain! May malaki itong itim na pabilog na mesa. Meron ding nakapalibot na mga itim na upuan. Sa gilid nito ay mga furniture na itim at ang ng dingding ay puti! Bakit kami pa. Tumingin ako kay Hades bakit parang masaya siya? Oo nga pala gustong gusto niya ng tahimik. Pero ako hindi! Hindi to maaari.

Sa pang pitong palapag ay meron ding dalawang kwarto. Pero mag isa lang si Pierre. Ang common area ay isang malawak na library. Madaming libro na nakalagay sa mga bookshelf. May mga mesa at upuan din. May palamuti din itong mga halaman at malaking chandelier sa itaas. This whole place is so majestic. It is shouting elegance at royalty.

Tumingin ako sa tabi ko at wala na ang Hades na kasama ko. Nakita ko nalang siya sa isang ladder at kinuha ang isang malaking libro. Binuksan pa niya ito at inamoy amoy. Nagniningning din ang mga mata niya. Bumaba na siya dala dala ito.

"Pierre. Pwedeng ilabas ang mga libro dito sa building?" Di na siya tumitingin sa kausap dahil tutok na tutok siya sa kanyang binabasa

"Yes. We can, besides we are in the highest rank" ngumiti si Pierre. Oo ngumiti siya! Nang mapansin niya na naka tingin ako ay bumalik siya sa seryosong mukha niya. Naalala ko tuloy kanina yung mukha niyang gulat na gulat dahil sa ipis ghush he look cool kahit sobrang nakakahiya yung pagsigaw niya. Sumigaw siya dahil sa gulat pero Nang nalaman niyang ipis lang Pala ay inalis nya lang saka tinapakan.  Bat ganon hindi siya na kakatawa kundi nakakafall pa! Kainis, ako pag ganon siguro parang naging bakulaw nga talaga ako.

A Flower Over A WarWhere stories live. Discover now