C H A P T E R 18

215 40 1
                                    


WARNING: 🔞🔞🔞 This chapter contains with adult language and matured contents. It is not suitable for anyone under 18.

Pinagmasdan niya si Cindy habang naglalakad papalapit sa kanya at umiiyak. Mugto ang mga mata nito at nang makalapit sa kanya ay sapilitan niyang hinawakan ang kamay nito at humarap sa magkakasal sa kanila.

Habang nagsasalita si Atty. sa harap nila ay ramdam niya kung gaano kasama ang loob sa kanya ni Cindy lalo na nang i-announced na ganap na silang mag-asawa. Pilit niyang isinuot  ang singsing dito at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa labi.

Nang ipikit ni Cindy ang mga mata ay umagos na naman ang luha nito sa pisngi.

“Paano ba ‘yan? Congrats sa inyong dalawa, goodluck sa honeymoon niyo kahit alam ko namang araw-araw niyo nang ginagawa.” Biro ni Ryusei at kinamayan siya.

“Salamat,” nakangiti niyang sagot.

“Hindi na rin kami magtatagal ni Atty. pero bago kami umalis, ihahatid ko muna ang uncle ni Cindy sa basement para walang sagabal sa honeymoon ninyong dalawa,” tumatawang biro ni Ryusei at lumapit sa dati nilang secretary para dalhin sa loob ng mansyon.

TULOYAN nang lumubog ang araw at bago umalis sina Ryusei ay sapilitan pa siyang pinapirma ni Tomoya sa marriage contract. Na sa tabi sila ng dagat habang tanaw ang papalayong speed boat nina Ryusei nang biglang humarap sa kanya si Tomoya at tinitigan siya.

“Ang ganda mo talaga, masisisi mo ba ako kung bakit ko ginagawa ‘to?” malambing nitong tanong sa kanya at napakaamo ng mukha nito ngayon habang nakatitig sa kanya.

“Dahil mahal kita at hindi kita kayang pakawalan,” napailing naman si Cindy sa sinabi nito.

“Sinungaling! Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan ng ganito at pipilitin sa mga bagay na gusto mo! Napakasama mo!” masama ang loob niyang sumbat kay Tomoya.

“Hindi ko naman gagawin ‘to kung hindi mo ako tinakasan at niloko, alam mo kung gaano kita kamahal Cindy. Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkaganito. Ikaw ang dahilan ng lahat ng ‘to.” Mahinahong paliwanag Tomoya pero hindi na siya naniniwala dahil alam niyang nagkukunwari lang ito, at mamaya lang ay babalik na naman sa demonyo nitong ugali.

“Patatawarin kita Tomoya, kung papayagan mo kaming makaalis ni uncle dito.”

“Sige pagbibigyan kita, pero makipaglaro ka muna sa akin. Gawin muna nating exciting ang honeymoon natin, ako ang taya.” Bigla siyang nanghilakbot sa takot.

“Kapag hindi kita nahanap sa loob ng isang oras, sige pagbibigyan kita. Ikaw at ang uncle mo. Malayang makakaalis sa Islang ito, pero kapag nahanap kita, alam mo na ang magiging kapalit. Magpapaalam ka na sa kanya,” tumatawang sabi ni Tomoya kaya napailing siya.

“Baliw ka na!” nanggagalaiti niyang sigaw.

“Ano pa‘ng hinihintay mo? Magtago ka na!” mas lumalala ang takot niya at nanginginig na tumalikod.

Hinubad niya ang suot na sapatos at binilisan ang pagtakbo papunta sa likod ng mansyon hanggang sa makarating sa kakahoyan at kahit natatapakan niya na ang matutulis na bagay sa lupa ay patuloy pa rin si Cindy sa pagtakbo sa madilim na lugar at tahimik na nagtago sa likod ng malalaking puno.

“Cindy?” nanginginig niyang tinakpan ang bibig at pigil ang paghinga, hinubad niya rin ang gown dahil sagabal lang iyon kung sakaling tatakbo ulit siya.

Nang hindi niya na marinig si Tomoya ay tumakbo siya pabalik sa dating bahay ng uncle niya at kahit napakadilim ay doon siya nagtago.

Ilang saglit pa at narinig niyang tinadyakan ni Tomoya ang pinto kaya napasiksik siya sa ilalim ng kama at mas lalong kumakabog ang dibdib habang naririnig ang mga yabag ni Tomoya.

Possessive Love of Tomoya 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon