"Malas mo, hindi ka pa tuloyang lumayo sa akin. Anong akala mo? Hindi ko malalaman kung saang lupalop kayo nagtatago? Pero huwag kang mag-alala makakasama mo rin dito sa Isla ang uncle mo, si tita at si Yukeo para malaman niyo kung anong klaseng mga demonyo ang pinagtangkaan ninyong sunogin." Nanginig ang buong kalamnan ni Cindy nang itutok ni Tomoya sa sentido niya ang baril. Pagtapak pa lang sa Isla ay ramdam na ni Cindy na nababalot ito ng galit at misteryo dahil sa mga nakapanghihilakbot na panaginip sa mga unang gabing pananatili niya roon. Mahirap pakisamahan ang ibang mga apo ng chairman lalo na si Tomoya na naghahanap ng hustisya para sa inang misteryoso na lang naglaho ng parang bula sa Isla. Pero hindi niya akalaing magiging miserable pala ang kanyang buhay sa kamay ng lalaking minahal. May mga gabing umiiyak siya, sumisigaw at nagmamakaawa sa tahimik na Isla na sana isang araw ay mahabag sa kanya si Tomoya at bumalik na lang ang pagmamahal nito sa kanya. Warning: 🔞🔞🔞
22 parts