C H A P T E R 14

181 42 1
                                    


Pinagmasdan niya si Tomoya habang himbing na himbing na ang tulog.  Ilang sandali na lang ay aalis na siya sa Islang ito kaya pinagsawa muna ni Cindy ang mga mata sa guwapo nitong mukha.

Hinaplos niya iyon habang unti-unting bumabalong ang luha, napakasaya lang nilang dalawa kanina pero ngayon ay nilalamon na siya ng matinding lungkot dahil maghihiwalay na sila ng landas ni Tomoya.

Pinahid niya ang luha at isiniksik ang sarili sa mainit nitong katawan. Ayaw niyang umalis at iwan ito, pero hindi niya rin kayang suwayin ang gusto ng uncle niyang si Chito dahil ito naman talaga ang pamilya niya.

Kinuha ni Cindy ang braso ni Tomoya at tiningnan ang wrist watch nito.

Malapit nang mag-alas dyes kaya nagpasya na rin siyang bumitaw kay Tomoya na mahimbing pa rin sa pagtulog. Oras na para mag-impake ng mga gamit kaya bumangon siya at hinagilap ang mga saplot kanina.

Matapos magbihis ay pinagmasdan niyang muli si Tomoya at hinalikan sa noo bago malungkot na lumabas sa kuwarto nito. Agad siyang nag-impake ng mga gamit nang hindi alam kung anong magiging buhay sa pagsama ulit kay Chito, nagtataka pa rin siya kung bakit biglaan nitong sinabi na aalis na sila. Mabigat sa pakiramdam ang naging desisyon nito.

Pagdating ng oras na hinihintay niya ay binitbit niya na ang gamit at dahan-dahang lumabas sa kuwarto, medyo madilim na sa hallway pero tumigil siya saglit at isa-isang tiningnan ang mga pintuan ng kuwarto ng mga apo ni chairman.

Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa hagdan habang matamang pinagmamasdan ang buong mansyon na kasalukuyang na sa gitna nang katahimikan. Paglabas ni Cindy ay agad niyang nakita si Chito na naghihintay sa kanya, kinuha nito ang dala niya at nagmamadaling naglakad papunta sa tabing-dagat.

Nakasunod lang siya rito habang inalala ulit ang nangyari sa kanila ni Tomoya at humarap ulit sa malaking mansyon.

“I'm sorry Tomoya, pero sakali mang magkita tayo ulit hayaan mong makapagpaliwanag ako sa iyo.” Usal niya at tumalikod na.

Napansin niya ang speed boat sa tabing dagat, at hindi lang ang uncle niya ang nakasakay doon kung ‘di ang mag-inang Adela at Yukeo.

“Y-Yukeo?” sambit niya at nagtatakang tumingin sa uncle niya.

“Sumakay ka na Cindy, kailangan na nating magmadali!” maawtoridad na utos ni Chito, agad namang inabot ni Yukeo ang kamay sa kanya para mapadali ang pagsakay niya sa speed boat.

“Uncle ano bang nangyayari?” nagtataka niyang tanong at nang makasakay sila ay mabilis na pinaandar ni Yukeo palayo ang speed boat kasabay noon ay biglang sumiklab ang buong Isla kaya natigilan siya at hindi makapaniwala sa nakikita.

Kumalat kaagad ang apoy papunta sa buong mansyon kaya naghysterical siya sa sobrang pag-aalala kay Tomoya..“Uncle! Bumalik tayo!” sigaw niya at nagwawala na dahil gusto niya nang tumalon para bumalik sa Isla at iligtas ang mga apo ni chairman pero malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

“Tumahimik ka! Hindi mo kilala ang mga taong nakatira roon! Mga demonyo sila!” sigaw ni Adela sa kanya. “Tama lang sa kanila ‘yan! Masunog sila nang sama-sama!”

“Hindi totoo iyan! Kayo ang mga demonyo! Uncle, bakit wala kang ginagawa? Bumalik tayo!” nanlulumo niyang sigaw at pinagpapasalamat na lang na biglang umulan ng malakas.

Possessive Love of Tomoya 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon