𝑳𝒊𝒚𝒆𝒓𝒂
𝟷𝟿𝟽𝟻
"Kakayanin mo na ba?" Tanong ni inang Londues. "Kakayanin po.. Para sakaniya." Naiilang kong sagot.Inilagay ko ang aking mga kagamitan sa lamesa at kinuha ang bata sa mga kamay ni inang.
"Jusko, ipagpaubaya mo na lamang 'yan sa iyong ina.. Liyera. Masyado ka pang bata para gawin 'yan." Tugon ni inang.
"Kaya ko na po. Siya ang magiging gabay ko sa hinaharap. Bibisitahin ko siya sa bawat selebrasyon ng kaniyang kaarawan." Kinakabahan ako sa aking gagawin ngunit kailangan ko nang dalhin sa ibang henerasyon si Lyreign.
Patungong hinaharap.
Si Lyreign.. Ang aking kakambal. Isinumpa siya ni Quirela at naging isang sanggol. Tinanggal lahat ng kaniyang mga alaala ngunit isang marka naman ang naiwan sa kaniya.
Si Quirela ang kapatid ng aking ina na naging kaaway namin dahil sa isang malupit na dahilan. Malupit na dahilan na kailanman ay hindi na mababago pa.
"Lyreign. Ika'y maging gabay sa aking paglalakbay. Naway gabayan ka rin ng panginoon patungo sa iyong inaasam na paroroonan." Sambit ko habang hawak si Lyreign. Hawak naman ni inang ang isang kuwintas na pamana ng aking ama.
Nagbukas na ang lagusan ng hinaharap at pumasok ako rito na hawak-hawak si Lyreign.
Dinala kami ng lagusan na iyon sa modernong mundo ng mga tao.
𝟸𝟶𝟸𝟶
Nilapitan ko ang isang bahay at inilagay si Lyreign sa pintuan nito. "Ingatan ka sana ng mga magsisilbing magulang mo." Habang nagsasalita ay tumutulo na ang luha mula sa aking mga mata. "Sa ika-anim na kaarawan mo'y makikilala mo na ako. Paalam, Lyreign." Sambit ko at bumalik na sa panahon na nararapat sa'kin.𝑹𝒐𝒔𝒂𝒍𝒊𝒏𝒆
Nako naman! Sino ba 'tong kakatok-katok?! Nagsuot muna ako ng mask at binuksan ang pinto.
"Jusko! Wala akong panahon sa mga ganito!" Binuhat ko ang kahon at inilagay sa gilid ng basurahan.
Sino ba namang mag-iiwan ng bata sa ganitong oras at panahon? Hay nako!
. . .
𝑬𝒍𝒍𝒆𝒊𝒈𝒏
"Manong ihinto n'yo po muna 'yong sasakyan. Itatapon ko lang 'yong mga basura." Sabi ko habang nilalagay 'yong mga basura sa isang plastic.
Galing kasi ako sa company namin, I work there as Jared's executive assistant. And it's been so difficult for me kasi may mga bagay na 'di dapat ginagawa with your co-workers being so close to you, social distancing sabi pa nga.
Mahirap talaga 'tong year na 'to. A lot of people died because of the virus being spread all over the country. Bakit pa kasi nagkaroon ng ganito kalalang virus? well, can't blame anyone. God is good, 'di naman tayo pababayaan.
"May basurahan naman po d'yan sa tabi. Mag ingat nalang po kayo kasi curfew na banda rito. May nagroronda nang mga pulis." He stopped the car and I hurriedly got out.
Tinapon ko naman agad sa basurahan 'yong mga plastic ng pinagkainan namin. Pero napahinto ako sa ingay.
Ingay ng batang umiiyak. "What the hell?"
I grabbed my phone from my pocket and turned the flashlight on. "Ahhhh!" I screamed as I saw a baby inside the box.
Who the hell would have the guts to throw a baby?
"Shh." Kinuha ko ang sanggol at kinarga ito. Sino naman kayang baliw na magulang ang magtatapon ng anak?
Kawawa naman 'to. Walang ka alam-alam. The danger of the outside world, mukhang wala pake 'yong parents n'ya sakanya.
Bumalik na ako sa sasakyan na dala pa rin ang bata. "Ma'am kaninong anak ho 'yan?"
"Nako manong! Napulot ko po, nasa tabi lang ng basurahan." Sabi ko habang tinitignan 'yong bata.
"Jusko! Kawawang bata."
I looked at her face and examined her facial features. Her eyes were unique and her lips are in really nice shape. Perfect shape.
"What should I name you? Hmm.." Habang nag-iisip ng maipapangalan ay 'di ko na namalayan na nakarating na kami sa bahay. Or should I say my mansion?
Ambisyosa. Mansion nila mama at papa na pinamana sa'kin. Edi sa'kin nga. Naman oh.
Pumasok na kami sa loob at pinaliguan ko muna siya bago ako maligo dahil galing kami sa labas. Ayoko naman na magkasakit kami.
After giving her a bath, pinabihisan ko na muna siya kay manang Llen at naligo na 'ko agad.
'Di naman ako nagtagal sa CR dahil excited akong bigyan ng pangalan 'yong bata.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta na agad ako sa kwarto ko at kinuha 'yong baby mula kay manang.
"Ang cute cute mo naman. Kaninong anak ka ba kasi, ang ganda pa ng mga mata mo." Tinitigan niya lang ako habang kinakausap ko siya, malamang, baby pa eh.
"Foreigner ba 'yong tatay mo? Napaka unique ng eye color mo bebe." Parang nawala lahat ng pagod ko sa trabaho nang ngitian niya 'ko.
"Manang, tawagan n'yo po si Jared, paki sabi na pinapauwi ko na siya."
Jared, Jared Pintela, is my husband at ilang taon na rin namin na ginugustong magka baby pero 'di pa binibigay ni God 'yon sa'min.
Baka itong baby muna ang binigay niya para i-test ang parenting skills namin ni Jared.
"Hmm.. Should I name you Elleaire? Or Jalleign? Parang ang ano naman nung Jalleign. Inlab na inlab kay Jared 'te?" Napatawa nalang din ako sa nasabi ko.
"Well, I guess I should name you Elleaire." With that being said, she gave me a beautiful smile and a little dimple on her right cheek showed.
"Napaka cute mo talaga!" Nakakagigil 'tong batang 'to.
Elleaire Pintela. . .
BINABASA MO ANG
I Was You
FantasyNaniniwala ka ba sa time travelling? or is there really a time machine for time travelling? Two people became one. One past became two. One lie became hundreds. What more is there? The past called them twins, but the present called them as one. Whi...